Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap niya sa akin. Parang sinasabi niya sa pamamagitan ng yakap niya ang reklamong gusto niyang bitawan pero mas pinili niya na lang na yakapin ako.
"Hindi ka ba nangangalay sa pwesto mo?" tanong ko sa kanya. Dahil sa totoo lang, ako ang nahihirapan sa pwesto niya.
"I just want a hug."
"Paano kita mayayakap kung nasa likod kita?"
Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin at umupo sa upuan na katabi ko.
"You look tired. Bakit ka pa pumunta rito? Excuse naman yata kayo?" sabi ko habang hinahawakan ang kanyang pisngi.
"Tinawagan ko kanina ang mga pinsan mo, sabi nila mag-isa ka lang daw dito. Kung pwede ay puntahan daw kita. At saka, gusto rin naman kitang makita." nakangiti niyang sabi sa akin.
I just smiled at him.
Hindi ako umalis ng SC room dahil sa mga kailangang gawin, lalo na para sa Graduation Ball.
Si Jenthrix ay hindi rin umalis at sinamahan lang ako. Hinayaan ko lang siyang manood sa ginagawa ko. Hindi naman siya aalis dahil wala rin naman siyang kasama sa labas. Wala si Stenard, sinamahan daw nito si Sydrea at may date raw ang dalawa. Si Jeriel, may pinuntahan daw.
Hindi rin nagtagal ay inantok siya at nakatulog sa pwesto niya.
"Paano ko sasabihin sa'yo?"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.
"I can't lose you. But, I don't know what to do."
Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang tungkol sa akin, sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung kakayanin niya ang malalaman niya.
"Bakit kasi ganito?!"
"Anong nangyari? Sinong umaway sa'yo?" nabigla ako ng biglang bumangon si Jenthrix at tumayo na para bang may hinahanap.
Nasapo ko na lang ang ulo ko. Napalakas pala ang salita ko.
"Hey, are you okay? May masakit ba sa'yo?" tanong niya ng makabawi siya sa bigla niyang paggising.
"Ayos lang ako. Pasensya na, nagising kita."
Ngumiti siya sa akin at binigyan niya ako ng halik sa pisngi.
Bumalik ako sa ginagawa ko at hinayaan lang ako ni Jenthrix na tapusin ang proposal na kailangan para sa Grad Ball. Hindi ko alam kung anong oras ako natapos. Ang alam ko lang, nagising ako dahil sa pagtusok sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
"Hey, rise and shine." nakita ko si Jenthrix na hawak ang mga gamit ko.
Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa paligid. Nandito na rin pala ang mga kasamahan ko dito sa SC Room.
"Salamat sa pagbantay." narinig kong sabi ni Jenthrix sa mga kasamahan ko.
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo. Nabigla yata sa bigla kong pagbangon.
"Mukhang kailangan na nating kumain." nakangiti niyang sabi sa akin.
Lagi na lang ako pinapakain, hindi na naman ako bata. Sa tagal na namin, ni hindi nagtagumpay si Jenthrix na patabain ako dahil sa bilis ng metabolism ko.
Pero may gusto akong kainin ngayon.
Agad kaming umalis ni Jenthrix sa SC Room. Gusto kong sabihin sa kanya na may gusto akong kainin pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong kumibo.
Pakiramdam may kakaiba ngayon sa akin na hindi ko malaman kung ano.
Napadaan kami ng tapat ng bulletin board kung saan nagkakagulo ang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...