Hindi ko maproseso sa utak ko ang mga napag-usapan namin ni Jeriel kanina sa Cafeteria. Mayroon na naman ba akong kalaban na hindi ko nakikilala? Sino na naman ba ang magtatangkang humarang sa akin?
Kahit na malakas ang pag-ihip ng hangin ay hindi nito nagagawang tangayin ang mga problemang nasa isip ko ngayon. Gusto kong makahinga man lang kahit isang araw na walang problema.
Kailan ba ang huling beses na pumunta ako rito sa lugar na ito?
Hindi ko maalala kung kailan, hindi ko rin alam kung nasabi ko ba ang lugar na ito sa mga pinsan ko. Ang tanawin ng asul na dagat na humahalik sa langit na nag-aagaw ang liwanag at dilim na dahilan kung bakit kulay kahel at asul ang kalangitan. Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin, na para bang kaya nitong tangayin ang mga iniisip ko ngayon.
Sumandal ako sa windshield ng kotse ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa ibabaw ng hood ng kotse ko at payapang pinagmamasdan ang magandang tanawin na nasa harapan ko. Pinatay ko rin ang cellphone ko dahil ayaw kong malaman nila kung nasaan ako.
Hindi ko na muna iniisip kung nagkakagulo silang lahat na hanapin ako ngayon. Hindi ko kilala ko sino ang kalaban ko ngayon at kung ano ang dahilan niya para kunin ang katapatan ng isa sa mga pamilyang pinagkakatiwalaan ko sa kumpanya.
Pailalim kung lumaban ang isang ito. Hindi siya natatakot sa kung ano ang maaring maging kalalabasan ng hakbang na ginagawa niya. Pwede ko naman siyang unahan sa mga plano niya, pero paano ko magagawa iyon kung hindi ko kilala ang kalaban ko?
This is a headache.
Nakapikit ako habang nag-iisip. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tingnan ang paligid. Nakarinig na lamang ako ng paghinto ng kotse malapit sa pwesto ko. Hindi lang pala ako ang taong pumupunta sa lugar na ito.
Gawin ko kayang private ang lugar na ito?
Umiiral na naman ang pagiging dugong bughaw ko dahil sa naiisip ko.
"Yuki..."
Napamulat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang pangalan na iyon. Dahan dahan akong napatingin sa tabihan ng kotse ko at nakita ko ang lalaking nagmamay-ari ng boses.
"What are you doing here, Jeriel?"
He may look cold on the outside, but his eyes can't hide his emotions. Those emotions are the same as Jenthrix's eyes whenever he looks at me.
"Hinahanap ka nilang lahat."
"Mayroon bang tumatakas na nagpapaalam?"
Nakita ko ang pagpikit niya dahil sa tanong ko. Wala ako sa kondisyon para ipaliwanag ang sarili ko. Tumakas na nga 'yung tao, naghahanap pa rin nila.
"Hindi pinaalam ng mga pinsan mo kay Jenth na hindi ka nila mahanap."
Mukhang hindi rin naman napapansin ni Jenth na iniiwasan ko siya. Masyado siyang maraming ginagawa para mapansin niya pa ang maliit na pagbabago sa pakikitungo ko sa kanya.
"Then, why are you here? How did you know that I am here?"
Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya sa pwesto ko at sumandal sa gilid ng kotse ko. Ano pa bang aasahan ko sa kanya? Hindi naman siya nakainom para magsalita ng magsalita.
"This is crazy. What am I doing here in the first place? I need to stop this right away."
Nagsasalita na naman siya sa lengguwahe na siya lang ang nakakaintindi.
Hindi na muli siyang nagsalita kaya pinikit ko na lang muli ang aking mga mata. Gusto ko lang makita ang mga bituin ngayong gabi. Kahit ngayong araw man lang, makatakas ako sa mga responsibilidad na mayroon ako.
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...
