Chapter 15

18 3 0
                                    

Hindi ko na pinansin ang mga taong nakakasalubong ko dahil nagmamadali akong makapunta sa opisina ko. Nang makarating agad kami dito sa Maynila ay agad akong nagpalit ng damit at pagkatapos ay agad na pumunta sa kumpanya.

Ganoon pa rin ang dami ng mga bantay ng huli kong nakita ang mga ito. Nang makarating ako sa opisina ko ay agad kong tiningnan ang lamesa ko dahil paniguradong may iniwan na papeles dito ang Lolo ko.

"I knew it!"

Agad kong binasa ang nakasulat sa dokumento na iniwan sa lamesa ko. Napasandal ako sa kinauupuan ko dahil sa nabasa ko. Bakit hindi ko nakita ito?

May anomalya na namang nangyayari sa loob ng kumpanya. Bakit hinahayaan lang ito ng Lolo ko kung alam niya ang bagay na ito? Gumagawa na naman ba sila ng paraan para patalsikin na naman ako sa pwesto ko? Hindi pa ba sila nadadala sa nangyari noon? Kulang pa ba ang kahihiyan na natanggap nila noon?

Isa isa kong tiningnan ang mga papeles na nasa lamesa ko, hindi lang naman ito ang mga papeles na naiwan dito sa opisina ko. May mga dokumento rin na dumating nung nakaraang linggo na tungkol sa delivery report ng mga produkto namin.

Kumikilos na naman ang mga taong gustong umagaw ng pwesto ko rito sa kumpanya. Kailangan ko lang silang maunahan sa lahat ng planong gagawin nila at uunahan ko na sila bago pa nila ako mapabagsak.

Buong maghapon lang akong nasa opisina ko para basahin at alamin ang lahat ng nangyayari rito sa kumpanya. Naglalaro ang mga daga kapag wala ang pusa at alam kong kapag wala ako, kung ano ano na ang nangyayari rito sa kumpanya. Ilang beses na rin akong binalikan ni Michelle para sa mga updates na hinihingi ko.

"Your Highness."

Narinig kong tawag sa akin ni Michelle. Hindi ko siya pinansin pero nakatuon ang pandinig ko sa sasabihin niya. Hindi ko siya mabibigyan ng pansin dahil abala ako sa pagtingin ng bagong papeles na kakadala lang niya sa akin.

"Tumawag po ang mga pinsan niyo, tinatanong nila kung nandito raw po ba kayo?"

"Anong sinabi mo sa kanila?" pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng mga impormasyon na nakuha namin tungkol sa mga Ryu.

"Dumaan lang kayo rito at umalis din agad. Nagpupumilit pa nga silang kumbinsihin kitang payagan silang bumalik dito."

"Anong sagot mo sa kanila?"

"Hindi kayo pumayag."

Napangiti ako dahil sa narinig ko. Hindi na naman siguro sila mangungulit na bumalik dito. Hindi ko pa naman kailangan ang tulong nila at alam ko rin na gumagawa nang paraan si Zeke para matulungan ako.

"Thank you." Pagkasabi ko nun ay lumabas na siya ng opisina ko.

Kalahating araw na akong nagbabas ng mga dokumento ng mga nangyayari rito sa kumpanya at ang mga nakuha namin impormasyon tungkol sa mga Ryu. Habang nagbabasa ako ay dumating si Michelle kasama ang head chef ng kumpanya na may dalang mga pagkain. Mabuti na lamang at hindi ko tinatanggal ang maskara kahit na ako lang mag-isa dito sa opisina ko.

Ang Asakura Empire Company ay may sariling head chef na nagluluto ng mga pagkain ng mga empleyado nito. Pantay pantay ang trato sa lahat ng mga empleyado, maliban na lamang ngayon na may mga taong naglakas loob na gumawa ng anomalya dito sa loob ng kumpanya.

Ilang buwan na rin akong nakakakutob na may hindi magandang nangyayari dito sa kumpanya kaya palihim kong inutusan si Michelle na mag-imbistiga sa loob ng kumpanya nang walang nakakalam maliban sa amin dalawa. Tama nga ang hinala ko, at isang tao lang naman ang alam kong may lakas ng loob na gawin itong hakbang na ito. Pasensyahan na lang kami, naunahan ko siya sa planong binabalak niya.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon