It's Not True

2.2K 142 5
                                    

"PINAGHANDAAN mo talaga 'to, ah," kantiyaw ko kay Chase nang makarating kami sa tuktok ng burol. May nakahanda nang mga pagkain na pawang finger foods na nakalatag sa picnic mattress. Siyempre in an instant, biglang kumalam ang sikmura ko. T-in-arget ng mata ko ang tig-dalawang bucket ng fried chicken at fries.

"Ayokong mapahiya sa first date natin," may naglalarong ngiti sa mga labi niya.

Tinalikuran ko siya para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Napasinghap agad ako pagkakita sa view. "Wow! Ang ganda!" buong paghangang sambit ko. Mula sa burol na kinatatayuan namin, kitang-kita ang buong bayan ng San Vicente, Laguna. Pumikit ako at sinamyo ang preskong hangin.

"That's why I like staying in here. It's breathtaking," sabi ni Chase.

I couldn't agree more. "Favorite spot ko na rin dito." I could stay up in this hill for hours. Kung dala ko lang ang painting materials ko, baka tapos ko nang ipinta ang view sa burol.

Itinali ni Chase si Piccolo sa malapit na puno. Busy na ang kabayo sa pagkain ng damo.

Naging busy na rin kami ng binata at pinagsaluhan ang mga pagkain. Habang kumakain, tinitingnan namin ang mga picture namin sa perya. Tawa ako nang tawa sa stolen shots ni Chase. Nakuhanan ko pa siya sa aktong pagbahing. His crumpled face was lit! Ang bruho, may stolen shots ko rin pala. Siya naman ngayon ang tawa nang tawa. May shot akong nakabuka nang malaki ang bibig ko. Z-in-oom pa niya at kitang-kita ang uvula ko. Bruho talaga.

Busog na busog kami pagkatapos. Hinapit ako ni Chase at isinandal sa dibdib niya, ipinaikot ang isang braso sa baywang ko. Napapikit ako at dinama ang init ng katawan niya na pangontra sa malamig na simoy ng hangin. I'd noticed that he loved twisting my hair around his finger. Nagtawanan kami nang sabay kaming dumighay nang malakas. Pinagmasdan namin ang kalangitan. Nakasaboy ang kahel, dilaw, at puti tanda ng nalalapit na paglubog ng araw.

"I was born being unwanted by my parents," Chase said, breaking the beautiful silence.

Awtomatikong napatingin ako sa kanya. Nakinig nang mataman.

"But that didn't stop me. Wala akong ibang hiniling no'ng bata ako kundi ang matanggap nila. I had begged for their love and acceptance. Kahit ayaw nila sa akin at hindi ako mahal, kahit malamig ang treatment nila, minahal ko pa rin sila. Umasang magbabago rin ang pakikitungo sa 'kin.

"Nothing worked. No matter how I tried. They still hate me. Paulit-ulit nilang sinasabi kung gaano ako kawalang kuwenta. Na sa tuwing nakikita ako, naaalala nila ang mga bagay na hindi nagawa dahil sa 'kin. Their frustrated dreams. Sa akin nila ibinunton lahat ng galit at sisi."

Oh, Chase...

"My parents were both twenty when I was conceived. Hindi planado. Especially at that young age. Hindi pa handang maging ama ang daddy ko. And my mother, who was about to have a big break in modeling, lost her chance. Napilitan siyang tumigil lalo pa't maselan ang pagbubuntis niya. Napilitan din silang magpakasal sa utos ng grandparents ko at magsama sa isang bubong. Sa ayaw at gusto nila, kailangan nilang panagutan ang nangyari. Dapat kasal sila bago ako maipanganak. I'm their first grandson at ayaw nilang maging illegitimate ang pagiging Mondragon ko.

"Walang araw na hindi sila nagalit sa 'kin. Wala akong ginagawang tama sa paningin nila. Pero tiniis ko 'yon. Wala akong ibang pinagsabihan kahit sino, kahit kila Lolo. Sa States na rin kasi sila nakatira. Ayokong lalong magalit sa 'kin ang parents ko kaya inilihim ko. They were nice and sweet to me when everybody's watching. Pero 'pag kami-kami na lang, nagbabago ang anyo nila sa 'kin.

"Hanggang sa natagpuan ko ang perya at nakilala si Uncle Red. Naging pangalawang tirahan ko ang perya at pangalawang ama si Uncle Red. I met him when I was ten. Sinagip niya ako no'ng hinabol ako ng aso." Tumawa siya. "Mula n'on, naging close kami. He was seventy-four that time but he didn't like to be called 'lolo'. Mas gusto niyang uncle ang itawag sa kanya kasi mas cool daw. Mag-isa na lang siya sa buhay. Hindi siya nagkapamilya kaya ako ang itinuring niyang parang totoong anak. Naramdaman ko sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang. Ironically, lalo lang pinatindi ni Uncle ang kagustuhan kong matanggap ng parents ko. I was that eager. Kasi, masarap na sa pakiramdam na mahal ako ni Uncle, how much more kung ang parents ko na totoong kadugo ko."

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon