NAGTAGO ako sa pader at napakapit nang maigi. Tahimik na napahagikgik ako. Para akong butiki. 'Buti na lang mapader ang MVU. Marami akong mapagtataguan in case lilingon bigla si Chase.
I was following him again. Hindi ko na talaga siya pakakawalan sa paningin ko. I really needed to find out where his hangout place was.
At saka maganda ang result nitong nakalipas na mga araw. Nakita ko siyang ngumiti at nag-alala para sa 'kin. Lalo akong na-motivate.
Lumiko si Chase. Lumiko rin ako. Lumiko na naman siya. Nadapa ako. Pero mabilis akong nakapagtago.
Hindi pa ako nakaka-recover nang lumiko na naman siya. Juskolord! Wala bang katapusan ang pagliko-liko niya?
Pero iyon na pala ang huli. Lumabas siya ng pinto. Mabilis kong in-scan ang paligid. Nasa malayong bahagi na kami ng campus at walang katao-tao sa paligid. Lumabas din ako sa pintong nilabasan ni Chase. Pumasok siya sa isang abandunadong single-storey building.
OMG! Doon na ba ang tambayan niya?
Pinigil ko ang sariling mapatili. Kapag nae-excite pa naman ako, napapatili ako.
Sinundan ko siya. Sinubukan kong buksan ang pinto pero hindi mabukas. Bumagsak ang balikat ko. Of course. Nakasara!
'Kainis. Akala ko makakapasok na 'ko. Pero hindi nabawasan ang excitement ko. Dito ka lang pala naglalagi, ha. Kaya pala hindi kita makita around campus. Ano ka ngayon, Chase? Huwag mong minamaliit ang ninja skills ko.
Sumilip ako sa loob. In fairness, malawak. Imbakan pala ng mga sirang upuan, mesa, at lumang libro ang building. Nakaupo si Chase at naka-ear phones.
Naka-lock ang pinto pero ang ginamit na pang-lock ay payat at pahabang bakal. Bumaba ang tingin ko. May siwang din sa paanan ng pinto.
Napangisi ako. Alam ko na ang gagawin para makapasok ako.
KINABUKASAN nasa harapan uli ako ng pinto ng tambayan ni Chase. Sumilip ako sa loob. I was right. Naroon siya. Wala siya around campus, eh. Naka-ear phones na naman siya habang nakapatong ang dalawang paa sa kaharap na silya. Kinuha ko sa bag ang fur fabric at wooden stick. I grinned mischievously. Let the pagpasok begin!
F-in-old ko ang fur fabric at isinuksok sa paanan ng pinto. Sunod ay ipinasok ko sa siwang ng lock ang stick. Napangisi na naman ako nang malamang hindi mahigpit ang pagkaka-lock ng payat na bakal sa pinto. Madali lang buksan. Pero siyempre, mag-iingat pa rin ako. Mahirap na. Baka marinig ni Chase na nire-raid ko siya. Malay ko ba kung mahina lang 'yong volume ng ear phones niya. Mapurnada pa ang pagpasok ko. Iyon ang silbi ng fur fabric na inilagay ko sa paanan ng pinto. Para 'pag nasungkit ko paalis ang lock na bakal, doon lalapag sa fur fabric nang walang ingay.
Inumpisahan ko nang sungkitin iyong lock na bakal. Nakatatlong attempt ako bago ko natanggal. Eksaktong l-um-anding ang bakal sa fur fabric. As expected, walang nilikhang ingay.
I smiled triumphantly. Whew! No sweat. Ako pa. Pambato yata ako sa shato ng mga kalaro ko no'ng bata ako.
Tiningnan ko ang binata. Busy pa rin siya sa pakikinig sa ear phones. Hindi nakahalatang na-invade ko na ang teritoryo niya.
Pagkatapos kong ligpitin ang mga ginamit, inilabas ko ang Tupperware na may lamang egg pie at dahan-dahang binuksan ang pinto. Umingit pa iyon nang kaunti.
