Chapter 21

13 0 0
                                        

Ilang taon kong iningatan ang pangalan at pagkatao ko. Pinatunayan ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi sumagi sa isip ko na biguin sila dahil kailangan kong ipakita na kaya ko.

Lumayo ako para ipakita sa kanila na hindi habang buhay ay makokontrol nila ang buhay ko. Sapat na ang ilang taon na sinunod ko lahat ng gusto nila, huwag lang nilang ipilit ang pagpapakasal sa taong hindi ko pa nakikilala.

Ininda ko ang lahat ng sakit at pagod sa pagsasanay na pinapagawa nila sa akin, na dapat ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kung mag-isa lamang ako.

Hindi ko lubos maisip na lahat ng pagsasanay ko ay magagamit ko para lamang gumaan ang pakiramdam ko.

Pinipilit pa rin ako ng mga pinsan ko na ilayo sa hawak kong bihag dahil mas lalong bumabaon ang kunai na hawak ko sa leeg nito. Ipanakot na nila ang lahat sa akin, huwag lang nilang gagalawin ang mga taong nasa paligid ko.

"Princess! Enough!"

"Mapapatay mo ng wala sa oras 'yan. Hindi pa natin nakukuha ang sagot na gusto nating malaman."

"Kung ganito lang din naman ang ugali ng tatanungin natin, mabuti pang tapusin ko na lang ang buhay niya!"

Buong pwersa akong inilayo ng mga pinsan ko sa bihag at matagumpay nila itong nagawa. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay naihagis ko ang kunai na hawak ko. Mabilis na nailagan ni KC ang kunai at bumaon ito sa pader na nasa likod niya.

Pinigilan ko ang sarili ko na kunin ang isa pang kunai na nasa bewang ko. Baka maitarak ko ng deretso sa puso ng kausap ko ang kunai. Napansin ko ang pamumutla ng mga ibang bihag dahil sa eksena na nakita nila.

Wala kang makukuhang sagot sa isang tao kung hindi mo ito gagamitan ng dahas at lalo na kung hindi mo ito tatakutin. Magiging iba ang takbo ng isip ng isang tao kapag pamilya na ang usapan.

Tiningnan ko ang isa sa mga tauhan na kasama namin. Tumango ito at agad na nilapitan ang lalaking nasugatan ko sa leeg. Binuhat nila ito ng kasama niya at inilabas nila ito sa dungeon. Nagkatinginan ang ibang mga bihag na para bang nag-uusap silang lahat gamit ang kanilang mga isip.

"You." turo ko sa nag-iisang babae na nakuha nila Zeke.

Nagulat siya sa malamig na pagtawag ko sa kanya. Hindi na ako nagtaka kung mayroon mang babae na espiya sa loob ng kumpanya dahil hindi naman talaga mapaghihinalaan ng isang babae lalo na kung maayos ito magtrabaho sa bagay na iniutos sa kanya.

Inabot ko ang isang syringe na naglalaman ng asul na likido. Isa ito sa mga ginagawa ng mga scientist ng mga Asakura. Isang klase ng truth serum, ngunit iba ang epekto nito sa taong matuturukan nito.

The more you resist, the more pain you will feel. If you still resist yourself, blood will come out of your nose and then your mouth.

Ilang beses ko na itong nakita ginamit ng Lolo ko noon sa mga taong nahuhuli niyang kumakalaban sa kanya. Isang beses pa nga ay may nahuli silang isang tao na may dalang lason. Kung hindi agad nahanap ng mga tauhan ng Lolo ko ang taong iyon, malamang ay nakain ko ang pagkaing paggagamitan ng lason.

Nagpupumiglas ang babaeng bihag namin habang inilalapit siya sa akin ng mga tauhan ko. Nang mailapit na siya sa harapan ko ay mabilis kong itinurok ang syringe sa leeg nito.

"Do your part."

Hinayaan ko na ang bihag sa mga kamay ng mga pinsan ko. Naupo na lang ako sa isa sa malapit na upuan. Mula rito ay rinig ko ang mapag-uusapan nila. Bigla akong nakaramdam ng pagod dahil sa nangyari kani-kanina lang.

Hindi naman ako masamang tao para gawin ito sa iba. Siguro nga ay tinutulak lang nila akong maging masama para naman mayroon na silang matibay na ebidensya na pwede na nila akong tanggalin bilang Crown Princess ng Asakura Clan. Akala ko ay sa mga napapanood na drama ko lamang ito makikita, nangyayari rin pala ito sa totoong buhay.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon