His Smile, His Other Side

2.6K 133 10
                                    

A/N: Hi, guys! Subscribe naman kayo sa YouTube channel ko. Type n'yo lang Duchess Marissa. Nilagay ko rin 'yong link ng kalimba cover video ko sa taas, click n'yo na lang din 'yon. Thank you! ^_^ ♥


"I HATE your smile, your name... everything. I hate all about you."

Napaisip talaga ako sa sinabi ni Chase. What did he mean by that? What's my name got to do with all his... hatred towards me? Ano'ng mali sa pangalan ko? Hanna Joy Andrade ang full name ko. I loved my name actually. Ipinanganak kasi ako ng Christmas Day. Balak nga akong pangalanan ni Papa na "Happiness Joy", eh, kaso pinigilan ni Mama. Redundant na raw masyado kaya Hanna na lang. Tutal, iyon ang dream name ni Mama. Thank God. Hindi naman sa ayaw ko sa word na "happiness". Ang akin lang, ang weird naman kung "happiness" ang pangalan mo, 'di ba? Si Papa talaga. Ang weird mag-isip kahit kailan. 'Buti na lang hindi lumalabas ang pagiging weird ni Papa sa creations niya. Isa siyang landscape architect.

Anyway, ang sakit magsalita ni Chase, ah. Why did he hate me so much? Pero kung inaakala niyang susuko ako, nagkakamali siya. Hindi ko siya tatantanan. Sinasadya niyang pasakitan ako para tigilan ko siya. Puwes, sorry na lang siya kasi hindi ako crybaby.

Tahimik kong sinundan si Chase. Hindi hinihiwalay ang mga mata sa kanya. Baka malingat lang ako saglit, mawala agad siya sa paningin ko. Ang bilis pa namang maglakad ng lalaking 'yon. Parang laging nagmamadali.

Susundan ko siya para malaman ko kung saan ang tambayan niya sa school.

Bigla akong napapreno at mabilis nagtago sa pader nang lumingon si Chase. Shucks! Muntik na niya akong makita. Sinilip ko siya. Naglalakad na siya ulit.

Napanganga ako nang lumabas siya ng campus. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Thirty minutes na lang ang break niya sa susunod na klase. Saan siya pupunta? Was he going to skip class again?

Nevertheless, sinundan ko pa rin siya. Okay lang naman sa akin kasi tapos na ang klase ko sa araw na 'to.

Grabe, ang bilis niya talagang maglakad! Kailangan ko pang tumakbo para makaagapay sa kanya.

Tumigil si Chase sa paglalakad nang hingan siya ng limos ng isang batang lalaking pulubi. Siguro around seven years old ang age ng bata. May dalawa pang kasama ang pulubi na mas bata pa rito. Hula ko ay mga kapatid nito. Nakaupo sila sa sidewalk. Bahagya akong napasinghap nang lumuhod si Chase para magpantay ang tingin nila ng bata. He looked at the boy with sympathy and fondness. Ngayon ko lang nakitang ganoon ka-soft ang mukha ni Chase. Samantalang kanina, napakaseryoso ng mukha niya at parang may galit sa mundo. Kinausap niya ang batang pulubi. Habang sumasagot ang bata ay may lumarawang galit sa mukha ni Chase pero agad ding nawala. Pagkatapos, may sinabi siya sa bata na ikina-excite nito at ng mga kapatid. Napanganga na naman ako nang ngitian ni Chase ang mga bata!

Hindi ko namalayang sapo ko na pala ang dibdib ko. My heart sank when I saw him smile. The smile that I saw nine years ago. Nakangiti na rin pala ako. Masaya ako kasi, akala ko, nakalimutan na niyang ngumiti nang ganoon. He still remembered how to genuinely smile like that. Umaliwalas ang mukha niya at lalong gumuwapo nang ngumiti. I hope we would smile more often.

Gusto ko pa siyang makitang nakangiti kaya nang akayin niya ang mga bata, sinundan ko sila. Curious din kasi ako kung saan niya dadalhin ang mga ito.