Tinungo ko agad ang kinapupuwestuhan ni Chase. Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako nang madapa at nabitawan ang Tupperware. Naihagis ko sa mukha ni Chase.
"Fuck!" sapo ang mukhang napatayo siya.
Syet na malagkit! Bakit ngayon pa ako nadapa?!
Pabalang na tinanggal ni Chase ang ear phones. "Damn it. What are you doing here?!"
Napangiwi ako. Dali-dali akong tumayo at pinulot ang Tupperware.'Buti na-secure kong mabuti ang takip kaya hindi natanggal. Napasinghap ako nang makitang namumula ang noo ni Chase. Mukhang magkakabukol pa siya nang dahil sa 'kin! "Chase, sorry! Hindi ko sinasadya. Sorry talaga. Gagamutin ko—"
"How did you get in here? Did you follow me?" nagngangalit ang mga ngiping tanong niya. Mabilis siyang sumulyap sa pinto.
"O-oo. I-ikaw kasi, eh. Ayaw mo akong pansinin. Lagi mo akong tinataboy," paninisi ko kahit nag-aalala pa rin ako sa namumulang noo niya.
"You little... Hindi ka talaga titigil, ano?"
Awtomatikong napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Titig na titig sa mukha ko. Napalunok ako. Kumabog ang dibdib. Hindi pa rin siya tumitigil sa paglapit.
"O, bakit ka umaatras?" nakangising tanong ni Chase. "Natatakot ka na ba sa akin? Ha?"
"H-hindi, 'no. Gusto ko pa ring mapalapit sa 'yo," taas-noong tugon ko. Kinakabahan ako hindi dahil natatakot ako sa kanya, kundi dahil sa antisipasyon ng puwedeng mangyari.
"Really? Let's see."
Binilisan ni Chase ang paglapit. Binilisan ko rin ang pag-atras. Gulat na napakurap ako nang lumapat ang likod ko sa dingding. Wala na akong aatrasan. Lihim na nahigit ko ang hininga nang itukod ni Chase ang magkabilang braso sa pagitan ko, hindi pa rin hinihiwalay ang tingin sa 'kin. Ito ang pangalawang beses na naging ganito kami kalapit sa isa't isa.
He smirked. Nahigit ko na naman ang hininga ko nang unti-unting bumababa ang ulo niya. Lalong nagwala ang puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa Tupperware.
Alam ko 'to. Alam ko 'to! Ito 'yong mga nababasa ko sa romance novels na eksena na wala nang aatrasan na pader 'yong heroine 'tapos hahalikan siya ng hero. Shucks! Hindi ko expected na mararanasan ko na ang first kiss ko. Sana nag-Listerine ako—
"Leave."
What the... Napakurap-kurap ako. Hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. "H-ha?"
Mas lalo pa niyang inilapit sa tainga ko ang bibig niya. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. "I said, leave."
Leave?! May pa-corner-corner pa siyang drama, 'tapos paaalisin lang pala ako. Napapahiya sa sariling nagkamot ako ng ulo. Pambihira! Akala ko naman...
"Fine! O!" Ipinasak ko sa dibdib niya ang Tupperware. Wala sa sariling hinawakan naman niya. "Egg pie mo. One egg pie a day makes you a cutie pie. Kaya kainin mo 'yan, ah? Huwag mong itapon. Masama magtapon ng pagkain." There was an amusement in the edge of his eyes. "See you tomorrow." Nagmartsa na ako patungong pinto.
"Wait."
Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pinto at nilingon si Chase. "Hmm?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Huwag mong ipagsasabi sa iba na dito ako nag-i-stay, maliwanag?"
My eyes sparkled as I nod my head for assurance. "Oo naman! Your secret is safe with me, Chase. Our secret."
Hindi na siya nagsalita. Bumalik na siya sa kinauupuan at isinuot ang ear phones.
Napangiti ako at lumabas na ng gusali. Nakakakilig naman. May secret na kaming dalawa!
I could feel it. Kaunti na lang. Mapapaamo ko na si Chase. Malapit ko nang makuha ang loob niya.
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
Любовные романыIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...