DINALA ko si Chase sa painting room ko, na dati ay si Ate Hazel ang may-ari. Gulat nga kami, eh. Pagdating namin sa bahay, naroon lahat ang mga kaibigan namin. Kumpleto. Para tuloy reunion. Aliw na aliw naman sila Mama at Papa. 'Buti na lang, marami pang natirang handa. Malalakas pa namang kumain ang mga 'to.Ipinakita ko kay Chase ang tatlong painting na exclusive for his eyes only. No'ng pinatayo ko siya sa fully-bloomed Crimson Tree, no'ng nakita ko siyang ngumiti for the first time, at no'ng tumatawa siya.
"These are magnificent," puri ni Chase. "Akala ko na-meet ko ang kakambal ako. Parang totoong-totoo kasi."
"Thank you. You're my favorite subject kaya. Sa 'yo ko lang ipinakita 'yan. Gusto ko, ikaw ang unang makakita niyan. Hindi ko rin ipagbibili ang mga 'yan."
"Thank you for painting me, baby."
Hinayaan ko lang si Chase na tingnan ang mga ipininta ko. Napangiti siya nang makita ang p-in-aint niya sa The Vent Street. Pr-in-int ko 'yon at idikit sa dingding.
"'Andito pala 'to? Kawawa naman, baby. Na-OP."
"Hindi kaya. Gawa mo 'yan at ako ang subject, kaya belong siya rito." Tinabihan ko siya.
"Orange means sunshine. Kaya orange lang ang ginamit ko. And you're my sunshine."
I smiled. "Oh, I see. 'Yon pala ang meaning n'on. Akala ko kasi mukha akong carrot."
He chuckled and pulled my waist. Our lips met for a passionate kiss. Nayanig ang sistema ko sa makamandag niyang halik. Katulad ng dati, it felt like my first time...
Nagulat kami nang kumalabog ang pintuan. Narinig namin ang mga boses nila Winnie, Rayt, Ash, at Lennox sa labas. Sinasaway naman sila ni Kiro. Pareho kaming natawa ni Chase. Ang mga 'yon talaga. 'Buti na lang, naka-lock ang pinto. Muli naming ipinagpatuloy ang masarap na halik.
Yes, everything fell into place.
Dreamy sigh.
WAKAS
---
A/N: Thank you for reading Hanna and Chase's story! Thank you sa mga umabot dito, hihi. Tell me your thoughts, please... 🤗
Ang next ko pong ia-update ay Passionate Breakup (Book 1 of Fiery Hearts series.) [18+ only so ehem alam na. For innocent mind lang iyan 😁]
FB: Heidi Starr (Single 'R' lang talaga iyong Star ko. Ayaw kasing tanggapin ni FB kaya ginawa kong double 'R')
FB page: Heidi Star PHR
IG: heidistar09
Twitter: imaginative09
YouTube Channel: Duchess Marissa
This story is also available in Booklat. Heidi Star PHR ang UN ko doon.
Thank you ulit, guys. MWAHUGS!!!!!!!!
Heidi Star, imaginative09
![](https://img.wattpad.com/cover/67367538-288-k376775.jpg)
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomanceIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...