Forever Yours

2.8K 130 7
                                    

INIS na napaungol ako sa walang awat na pagtunog ng cell phone ko. Ayoko pang bumangon. Wala pa yatang five minutes ang tulog ko. Napuyat ako sa kakaiyak, sa sobrang sama ng loob. Gusto ko sanang magkulong sa kuwarto. Wala akong ganang gumawa ng kahit ano, wala akong ganang mag-paint, pero istorbo naman 'tong tumatawag. Isa na naman bang magtatanong kung ipinagbibili ko ang TGIW? Naku, 'wag ngayon. Mainit ang ulo ko. Baka masungitan ko lang. Hindi ako likas na masungit pero exempted ang araw na 'to.

"Ugh, Winnie! You better have something nice to say!" gigil na anas ko bago sinagot ang tawag. Ang bruha, tumili pa sa kabilang linya.

"Girl!"

"'Kainis naman, Winnie. Bakit ka ba tili nang tili?"

"Whoa! Easy! Ang high blood mo!" natatawang sita niya. "Ang sungit mo rin. That's so not you. Por que sikat ka na, ginaganyan mo na ang BFF mo?"

"OA mo, Winnie. Pareho lang tayo." Katulad ko, nakikilala na rin si Winnie bilang isang magaling na painter. Tumawa siya. "Do you know what time it is? Nine pa lang ng umaga!"

"So? Eh, 'di ba seven pa lang ng umaga, gising ka na? You're a morning person."

Natahimik ako.

"Problem?"

"W-wala. N-napagod lang talaga ako kahapon."

"Ah, okay. Anyways, puwede ba tayong magkita? Medyo urgent, bes, eh. May importante akong sasabihin. Doon tayo sa parke diyan sa inyo magkita. 'Yong park kung saan kayo unang nagkakilala ni Chase?"

"What? Teka, Winnie—"

"Ten AM sharp. So don't be late. Bye!"

"Winnie!" Binabaan na niya ako. I groaned in frustration. Of all places! Kunsabagay. Hindi naman niya alam na may problema ako kay Chase ngayon. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya.

Bumangon na ako para makaligo at makabihis.

WALA pa si Winnie sa park nang dumating ako. May ten minutes pa bago mag-ten.

I felt nostalgic as I sat on the same bench when little Chase approached the little me. Kasabay ng pagkirot ng puso ko. Ipinagpalit mo na ba talaga ako, Chase? Hindi mo na ba ako mahal? Pati ba sa puso mo, deactivated na rin ako?

Naiiyak na naman ako. Pero sinikap kong pigilan. Nagkabikig ang lalamunan ko. Kung nagbago na ang feelings ni Chase para sa 'kin, wala naman akong magagawa roon. Sabihin lang niya nang maayos. Kahit masakit.

May nakapa ako sa loob ng dalang shoulder bag. Inilabas ko 'yon. Tinitigan. Mayamaya, ang mahaderang bibig ko, sumasabay na sa tunog ng music box at hina-hum ang First Love ni Utada Hikaru. Masokista nga talaga ako. Mukhang magkakatotoo pa 'yong story ng kanta sa love story ko. Hindi makakatuluyan ang first love.

Pinagmasdan ko ang puno ng narra na matayog pa ring nakatayo. Ang narra kung saan ako pinapanood ni Chase habang naglalaro ako no'ng bata ako.

"You're still singing that blasted song."

Napatuwid ang likod ko. Dahan-dahan kong nilingon ang nagsalita. My eyes widened. My heart escalated. There I saw my first love standing few meters away from me. He looked so fresh, more handsome, and damn, so mature. So Chase. A gorgeous smile plastered on his lips as his deep-set eyes pierced through my soul.

"Chase..." sambit ko. "Chase!" Tumayo ako para salubungin siya ng yakap nang madapa ako. Maagap akong nasalo ni Chase.

He chuckled heartily. Oh, God. How I'd missed that laugh. "Four years na ang lumipas, lampa ka pa rin. Now it's confirmed that you were born for me to catch you every time you fall."

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon