Chapter 24

10 1 2
                                    

Ooh! To be called by that title makes me shiver, especially when that person does it.

Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa taong naghahanap sa akin. I look at him in the eyes when I finally face him.

"What a pleasant surprise, Your Majesty.You grace us with your presence."

"Cut the chase, Natsumi. What have you done?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa narinig ko. Hindi man lang ba muna niya ako kukumustahin? Ang tagal tagal niya akong hindi nakita, tapos ito agad ang itatanong niya sa akin?

Naglakad ako papalapit sa kanya habang ang mga kamay ko ay magkahawak sa likuran ko.

"Your Majesty I've done nothing. Bakit naman iyan agad ang iniisip niyo sa akin?" tumigil ako sa harapan niya para makita niya ako ng malapitan. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin mahahalata sa itsura niya ang kanyang edad. Matikas at matipuno pa rin itong tumindig. "Are you afraid that I might find the prince before that day?"

"Natsumi!"

"Chill, grandpa. Wala akong ginagawang masama. KC and Zeke just told me what happened on our way back here. Kasama ko lang 'yung classmate namin kanina, bumisita lang kami sa isang church. That's all. You can ask the guards kung hindi kayo naniniwala."

Umalis na ako sa harapan niya at umupo sa malapit na sofa. Kita ko ang pagtulo ng pawis ng mga pinsan ko. Tiningnan ko lang sila at nakuha na naman nila ang gusto kong iparating.

Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Nabibingi ako sa katahimikan nila. Iba rin ang binibigay na tingin ni Lolo sa mga magulang namin.

Kilala ko na ang ugali ng Lolo ko, kaya alam ko na kailangan ay kalmado ko siyang kakausapin lalo na sa mga ganitong bagay.

"My ghad! Magtititigan na lang ba kayong lahat dyan? We're complete again, tell them to set the table." nakatingin lang silang lahat sa akin. Napapikit na lang ang Lolo ko dahil sa mga kasama namin. Tumayo ako at nauna akong maglakad papunta sa kusina. "Dumating lang si Lolo, para na kayong naging estatwa dyan. Manang! Prepare everything! We have an unexpected family reunion!" sigaw ko. Narinig ko naman na sumunod sa akin si Alexis.

Nang makita ko si Manang ay agad ko siyang sinabihan na maghanda ng pagkain. Filipino, America, and Japanese food ang ihanda nila. Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto nilang kainin kaya iyon na lamang ang pinahanda ko. Sinabi ko na rin na tawagin ang mga chefs na kasama niya nung nakaraan para makatulong.

Pagkatapos kong sabihin lahat ng kailangan nilang gawin ay umakyat na agad ako ng kwarto ko para makapagpalit ng damit at makapagpahinga dahil napagod ako sa biyahe namin. Tiningnan ko ang oras sa relo ko, past 4 p.m. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, wala ring text mula kay Jenth.

Silence welcomes me as I enter my room. I put my things on my side table. As my back touched the mattress of my bed, I felt the weight of my problems flow through my mind, and now that my grandfather is here, I need to be extra careful with my moves. One single mistake will ruin all of my plans.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pag-iisip. Nagising na lang ako dahil sa ilang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Pagtingin ko sa may bintana ay madilim na ang kalangitan, napatingin ako sa relo ko. Mahaba haba rin pala ang oras ng naitulog ko. Dahil hindi ako agad nakatayo sa pagkakahiga ko ay narinig ko na lang na nagbukas ang kwarto ko.

"Nami, gising ka na ba? Dinner is ready. Naghihintay na sila sa atin sa dining room."

Itinaas ko ang isang kamay ko, ilang saglit lang ay may humak sa braso ko at tinulungan akong makaupo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon