Chapter 17

6 0 0
                                        

"Tititigan mo lang ba iyang puno o may balak kang tapusin 'yang final report mo?"

"Huh?"

Napabuntong hininga siya dahil sa akin.

"Tawagan ko na kaya ang boyfriend mo para bumalik ka sa katinuan mo? Kanina ka pa nakatulala dyan sa puno."

Umayos ako ng upo at saka ibinalik ang atensyon ko sa report na kailangan kong tapusin. Sa tuwing napapalalim ang iniisip ko ay ang lagi nilang ipanglalaban sa akin ay si Jenthrix. Alam naman nilang maraming ginagawa 'yung tao, aabalahin pa nila para lang makausap nila ako ng matino.

"Huwag mo akong problemahin, Jaymie. Ikaw ang mas may malaking problema kaysa sa akin. Hindi na lang papel ang magiging problema mo dahil dadalhin na ang problema mo sa harap ng altar kaya isipin mo kung paano mo aayusin ang buhay mo."

"Miyuki!"

Hindi ko binaling ang atensyon ko sa kanya dahil patuloy lang ako sa pagtitipa sa laptop.

Kailangan abalahin ko ang sarili ko para hindi na ako nag-iisip ng kung ano-ano. Baka mapagalitan na naman ako ni Christile kapag nalaman niya na nag-iisip ako. Sasabihin lang niya na hindi mabuti para sa akin ang pag-iisip.

Kagaya nung isang araw, napagalitan ako ng magaling kong nurse dahil kung ano-ano raw ang pinag-iisip ko. Sinabi ko lang naman sa kanya na hindi pa ako tapos sa design para sa graduation ball, pinagalitan ba naman ako.

Tinawagan din ako ni Jenthrix kagabi habang nanonood kami nila KC ng movie. Sinabi niya na may inasikaso lang daw sila ng kapatid niya. Mukhang magiging abala rin siya kasama ang kapatid niya. Hindi niya sigurado kung makakapunta siya para kumustahin ako.

"Jaymie, order ka nga ng foods. Padeliver mo rito. Nagugutom ako."

"Miyuki, may cafeteria tayo at canteen. Bakit kailangan ko pang mag-order? Ibibili na lang kita sa cafeteria."

Dun na naman siya bibili? Hindi ba siya nagsasawa magpabalik balik?

"Jaymie! Hindi ka ba napapagod magpabalik balik? Kung ayaw mo, ako magpapadeliver ng pagkain. Huwag kang hihingi sa akin."

"Okay, fine! My ghad! Spoiled ka talaga kay Jenthrix."

Nayayamot siya sa akin pero ginawa naman niya ang sinabi ko. Mukhang gutom din ang isang ito, ang daming sinabing order. Makalipas lang ng ilang minuto, dumating na rin ang pina-order namin ni Jaymie.

"Mukhang 'di ka rin gutom noh, Jaymie?" natatawa kong puna sa kanya.

Kumuha lang ako ng fries at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko sa laptop ko. Si Jaymie naman ay nakatuon din sa laptop niya habang kumakain. Magkasalo kami sa pagkain na pinadeliver namin.

Nagtaka nga ako dahil walang kumukulit sa akin. Hindi ko nakikita ang dalawa kong pinsan pati na rin ang nurse ko. Kapag ganitong oras lalo na dito sa University ay nakadikit na iyon sa akin. Nakakapagtaka talaga. Hindi kaya magkasama silang tatlo?

Hindi kami nag-usap ni Jaymie hanggang sa matapos ako sa report na ginagawa ko. Napangiti ako habang binabasa ang report na nagawa ko. Para masiguro, ipapabasa ko ito kay Jaymie.

"Jay--- Jaymie?" at kailan pa nakatulog ang isang ito rito?

Napatitig ako sa mukha ni Jaymie. Ang payapa ng mukha niya, para siyang walang iniinda na problema. Hindi ko maisip kung ano ang kinaaayawan niya sa nangyari sa kanya. Mukhang mahal na mahal naman siya ni Nashton. Katulad ko lang din ba siya? Na ayaw magpakasal sa taong hindi pa nakikilala kahit isang beses?

Kung titingnan nga, madali niya lang masosolusyunan ang problema niya. Pero ano ang pumipigil sa kanya para gawin iyon?

"Hey, Miyuki! Have you seen Jay--"

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon