Chapter 8

28 3 0
                                    

Kasama ko ngayon si Jenth. Pagkatapos ng photoshoot, mabilis akong hinila ng magaling kong boyfriend dahil gusto niya raw akong makasama sa paglilibot dito sa location ng shoot nila.

Narinig ko pa nga ang pagtawag ng mga pinsan ko sa akin. Alam kong gusto nila akong kausapin dahil sa nalaman nila kay Michelle.

Nang matapos ang shoot, tinawagan agad ni Michelle si KC para sabihan patungkol sa Lolo namin.

"Bakit nga ba hindi mo sinabi sa akin na kasama ka namin ngayon sa shoot na ito?" ito agad ang tanong niya sa akin.

"Confidential information. Sinunod ko lang ang gusto nila. Para hindi rin malaman ng mga pinsan ko. Alam mo naman na may kasalanan pa ang mga iyon sa akin." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Napangiti na lang siya senyales na wala siyang ibang masabi. Nakatitig lang siya ngayon sa akin. Sinasaulo niya yata ang bawat parte ng mukha ko sa parang ng pagtitig niya sa akin.

"Ang ganda talaga ng girlfriend ko." napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. May ginawa kaya itong kasalanan kaya siya ganito?

"So, I'm not gorgeous when I wear make-up?"

Nanlaki ang mata niya sa narinig niya.

"Hindi sa ganun, maganda ka rin kahit na may make-up ka. Para sa akin kasi, mas maganda ka kapag natural lang. Iyong walang make-up sa mukha." nakangiti pero pinagpapawisan na ang noo niya.

So, kapag wala akong suot na make-up sa mukha ay maganda ako at kapag may make-up hindi maganda. Mukha akong clown, ganoon ba ang nais niya ipahatid sa sinabi niya sa akin?

"So, mukha akong clown kapag may make-up? Iyong ba ang pinupunto mo sa sinasabi mo?" seryoso kong tanong sa kanya.

I don't like the tone of his voice while he saying those words.

I don't know. Naiinis ako ngayon sa kanya. Hindi dahil sa sinabi niya. Naiinis ako kasi... Teka, bakit nga ba ako naiinis?

Tiningnan ko siya at nakita ko ang reaksyon niya dahil sa biglang pagseryoso ng boses ko. Napapikit ako at huminga ng malalim.

Hindi ko naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Kahit ako ay nagugulat sa nagiging reaksyon ng sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Kahit sa simpleng galaw nla, iba ang nagiging pahiwatig nito sa akin.

Napahawak ako bigla sa tyan ko dahil sa biglang pagsakit nito. Nakakaramdam ako ng gutom. Kakakain lang namin ng mga pinsan ko kanina pero nakakaramdam na naman ako ng gutom.

"Nami, are you okay?"

Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Jenthrix

"Stay away from me. Hindi tayo bati. Niaaway mo ako."

Nagtaka siya dahil sa sinabi ko. Totoo naman, hindi kami bati dahil sa sinabi niya sa akin kani-kanina lang. Nakakasakit siya ng damdamin.

Agad akong naghanap ng mauupuan dahil nangangalay na rin ako kakalakad dahil hindi pa rin alam hanggang ngayon ni Jenthrix kung saan niya ako dadalhin. Sabagay, hindi pa siya pamilyar sa probinsya na ito kaya hindi niya alam kung saan niya ako pwedeng dalhin.

Nakahanap ako ng mauupuan at agad na lumapit dito at naupo. Nawala na rin 'yung pananakit ng tyan ko. Nakakainis naman, bakit niya kailangang sumakit.

"Kumain ka ba talaga?" sabi na nga ba at iyan ang itatanong niya sa akin.

"Mukha ba akong nagsisinungaling sa'yo? Syempre, kakain ako kasi galing akong biyahe kanina para lang makapunta rito. Tingin mo hindi ako nakaramdam ng gutom pagdating rito?" hindi ko na maitago ang pagkainis ko.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon