Chapter 12

25 4 0
                                        

Dapit hapon na, pero parang wala pa yatang balak tumigil sa paglalaro ang mga pinsan ko. Paniguradong hinahanap na si Jenth ng manager niya dahil sa bigla niyang pagkawala kanina. Hindi pa yata nagpaalam ang isang ito sa manager niya kanina bago kami umalis.

Christile gave me a cap. Sinamahan niya lang ako rito sa veranda. Hindi ako bumaba kanina para sabayan silang kumain ng tanghalian dahil ayaw ko munang marinig ang mga tanong nila kung ano ba talagang nangyari sa akin.

My personal nurse didn't leave me. Mukhang pinaghandaan niya ang pagpunta niya rito dahil kanina lang ay nag-online class siya. Ginawan niya talaga ng paraan para hindi ako mawala sa paningin niya.

Tuwing napapansin ko na titingin dito sa pwesto ko sila Jenth ay mabilis akong naalis sa pwesto ko para lang hindi nila ako makita na nanonood sa kanila.

Mula rito sa pwesto naming ay kita ko ang paglubog ng araw. Napakagandang pagmsadan. Hindi ko namalayan na nakasandal na ulit ako sa railing ng veranda dahil nakatuon lang ang pansin ko sa napakagandang paglubog ng araw.

"Dadalhan na lang ba ulit kita ng pagkain dito mamaya?"

"Sasabay na ako sa inyo mamayang kumain." Hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa paglubog ng araw.

Kulay kahel na ang kalangitan na may konting bughaw, banayad na simoy ng hangin at mga huni ng ibon ang siyang maririnig mo. Mukhang napagod na sa paglalaro ang mga kasama naming lalaki dahil wala na akong naririnig na ingay mula sa ibaba.

Isang bagay lang ang pinagsisisihan ko ngayon. Iyon ay ang pagtingin ko sa ibaba kung saan kitang kita kong nakatingin ang apat na lalaki na ngayon ay pawisan at mga walang suot na pang-itaas.

Base sa mga tingin nila sa akin ay mukhang kanina pa nila ako pinagmamasdan. Napapikit ako dahil sa ginawa ko. Mamaya ko pa balak silang makita pero mukhang napaaga ang pagkikita naming lahat. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat at saka umalis na ako sa pwesto ko. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at agad namang sumunod sa akin si Christile.

"Para ka namang nakakita ng multo."

"They saw me. Don't let them come near at the door."

Hindi niya agad naintindihan ang sinabi ko. Tiningnan ko lang siya, hanggang sa unting unti niyang naintidihan ang mga sinabi ko. Nagmamadali siya lumabas ng kwarto para harangan ang anong balak gawin ng mga pinsan ko at ni Jenth. Sasakit lang ang ulo ko sa mga tanong nila.

Ano na kayang nangyayari sa kumpanya?

Kinuha ko kaagad ang laptop ko para matawagan si Michelle. Kada oras na wala ako sa kumpanya, maraming bagay ang pwedeng mangyari. Lalo na ngayong nagpaparamdam na si Lolo.

(Your Highness)

"Nagkaroon ba ng problema sa kumpanya? Maraming pwedeng mangyari habang wala ako dyan."

Tipid siyang ngumiti sa akin bago niya sinabi ang mga nangyayari sa kumpanya at sa University. Nagkaroon lang daw ng maliit na problema patungkol sa deliveries ng mga produkto papuntang timog pero nagawan na agad ng solusyon ni Michelle.

Hindi pa rin daw nagpapakita ang mga magulang ko simula ng bumisita ang mga ito nung nakaraang lingo.

Saan naman kaya ngayon nagpunta ang mga magulang ko?

"Thank you."

Napasandal ako sa inuupuan ko. Ano na naman kaya ang binabalak ng mga magulang ko at bigla na namang nawawala ang mga iyon? Bakit ba kasi ang hilig sa surpresa ng dalawang iyon?

Simula ng magising ako kanina ay hindi ko pa hinahawakan ang phone ko. Alam kong marami na naman message sa akin ang mga pinsan ko kahit na sinabihan na sila ng personal na ayaw ko muna silang kakausapin ay gagawa sila ng paraan para kulitin ako. Natatakot lang naman kasi sila sa mga magulang ko.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon