"ANO PO 'to?" tanong ko kila Mama at Papa pagkaabot nila ng maliit na regalo sa pink na wrapper.
"Regalo," Mom stated the obvious.
Natatawang umiling ako. "Alam ko pong regalo 'to. Pero bakit n'yo ako binibigyan ng regalo?"
"'Ay naku, anak. Masama bang bigyan ka ng regalo? Lalo na ngayong espesyal na araw mo. Ikaw talaga. Buksan mo na," susog ni Mama, mas excited pa sa 'kin.
Natawa ulit ako. Saglit kong binasa ang note na nakalagay. Congratulations, Hanna ♥
Bahagya akong napakunot-noo dahil parang pamilyar ang sulat-kamay. Hindi ko na 'yon masyadong pinagtuunan ng pansin. Para pa ring kinahig na manok ang handwriting ni Papa. Hanga ako kay Mama kasi nababasa pa rin niya ang mga ipinadalang love letters ni Papa no'ng nasa ligawan stage sila. Kunsabagay. It's the content that matters, not the handwriting. Pagkabukas ko sa regalo ay namangha ako. Isa iyong white gold pearl bracelet na nakalagay sa asul na velvet box.
"Ang ganda..." Kumikinang-kinang pa ang bracelet. May maliliit na moon and star sa chain. And what I liked the most, kapag itinapat sa liwanag, lumilitaw ang nakaukit na hearts sa bawat pearls. So enchanting! Siguradong napakamahal nito at pinag-ipunan nang husto nila Mama at Papa.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Mama.
"Opo. Sobrang ganda. Thank you, 'Ma, 'Pa." Tuwang-tuwang hinalikan ko sila sa pisngi.
Ngumiti lang sila sa 'kin. Si Mama ang nagsuot ng bracelet sa kamay ko.
Naaliw akong pagmasdan ang bracelet sa kamay ko. It was comfortable to wear. Para nitong pinaputi lalo ang balat ko. Nahagip ng peripheral vision ko na nagtinginan nang makahulugan sila Mama at Papa.
Nag-ring ang cell phone ko. Parang alam ko na. Napailing na lang ako nang sagutin ang tawag. For the nth time, magalang na sinabi kong hindi ko ipinagbibili ang painting.
"Ang dami talagang nagkaka-interest sa painting mong 'yon, anak. Hindi naman natin sila masisisi. It's beautiful," sabi ni Mama.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi sila sumusuko. From time to time, tinatawagan nila ako kung nagbago na ang isip kong ipagbili ang painting."
To be honest, everything still felt surreal to me. Maganda ang pag-usbong ng career ko. Isa na akong ganap na painter. At successful na nai-launch ang kauna-unahan kong exhibit. Small exhibit pa lang naman pero masaya pa rin ako. Baby steps. Nagsisimula pa lang. Pero hindi ko ine-expect na marami ang pumunta. Proud na proud sa 'kin ang parents ko, and I knew ganoon din si Ate Hazel. Mayroon lang akong isang partikular na painting na not for sale. Apat sila, actually. Iyong tatlo, nasa loob ng painting room ko. Sa lalaking espesyal sa puso ko lang iyon gustong ipakita.
Malaki ang naitulong ng social media para makilala ang mga obra ko. Pagka-graduate ko ng college, nag-start akong i-post sa social media ang mga painting ko. Sa notebook man o tissue, sa cardboard o sa pader, wala akong pakialam kung saan ko iyon ipininta, basta natapos ko, ipo-post ko. Masipag rin kasi akong mag-promote. At lalo akong nakilala at dumami ang followers nang i-post ko ang The Girl In Waiting. Umani iyon ng papuri. Pagkagising ko na lang isang umaga, na-flood ng Likes, Comments, at Shares. Punong-puno raw ng emosyon ang painting, parang totoo. Para ko raw silang dinala sa tuktok ng burol at naramdamang sila 'yong babae na naghihintay habang nakaupo sa burol. Nakatanggap din ako ng showbiz questions like, kung ako raw ba 'yong babaeng naghihintay sa painting, sino raw ang hinihintay ko, boyfriend ko ba raw. I just smiled at them. Siyempre, pa-showbiz din ang sagot ko. He-he. Sunod-sunod din ang natanggap kong tawag, tinatanong kung ipinagbibili ko ang TGIW pero hindi. Kahit gaano pa kalaki ang offer, hindi ko ibebenta. Marami-rami na rin akong na-turn down na "clients". Hindi ko iyon ipinagbibili dahil espesyal sa 'kin ang painting. It was like selling half of my heart if I agreed. It would remain for public viewing only.
Well, I'm still waiting. My heart is still waiting.
"Anak, may sasabihin kami sa 'yo," nanantiyang panimula ni Mama. "Rather, aaminin."
Aaminin? "Ano po 'yon?"
"Bago umalis si Chase, kinausap niya kami."
Natigilan ako.
"Anak, hindi naman kami nagalit kay Chase sa nangyari sa 'yo. Pero aaminin naming natakot kami," si Papa. "Nawalan na kami ng mama mo ng isang anak at ayaw naming maulit 'yon. We will be totally devastated if that happened again. Baka nga hindi na kami maka-recover kung pati ikaw mawala sa 'min. Kaya nang humingi ng tawad at magpaalam si Chase na lalayo muna sa 'yo, pumayag agad kami sa desisyon niya. Kasi kahit hindi siya nagsabi at nagkataong naunahan kami, kami mismo ang hihiling ng bagay na iyon sa kanya dahil iyon talaga ang balak namin."
Mama held my hand. "Ngayon lang namin sinabi 'to sa 'yo because we think that now's the perfect time. Ayaw na rin naming maglihim sa 'yo. Maintindihan mo sana kami, Hanna. We like Chase for you. We really do. Nakikita namin na mahal na mahal ka niya at ganoon ka rin sa kanya. We've never seen you look like that to other guys as you look to him. Nahalata na namin 'yon no'ng niyaya namin siyang mag-breakfast. Kaya sino kami para hadlangan ang kaligayahan ng anak namin? Kung saan ka masaya, Hanna, doon kami ng Papa mo. But for what we've seen four years ago, Chase still had lots of issues to fix. Healing. Alam naming may kailangan pa siyang gawin. Lalo kaming humanga sa kanya kasi hanggang sa huli, kapakanan mo pa rin ang iniisip niya. Nagkasundo rin kami at walang pagdadalawang-isip na pumayag siya sa gusto namin."
"Galit ka ba, 'nak? Dahil sa nalaman mo?" Papa's face was worried. Oh, my ever sensitive father.
I shook my head and smiled to let them know I wasn't mad. "Ano ba kayo, 'Ma, 'Pa? Hindi ako galit. Siyempre, hindi. Naiintindihan ko kayo." Nakahinga sila nang maluwag. "Nagpapasalamat nga ako kasi ang daming taong nag-aalala para sa 'kin. Naiintindihan ko na hindi pa 'yon ang tamang panahon para sa 'ming dalawa ni Chase." Kahit miss na miss ko na siya. "Ano po pala 'yong pinagkasunduan n'yo?"
Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko in a motherly way. "We can't tell you yet. Malalaman mo rin, anak. Soon."
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomanceIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...