Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakakatuwa naman ang reaksyon ng dalawang ito. Akala mo naman nakakita ng multo nung nakita nila ako sa harap nila. Napansin ko ring nagpipigil ng tawa si Tito Luis na nasa tabi ko lang.
"Can you give me that buko juice, Tito?" pakiusap ko.
"Here you go."
"Thanks."
Napansin kong hindi ginagalaw ng mga pinsan ko ang pagkain sa harap nila. Tiningnan ko si Tito Luis na hindi na napigilan ang tawa niya. I get it.
"Tititigan niyo na lang ba ako? O kakain kayo dyan?" I ask them coldy.
Natauhan sila dahil sa sinabi ko. Mukhang nawala ang pagkalasing ng dalawang ito? Nagsimula na silang kumain.
Wala pa ring naimik sa kanilang dalawa. Mukhang alam nila ang kasalanan nila sa akin.
"So, how's your photoshoot?" tanong ko sa kanilang dalawa habang kumakain ng tinapay.
Wala akong nakuhang sagot sa kanilang dalawa kaya napatingin ako sa kanila. Ayun, nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong ko.
"At bakit dito niyo napiling mag-stay sa resthouse ko?"
"Gomen, Hime!" sabay nilang sabi sa akin.
Sabi ko na nga ba. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko sa kanilang dalawa.
"Pati ang event na iniwan niyo sa University. Sa tingin niyo ba, hindi ko malalaman na kayo ang may pakana nun?" sobrang putla na ng pagmumukha nila dahil sa pagtatanong ko sa kanila.
Hindi pa rin sila nagbabago, ang hilig pa rin nilang pasakitin ang ulo ko dahil sa mga pinaggagawa nila.
"Anong gagawin ko sa inyong dalawa? Ilang beses na kasing ninyong ginagawa ito?" tuluyan ko na silang tiningnan sa mga mata.
I can see how scared they are. Sa totoo lang, ayaw ko talagang magalit pero hindi kaya ng mga pinsan ko na gumawa ng ikakainit ng ulo ko. Hindi ba madaling intindihin na kailangan ko ng tahimik na pag-iisip?
Parehas lang naman kaming tatlo na kumpleto ang buwan ng kapanganakan namin. Pero ang pag-iisip nila, daig pa ang kinulang sa buwan na sanggol. Sabagay, kapag pre-matured baby matatalino, pero bakit ang mga pinsan ko kulang kulang kung mag-isip?
"Huwag na kayong magturuan dahil pareho lang naman kayong may kasalanan."
Hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon na magsalita, paniguradong kokontrahin lang naman nila ang iba ko pang sasabihin at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.
"Dahil nandito na rin lang naman ako, tutulong tayo sa farm." nakangiting kong saad sa kanila.
"What?!"
"No!"
Nanlalaki ang mga mata nila habang sabay silang nagsalita dahil sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Gusto ko lang naman makita ang buong farm kasama silang dalawa.
"Doishite? Ayaw niyo ba akong kasamang maglibot ng farm?"
Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot dahil sa naging reaksyon nila ng sabihin ko na tutulong kami sa farm. Bakit sila ganito sa akin?
Gusto kong umiyak sa hindi ko malaman na dahilan. Ayaw na nila akong kasama. Hindi na nila ako gustong makita. Kaya pala sila pumunta rito kasi ayaw na nila marinig ang mga sermon ko sa kanila. Sa madaling salita, ayaw na nila sa akin.
Tiningnan ko ulit silang dalawa, hindi ko na maintindihan kung ano ang reaksyon nila. Tumingin na lang ako kay Tito Luis na hindi rin alam kung anong gagawin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/67485175-288-k880460.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...