Tama ba ang pagkakarinig ko? Anak ni Mang Val? Bakit parang ang hirap paniwalaan? Hindi sa parang malabong magawa iyon ni Mang Val, kaso ang layo ng ugali ni Mang Val sa ugali ng kasama niya.
"Ma'am Miyu, si Aether nga po pala. Nag-iisang lalaking na anak ko." sabi ni Mang Val.
"Aether, si Ma'am Miyu. Siya ang may ari ng resthouse na ito pati na rin ang buong farm."
Halata ko ang gulat sa kanyang mga mata ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Hindi ko naman sinabi sa kanya kanina na ako ang may-ari nito.
"Miyu? Ang pagkakaalam ko, Natsumi ang pangalan niya. Paanong nangyari iyon?" nagtatakang tanong ni Aether sa ama niya.
"Natsumi Miyuki Ree Harakazumi is the name." tamad kong paliwanag sa kanya.
"Mang Val, kay Manang Eda ko po ibibigay ang pambili ng kakailanganin mamaya. Samahan niyo na lang po siya. Kailangan ko rin pong magpahinga kahit saglit, may pupuntahan po kasi ako mamaya."
Iniwan ko na silang mag-ama at baka maisipan na naman ni Aether na magtanong. Gusto ko lang mapag-isa.
Umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa may veranda. Mas payapa ang isip ko kapag nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa balat ko.
Agad kong tiningnan ang cellphone ko ng bigla itong tumunog.
Jenthrix calling...
"Moshi-moshi, ai. How are you?"
(I'm fine. Nakausap mo na ba ang mga pinsan mo about sa event na iniwan nila?)
"Yeah, panigurado hindi na uulit ang mga iyon."
(Magkasama kami ngayon sa shoot. Kumain ka na ba?)
Hindi niya talaga nakakalimutan na tanungin ako kung kumain na ako. Takot na takot na hindi ako kumain.
"Tapos na. Nga pala, saan kayo sa Laguna nagtitigil?" tanong ko sa kanya.
(Nagcarlan, ai. Malayo ng konti sa mga pinsan mo. Then our location for the photoshoot is in Sta. Cruz.)
"I see. Take care. I love you."
(I love you too. Can't wait to see you. I already missed you.)
"Magkikita rin tayo, tiis ka lang muna." natatawa kong sabi sa kanya.
Pagkatapos naming mag-usap, binuksan ko naman ang laptop ko para kausapin si Michelle.
(Miss, how are you? Ligtas ba kayong nakarating dyan?)
Grabe naman, parang may banta lagi sa buhay ko kung makapagtanong itong si Michelle sa akin.
"Makakausap ba kita ngayon kung hindi ligtas ang pagkakarating ko rito?" I ask her coldly.
Nahawa na yata ito sa mga pinsan ko.
(I'm just concerned about you. Ngayon ko lang kayo hindi nakasama sa isa lugar.)
Napataas ang isang kilay ko dahil sa narinig ko.
"May nangyari ba? Why are you acting like that? Naninibago ako sa kinikilos mo, Michelle."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Mukhang may nangyari nga.
Bilang mo lang naman ang pwedeng mangyari. Una, may problema sa kumpanya. Pangalawa, ang mga magulang ko. At ang pinakahuli, pagpaparamdam ng lolo ko lalo sa kumpanya. Hindi naman kailangang problemahin ang mga maliliit na bagay maliban na lang sa tatlong sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/67485175-288-k880460.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...