Tumawid sila sa kabilang kalsada. Iti-treat pala ni Chase ang mga bata sa Jollibee. Napangiti na naman ako. Hindi na ako pumasok sa loob. 'Sakto namang umupo sila sa mesa sa gilid na glass wall. Naaliw akong panoorin ang binata na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga bata habang kumakain.

Lalo kong napatunayan na hindi masamang tao si Chase.

UNFORTUNATELY, hindi ko na uli nakitang ngumiti si Chase. Balik na naman siya sa dati. Kaya lalo akong nakumbinsing may something sa likod ng image niya.

Tuwing naaalala ko ang nakangiting mukha ni Chase, parang hinahaplos ng isang mainit na bagay ang puso ko. Lalo akong na-attach sa kanya. Dahil sa ngiting iyon, lalong tumaas ang drive kong makipaglapit sa kanya. Gusto ko uli siyang makitang nakangiti. Gusto ko siyang mapangiti at mapatawa.

"Hanna."

Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Kiro, ikaw pala." Nginitian ko siya.

"Puwede ba kitang makausap?"

"Oo naman. Ano 'yong pag-uusapan natin?"

"Totoo bang magkasama kayo ni Chase Mondragon last time?"

"Oo." Kahit ako lang naman 'yong makulit na lumalapit-lapit sa kanya.

Nabigla si Kiro. "Why? Why are you talking to him? Kayong dalawa ang topic sa buong campus kaya hinanap kita para kausapin."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman hindi?" tanong ko kahit alam ko na ang sasabihin niya.

"But why so sudden, Hanna? Hindi mo naman siya kinakausap dati. Don't get me wrong. I'm your friend so I'm just concerned about you. Pareho nating alam ang reputasyon ni Chase sa school. Nag-aalala lang ako na baka may mangyaring masama sa 'yo dahil sa kanya."

Nasaktan ako sa sinabi ni Kiro. May kumirot din sa puso ko. I felt the urge to defend Chase. Kung nakita lang ni Kiro ang pagmamalasakit ni Chase sa mga batang pulubi, magdadalawang-isip siyang sabihin iyon. "Kiro, maaaring pangit ang image ni Chase dito sa school. Pero naniniwala akong mabuting tao siya. Wala siyang gagawing masama sa akin."

Magsasalita na sana si Kiro nang pareho kaming matigilan sa pagdaan ni Chase. Napangiti ako. Bumalik siya. Sinusundan ko kasi siya kanina kaso nakawala siya sa paningin ko. Tatawagin ko sana si Chase pero naunahan ako ni Kiro.

"Mondragon."

Tumigil sa paglalakad si Chase pero hindi lumingon.

"Layuan mo si Hanna."

Napasinghap ako. "Kiro!"

Chase snorted. "Tell that to her." Iyon lang at ipinagpatuloy na niya ang paglalakad.

Naiinis na hinarap ko si Kiro. "Bakit mo sinabi 'yon sa kanya?"

"I did that because I care about you," seryosong sagot ni Kiro. "I'm just protecting you from him, Hanna."

Bumuntong-hininga ako. "Naa-appreciate ko ang concern mo, Kiro, pero maniwala ka. Mabuting tao si Chase at hindi niya ako sasaktan."

"Paano ka nakakasiguro? Bakit bigla-bigla mo na lang siyang pinagtatanggol? Nakalimutan mo bang bully siya? Nakalimutan mo na ba no'ng nabangga ka niya, natumba sa sahig 'tapos hindi man lang siya nag-sorry? Nasaktan ka no'n, Hanna. At base sa nakita ko, hindi niya gusto ang paglapit-lapit mo sa kanya."

"Sigurado ako, Kiro, kasi bata pa lang kami, kilala ko na siya."

Natigilan siya. "What do you mean?"

"Remember the boy I told you before? The one who gave me the music box?"

"'Yong dahilan kung bakit naka-move on ka sa pagkamatay ng Ate Hazel mo nine years ago, yes."

"Si Chase 'yon." Nagulat si Kiro. "Kaya naniniwala akong hindi siya likas na masama. Siya pa rin 'yong batang lalaki na nakilala at inalagaan ko sa puso ko."

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon