Prologue

155 8 7
                                    

Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang building na kailangan kong puntahan.

Maaliwalas ang kalangitan, banayad ang galaw ng mga puno. Kahit dito sa loob ng kotse ay mapapansin na humahangin sa labas dahil sa paggalaw ng ilang parte ng nga puno.

Mahigpit akong napahawak sa manibela ng kotse ko.

Kinakabahan ako.

Marami ng nangyari tapos ito pa? Ano na lang gagawin ko?

Handa ba ako?

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa loob ng kotse ko. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako, o hindi na lang? Kinakabahan talaga ako.

Alam kong may kakaiba sa nangyayari pero handa na ba talaga ako rito?

Sa huli, napagpasyahan kong tumuloy na lang para malaman ko na rin ang gagawin ko kung sakali mang tama ang kutob ko.

Bakit? Alam ko naman na may magbabago pero hindi ako handa. Dapat napaghandaan ko ito simula ng pumasok ako sa relasyon namin.

Sabagay, baguhan lang naman ako sa relasyong ito. Hindi kagaya niya, may nauna sa puso niya.

Tahimik kong nilalakad ang pasilyo papunta sa taong kakausapin ko habang iniisip ang mga bagay na hindi inaasahang mangyayari.

Hindi ko alintana kung mayroon man akong nakakasalubong. Kahit ang puting dingding ng lugar na ito ay hindi kayang pakalmahin ang puso kong nagwawala dahil sa kaba.

Tumigil ako sa tapat ng pintuan ng kwarto kung saan nandito ang kakausapin ko.

Napapikit ako ng mariin. Tatanggapin ko ba ito? Kaya ko ba? Kaya ko ba kahit wala siya? Kahit alam kong mawawala siya?

Tinanggal ko ang gumugulo sa isip ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng silid.

Ito ang pangalawang beses na pumunta ako rito. Nung unang punta ko rito ay hindi ko nalaman ang kinalabasan ng pagpunta ko noon dahil sa emergency meeting na nangyari sa kumpanya.

Isang linggo na rin simula nun, nawalan ako ng oras para bumalik dito. Naging abala ako sa pag-aaral at pag-aasikaso ng kumpanya.

Kahit na may ilang pa rin akong nararamdaman tuwing nakikita ko ang mga magulang ko, pinilit ko pa ring pakitunguhan sila ng maayos lalo na kapag nasa kumpanya kami.

Ayaw ko na may isipin ang mga taong nakapaligid sa amin na hindi kami maayos na pamilya.

What kind of leader am I if I can't solve my family problem, right? I'm not born to be a loser one, I need to prove them that I deserve the position I have right now.

Agad akong sinalubong ng babaeng nakaupo sa kanyang lamesa.

"Miss Harakazumi, have a seat."

"Thank you, Doc."

Ningitian niya ako at inalok ng prutas na siya namang hindi ko tinanggihan.

Nakakakalma ang amoy ng opisina niya. I like the smell of air freshener, a lavender fragrance.

"You should always eat healthy foods from now on. Makakabuti ito sa kalagayan mo." nakangiti niyang sabi sa akin.

Bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa narinig ko.

Gusto kong magtanong pero pinanghihinaan ako ng loob.

"Am I positive?" sa wakas nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob upang magtanong.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko, o marahil sa reaksyon ko.

Ganoon na ba kahalata ang kaba sa mukha ko?

"Yes, Miss Harakazumi but--"

"How many months do I have?" nakatulala kong tanong sa kanya.

Tama nga ang kutob ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Matutuwa ba ako? O hindi?

Matutuwa dahil maaari ko ng makuha ang kalayaang gusto kong makuha?

O hindi? Dahil alam kong ipipilit pa rin nila ang gusto nila?

Dahil wala akong nakuhang sagot mula sa kausap ko ay tiningnan ko na ito.

"How many months? How many months left to hide it?" pag-uulit ko.

"It depends on how your body will react on it. Two to four months, the changes will be visible."

"All in all?" I ask.

"You only have seven months and after that we see what will happen."

Seven months, I only have seven months to fight for my freedom.

Napailing na lang ako sa naiisip ko. Pitong buwan, at pagkatapos nun ano na ang mangyayari?

After we talk, she gave me the medications I need for me to be stay healthy. Kahit na hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mabilis akong nakalabas ng building at agad na pumunta sa kotse ko. Sinandal ko ang ulo ko sa manibela at tahimik na nag-isip.

Paano ko sasabihin sa kanya?

"I already lost in this game."

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon