KUMABOG ang dibdib ko nang matanaw si Chase sa parking lot ng campus. Pinaglalaruan niya sa kamay ang susi ng kotse habang nakasandal sa hood niyon. Naka-dark shades siya. Bagay sa kanya ang naka-dark shades. Nagmukha siyang model sa Hollywood.
Napatuwid siya ng tayo nang makalapit ako sa kanya. Suwabeng tinanggal niya ang suot na dark shades. My heart went ballistic when our eyes met.
Mula nang hapitin niya ako three days ago, nagkaganito na ako. I couldn't get him off my mind. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang eksenang iyon. Tuloy, tuwing magtatama ang mga mata namin ni Chase, umiinit ang mga pisngi ko, bumibilis ang tibok ng puso ko, at parang may nagliliparang something sa tiyan ko. Katulad ngayon. 'Tapos, lalong lumakas ang appeal niya sa akin. Lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. At ang magaling kong kaibigan, nahalata ako.
"'Oy, ba't ganyan ka makatingin kay Chase? May sparkles sa mga mata mo. Ang dreamy din. Actually, matagal ko nang napapansin. May gusto ka na sa kanya, 'no? Aminin!" Sinundot-sundot ni Winnie ang tagiliran ko.
Fine. Oo na. May gusto na ako kay Chase. Wala namang masamang magkagusto sa isang tao, 'di ba? Kasama sa life iyon.
"Hanna?"
Napakurap-kurap ako. "H-huh?"
"I said where are we going?" bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya.
Gusto kong kurutin ang sarili ko. Nakita ko lang siya, nawindang agad ang sistema ko. Kung saan-saan naglakbay ang puso—este isip ko.
"A-ah!" pinilit kong tumawa. I need to act normal. "B-basta. Malalaman mo rin. Tara na."
Wala pang thirty minutes ay nakarating kami roon. Sakto. Walang tao. Masosolo namin ang lugar. I breathed in slowly. Ah... The smell of colors really gets me every time.
"Street wall painting?" Chase was surprised when we got out of the car.
"Yes! Alam kong nagtataka ka kung bakit kita dinala rito. Para sa lahat 'to. Kahit hindi marunong mag-paint, puwede rito. The Vent Street ang tawag dito kasi dito pumupunta ang mga taong gustong mag-vent out ng feelings or emotions sa pamamagitan ng pagpipinta. Pagmamay-ari 'to ng isang mayamang businessman at psychologist. Binili niya ang lugar na 'to para tulungan ang mga taong maglabas ng saloobin in a healthy way. He believes that colors reflect someone's heart. I believe that too. Every two weeks, may naglilinis at nagtatanggal ng pintura sa mga dingding. Hindi naman ito masyadong puntahan ng mga tao. Pero maraming tao rito kapag February at December. Alam mo na kung bakit." Tumawa ako.
"'Kita mo 'yon?" Itinuro ko 'yong wall na may nakasabog na pula at itim na pintura. May message pang "Go to hell, Gregorio!" in all caps. "Galit ang taong gumawa niyan. Brokenhearted. Iniwan ng boyfriend at ipinagpalit sa iba. Last week lang 'yan."
"Last week? Madalas ka ba rito?"
"Oo. Kami ni Winnie. Dito kami pumupunta kapag bored o walang klase."
"I see. And I don't mind, Hanna. Kahit saan mo ako dalhin, as long as I'm with you, I don't mind."
Nag-init ang mga pisngi ko.
"Wala naman akong choice, eh."
"Buwisit ka!" natatawang hinampas ko siya sa braso.
Pumuwesto kami sa wall na walang naka-paint. Roses ang ipe-paint ko. Si Chase naman, orange lang ang kulay na inilagay sa palette. Hmm. Ano kaya'ng ipe-paint niya?
"So, when did you start painting?" tanong ni Chase.
"When I was twelve. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpipinta sa painting room ni Ate Hazel. Parang may sariling isip ang mga kamay ko. Mula n'on, naging hilig ko na ang pagpipinta, and become my dream afterwards. Sumasaya ako kapag nakakakita ng iba't ibang kulay. I've always adored colors. Si Ate Hazel ang inspirasyon ko. Pangarap niya kasing maging isang sikat na painter, eh. Ako na ang magtutuloy ng pangarap niya."
"Your sister is proud of you, Hanna. I'm sure of that."
"Thank you," nata-touch na tugon ko. Nginitian ko siya. "Ikaw din, Chase. Inspirasyon kita."
Natigilan siya. "How come?"
"Kasi kung hindi dahil sa 'yo, kung hindi kita nakilala, wala ako ngayon dito. Hindi ako makaka-move on sa pagkamatay ng kapatid ko. Hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na pasukin ang painting room niya dala ng guilt. Hindi ko madi-discover na passion ko pala ang pagpipinta. Kaya ganoon na lang ako kakulit at katindi ang pagnanais na mapalapit sa 'yo. Pasensiya ka na sa pangungulit ko, ah. Masayang-masaya lang talaga ako na nakita kita."
Hindi nagkomento si Chase. Okay lang. Ang mahalaga'y nasabi ko iyon sa kanya. Alam ko namang pinakinggan niya ako at na-appreciate ang mga sinabi ko.
Namayani ang katahimikan. Naging abala kami pareho sa pagpipinta. Mayamaya ay hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan siya. Engrossed na engrossed siya sa pagpipinta, ah. Napangiti ako.
Dumako ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Ganoon ba talaga iyon? Parang laging nang-i-invite na mahalikan? Naalala ko na naman ang pag-hello ng lips niya sa lips ko. Agad na nagkulay mansanas ang mukha ko.
"O, ba't namumula ka?"
Napasinghap ako. Nakatingin na rin pala siya sa 'kin! "W-wala. Huwag mo akong pansinin."
"Are you really okay, Hanna? Kanina ko pa napapansing parang nawawala ka sa sarili mo. Parang kinakabahan ka rin. May problema ba?"
"W-wala. Okay lang talagang may gusto ako sa 'yo." Natutop ko ang bibig.
"Huh?"
OMG! OMG! OMG! "T-teka, ano ba 'yang pinipinta mo? Patingin nga!" natatarantang pag-iiba ko. Nataranta pati mga lamang-loob ko. Shit! Ibubuko ko pa ang sarili ko!
'Buti na lang, hindi na siya nagtanong. At 'buti na lang din, hindi niya narinig iyong sinabi ko. Ipinakita niya sa akin 'yong p-in-aint niya. Isang babaeng mahaba ang buhok at malawak ang ngiti.
"Sino 'yan?" tanong ko nang sa wakas humupa ang rambol sa dibdib ko.
"Ikaw."
Awtomatikong bumilis na naman ang heartbeat ko. Magkakasakit na yata ako sa puso nito. So, ako pala 'yong ipininta niya? Kilig!
"You're on my mind right now."
Eh! "Bakit orange?" Ngiting-ngiti ako.
He grinned. "Secret."
"Mukha ba akong carrot? Sige na. Sabihin mo na."
"Ayoko nga."
"Ang daya mo naman..." dinutdot ko ang paint brush sa pulang pintura at ipinahid sa ilong ni Chase. "Rudolph!" Tinawanan ko ang hitsura niya.
"You're welcome..." Ipinahid din niya ang paint brush sa ilong ko. "Olaf."
Natawa na naman ako at pinintahan siya sa pisngi. Hanggang sa para kaming batang naggagantihan. Tawa ako nang tawa sa hitsura namin.
"'Looks like you're having fun, guys."
Natigilan kami at nilingon ang nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/67367538-288-k376775.jpg)
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomanceIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...