Attack

2.3K 122 6
                                    

"PAANO ka nga pala nakarating sa village namin kung malayo ang bahay n'yo ro'n?" tanong ko kay Chase. Nag-stay muna kami sa tambayan niya habang hinihintay ang susunod naming klase. May isa pa kaming class then after that uwian na. Manonood kami ng sine. Double date kami nila Winnie at Rayt. Hindi ko alam kung sila na dahil 'pag tinatanong ko si Winnie, pa-showbiz ang loka.

"Pauwi ako galing peryahan nang aksidente kong nakita si Ate Nita, isa sa mga kasambahay namin na papasok sa village n'yo. Doon daw nagtatrabaho ang boyfriend niyang driver. Mula n'on, lagi ko na siyang sinasamahan. I didn't know why pero gusto kong balik-balikan ang village n'yo. Dati na kaya kitang nakikita noon sa park kasama ang mga kalaro mo."

Gulat ko siyang nilingon. "Ibig sabihin, hindi 'yon ang unang pagkikita natin?"

"Oo," nakangiti siya habang nagbabalik-tanaw. "Three times kitang nakita. Pero ikaw, hindi mo ako nakita kasi enjoy na enjoy ka sa paglalaro."

Nasapo ko ang noo. Gulat na gulat talaga ako. "Bakit hindi mo ako nilapitan?"

"Naaliw kasi akong pagmasdan kang tumatawa, in your colorful pigtails. While you were having fun with your playmates, I was also having fun watching you from afar. Ikaw lang ang nakakuha ng atensiyon ko. Nalaman ko na noon kung bakit binabalik-balikan ko ang village n'yo. Kasi gusto kitang makita. Pero no'ng nakita kitang umiiyak sa parke, hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan ka. Iyon ang pinakauna't huli nating encounter. Hindi na ako nakabalik sa village n'yo dahil bukod sa nag-break na si Ate Nita at 'yong boyfriend niya, pinagbawalan din akong magpunta ro'n, naging busy ako sa school at sa inaasam kong acceptance from my parents."

Hindi ko maiwasang manghinayang. Kung sana pala nakita ko rin siya noon, 'di sana'y noon pa kami nagkakilala at naging magkaibigan. Talk about the word almost! I couldn't bring back time but I knew everything happened for a reason. Besides, masaya naman ako na nagkita kaming muli at sa kung anong meron kami ngayon ni Chase.

"Grabe. Na-surprise ako sa nalaman ko, Chase," sambit ko.

He chuckled. "Kaya tandang-tanda kita, Hanna. Ang cute mo n'ong bata ka. Para kang naglalakad na Crayola. Ang kukulay ng mga suot mo."

Natawa rin ako. "Oo nga, eh. Nagbago na ang fashion sense ko nang lumaki ako pero na-apply ko sa pagpipinta."

"Bata ka pa lang, ang clumsy mo na. Palagi kang nadadapa kaya lagi kang natataya." Tawang-tawa siya.

"Heh!" Hinampas ko siya nang mahina sa braso. "Gustong-gusto mo talaga akong asarin sa pa—Aahh!" tili ko nang biglang nagiba ang pintuan ng gusali. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ang grupo nila Paul. Napatayo kaming dalawa at agad na iniharang ni Chase ang katawan sa harap ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Chase Mondragon," nakangising-demonyo si Paul. "Dito ka lang pala matatagpuan, gago ka. Na-surprise ba namin kayo? Palihim naming sinundan ang girlfriend mo papunta rito and voila! Tamang-tama ang lugar na 'to to exact my revenge."

Shit. We were in big trouble. Tinotoo nga ni Paul ang bantang babalikan si Chase. Lima laban sa dalawa, may kanya-kanya pa silang hawak na pamalo. Talo talaga kami.

"Hindi naman kasi puwedeng ako lang ang nag-suffer, 'di ba? Unfair 'yon. Dapat ikaw din. Tutal, sira na ang image ko so might as well samantalahin ko na," sabi pa ni Paul.

"Tumigil ka na, Paul. 'Yong mga nangyari sa 'yo, kasalanan mo," matapang na balik ko.

"Shut up! Pakialamera ka talaga, Hanna, eh. Kaya sorry ka na lang din."

"Spare Hanna from your wrath, Calderon. Huwag mo siyang idamay dito. Ako lang ang paghigantihan mo," seryosong usal ni Chase.

"Ulol! I'm not taking orders from you, dipshit. Totoo nga ang balitang nagbago ka na. Look at your face. Takot na takot ka sa kung ano'ng puwedeng mangyari kay Hanna." Humagalpak ng tawa si Paul. Baliw na ito.

"Bro, isama mo naman ako sa kasiyahang 'yan." Dumating ang isang lalaki na naka-bonnet at may hiwa ang isang kilay. Nagtagis ang mga bagang ni Chase. Ngumisi ito. "What's up, Chase? Long time no see."

"Anton."

Nasapo ng nagngangalang Anton ang dibdib. "Aww. I'm so touched. You remember me."

Chase scoffed. Alam kong gustong-gusto niyang sagutin si Anton pero nagtitimpi lang. Ayaw niyang magsalita na lalong ikakagalit ng mga ito.

"Fine. I admit na naiinggit ako sa 'yo kasi ilang beses mo 'kong natalo sa drag race na dati ako ang champion. At since kapatid ko si Paul na binangga mo, mababawi ko na ang mga panahong pinahiya mo 'ko dahil matatalo na kita ngayon. Small world, isn't it?" Anton laughed.

"Sige, gulpihin n'yo na 'yan," utos ni Paul sa mga kasamahan.

"Chase!" singhap ko nang paluin si Chase sa dibdib nang malakas. Napauklo siya sa sakit pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Dadaluhan ko sana siya pero hinaklit ako ni Paul sa leeg.

"Ooops, dito ka lang."

"Bitiwan mo 'ko!" Pumalag-palag ako pero sadyang mas malakas ang lalaki kaysa sa 'kin.

"Hanna!" tawag ni Chase pero pinalo na naman siya sa likod.

Nangilid ang mga luha ko habang pinagtutulungan si Chase. Muli siyang sumulyap sa 'kin at bumangon ang galit sa mukha niya. Tumayo siya at pinagsusuntok ang mga sumugod sa kanya. Namangha pa ang mga kalaban. Magaling makipaglaban si Chase pero mag-isa lang siya. Hindi niya kakayanin.

I just couldn't stand here doing nothing. Kailangan ko siyang tulungan.

Nanlaki ang mga mata ko nang akmang sasaksakin si Chase mula sa likuran. Kinagat ko nang mariin ang braso ni Paul na nakapulupot sa leeg ko. Siniguro kong bumaon ang mga ngipin ko sa balat niya. Letse, ang alat. Napadaing si Paul sa sakit. Dali-dali kong iniharang ang sarili ko para hindi masaksak si Chase.

"Hanna!" Chase screamed in horror.

Nakangiwing napahawak ako sa kanang balikat. Tiningnan ko ang kamay ko. Ang daming dugo... Ang dami... Nanghina ako. Nanginig. Takot ako sa dugo. Naalala ko si Ate Hazel...

Hindi ko na naintindihan ang mga nangyayari. Basta narinig ko sa paligid ang mga boses nila Ash at Lennox at parang dumami ang tao. Napatingin ako kay Chase na yakap-yakap na ako.

"Chase... Huwag kang mag-alala. M-malayo 'to sa bituks..." Nagdilim ang paningin ko.


-------------

A/N: Naku, Paul. Isa kang malaking ekis!

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon