Chapter 5

39 4 0
                                        

Tinitingnan kong mabuti kung may nakalimutan ba akong gamit sa backpack na dadalhin ko.

Napapikit ako, kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakatanong ni Alexis sa akin. Bigla na lamang pumunta rito sa unit ko ng walang pasabi.

"Why do you need to follow them?" ilang beses ko na bang narinig ang tanong na iyan?

"And why do you keep on repeating that question?"

"Hindi mo naman sinasagot ang tanong."

Kailan pa naging makulit ang isang ito?

"Stop asking, or else... I'll send you back to Japan."

Tumahimik na siya dahil sa sinabi ko. Matagal na rin siyang hindi nakakauwi sa Japan, pwedeng pwede ko siyang ipadala pabalik doon kasama ng mga magagaling kong pinsan para matahimik kahit papaano ang utak ko sa kanila.

Naibilin ko na naman kay Michelle lahat ng dapat niyang gawin lalong lalo na sa event na iniwan ng mga pinsan ko. Nakita na iyon ng marami kaya hindi na pwedeng ipatigil iyon.

Magagawan din naman ng paraan ni Michelle ang pagkawala ko sa University at sa company. Sakto at may farm din kami sa Laguna na nasa ilalim ng Asakura Empire.

"Aalis ka talaga ng ganitong oras?" narinig ko na naman ang boses ni Alexis.

"Kaysa naman sa gabi ako umalis? Gusto mo bang may mangyaring masama sa akin?" tamad kong tanong sa kanya.

Bakit ko ba kailangan magpaliwanag sa kanya?

"Go back to sleep. Mamaya pa ang klase mo, ang aga mong nagising." utos ko kay Alexis.

"Gusto kong sumama sa'yo. I badly want to go with you." pagpupumilit niya.

"Kung gusto mo talagang makatulong sa akin, manatili ka rito." sabi ko.

Agad akong lumabas ng kwarto ko dala ang backpack na naglalaman ng mga damit ko.

Hanggang sa pagbaba ko sa salas ay nakasunod pa din si Alexis sa akin. Ang tigas talaga ng ulo ng batang ito. Sumama pa sa Papa niya papunta rito sa condo.

"Go back to sleep. 3:30 palang ng umaga, matulog ka sa kwarto ko. Don't let them know that I'm going to Laguna. Kapag nalaman nila na sumunod ako, ibabalik kita sa Japan. Nagkakaintindihan tayo, Alexis?"

"Yes. Take care." I smiled at her.

Mabilis akong nakarating sa parking lot kung saan naghihintay ang sundo ko.

"Nami, saan tayo ngayon?"

"Susundan natin ang mga mababait kong pinsan sa Laguna, Tito Luis."

Tahimik lang si Tito Luis habang nagmamaneho habang ako naman ay nakikinig lang ng music sa cellphone ko. And also, I brought my medicine with me. Nakakalma ako kapag naiinom ko ang gamot ko. Mukhang kakailanganin ko iyon ngayon dahil baka magalit ako ng wala sa oras sa mga pinsan ko dahil sa mga pinaggagagawa nila bago umalis papunta sa Laguna.

May mga bagay na hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon. Mga bagay na gumugulo sa isip ko.

Tanggap ko sa sarili ko na hindi ko maiaalis sa isipan ng mga magulang ko ang bagay na ayaw ko, lalong lalo na sa lolo ko. Bakit ako? Bakit hindi na lang ang mga pinsan ko ang pinili niya? Magkaiba kami ng mga pinsan ko ng pananaw lalo na pagdating sa negosyo ng pamilya namin.

Mostly if you're a Japanese or a citizen in Japan, ang anak na lalaki ang magmamana ng lahat lalo na ang kumpanya ng pamilya. Pero, mukhang hindi ganoon ang gustong mangyari ng lolo ko. Instead of a boy, he chose a girl. In other term, he chose me.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon