"O, 'BUTI nakapasok ka na. 'Tagal mo ring hindi nakapasok.""Oo nga, eh. Four days," sagot ko kay Winnie pagkaupo sa upuan ko sa classroom. Magkatabi ang upuan namin. "Alam mo naman ako, minsan lang ako magkasakit pero 'pag nagkasakit ako, quality." Naiiling na pahayag ko.
"So, itutuloy mo na naman ang pangungulit mo kay Chase?"
Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit para yatang naging interesado ka na sa pangungulit ko kay Chase? Samantalang against na against ka sa ginagawa ko."
"Well," she flipped her hair grinning. "Slight na lang. At saka mapipigilan ba kita? Kapag may ginusto ka, talagang gagawin mo, 'no. By hook or by crook."
Natawa ako. "Oo naman. Itutuloy ko ulit. Akala ba ng lalaking 'yon, titigil na ako? Lalo na ngayong may improvement na."
Bago ako nagkasakit at pagkatapos kong malaman kung saan ang tambayan ni Chase, halos dalawang linggo akong nagpunta-punta sa lumang building. Palagi rin akong may ibinibigay na pastries at desserts sa kanya. Hindi ko alam kung kinakain niya ang mga bine-bake ko pero sana kinakain niya. Noong unang apat na araw, wala siya roon. Inisip ko nga na baka iniwasan na niyang maglagi roon kasi alam niyang pupuntahan ko siya. Pero nang sumunod, naroon na siya ulit. At hindi niya ini-lock ang pinto! Ganoon na lang ang tuwa ko noon. Hindi ko na pala kailangang gamitin ang shato skills ko kasi pinapayagan na niya akong pumasok doon. Hindi lang ako nakapasok sa mga araw na naabutan kong kasama niya ang mga kaibigan niya. Secured na secured ang pagkakasara ng pinto at hindi na keri ng powers ko. Siguro nasa walo ang mga kaibigan ni Chase at pawang hindi nag-aaral sa MVU. Hindi kasi familiar ang mukha ng mga ito. Iniiwan ko na lang sa pinto iyong mga b-in-ake ko.
"See? Pero kasi girl, may chika ako diyan kay Mr. Music Box mo. Sigurado akong matutuwa ka sa sasabihin ko," pang-iintriga ni Winnie na binuntutan pa ng hagikgik.
Agad na nakuha niyon ang curiosity ko. Biglang nabuhay ang dugo ko. "Ano?"
Inakbayan ako ni Winnie. Kumikinang ang mga mata niya na parang may nangyaring himala. "Hinanap ka sa 'kin ni Chase kahapon."
Nanlaki ang mga mata ko.
ANG LAWAK ng ngiti ko. As in! Si Chase, hinanap ako kay Winnie noong maysakit ako? Kinikilig ako!
"T-talaga?"
"Oo, Hanna. Tinanong ka ni Chase sa 'kin. 'Gulat nga ako sa kanya, eh. Ganoon ba talaga 'yon? Parang kabute na basta na lang sumusulpot? Tahimik ang beauty ko habang nakapila sa cafeteria, iniisip ang magiging future namin ni Rayt ko, 'tapos, nausog ang gutom ko nang bigla na lang siyang nagsalita sa tabi ko. Sa malalim at pabulong na boses, sabi niya, 'Where's your annoying friend?' Anak ng tipaklong, girl! Hindi agad nakapag-function ang brain ko! Samantalang hindi naman Trigonometry ang tanong niya! Medyo napaisip pa ako kung sino 'yong 'annoying friend' na tinutukoy niya. Eh, wala naman akong ibang friend na ina-annoy siya kundi ikaw lang. Mautal-utal pa ako nang sagutin siya. Tinanguan niya lang ako, 'tapos, lumayas na. Bilib na talaga ako sa powers mo, Hanna. Improving ang pangungulit mo kay Chase Mondragon!"
Para akong dinuduyan sa ulap sa tuwa. Habang sinasabi ni Winnie 'yon, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Ora-mismo gusto ko agad makita si Chase. Kaya wala akong sinayang na oras at pinuntahan siya sa tambayan niya. Sana nando'n siya.
Nang makarating ako sa lungga ng binata ay sumilip ako sa loob. He was there! And the door wasn't locked. Pumasok ako at patakbong lumapit sa binata.
"Chase, I'm back—" Napasinghap ako pagkakita sa mukha ni Chase. Nag-angat din siya ng tingin sa akin. Hindi niya inaasahan ang pagdating ko. "Oh, my God! Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Putok ang ibabang labi at isang kilay niya. May sugat sa noo at pasa sa pisngi. Nakipag-away ba siya? Bigla kong naalala si Paul at ang banta nitong babalikan si Chase. "Si Paul ba ang may gawa sa 'yo niyan?"
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
רומנטיקהIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...