Chapter 18

7 0 0
                                    

"Are you going to betray me?"

Napatigil siya sa pagkain dahil sa pagtatanong ko. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya. Hindi ko lang kayang magpatawad lalo na kapag sinira ang tiwala ko. Matagal nang nasira ang tiwala ko dahil sa mga magulang ko lalo na sa Lolo ko.

I choose to trust him. It's his choice to prove me wrong.

"Natakot ka ba? Sorry, random question lang naman 'yun." sabi ko ng hindi agad siya nakasagot.

"No. Okay lang na magtanong ka ng random. Nabigla lang talaga ako sa tanong mo."

"Talaga? Anong sagot mo?"

Uminom muna siya ng tubig at pinunasan ang kanyang labi. Umayos siya ng pagkakaupo at saka deretsong tumingin sa akin mga mata.

"I would never betray the woman I love. Never." seryosong sagot niya sa tanong ko.

Isa lang ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Kasing lalim ito ngayon katulad ng mga mata ko. Hindi ko malaman kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Ganito ang mga mata ko sa tuwing tumitingin ako sa salamin. At binabasa ako ngayon ng mga mata niya.

Gusto ko siyang tanungin ngayon tungkol sa bagay na narinig kong pinag-usapan nila ni Jeriel pero natatakot ako. Natatakot ako na baka tama ang hinala ko. Hihintayin ko na lang na kusa niyang sasabihin sa akin ang bagay na iyon.

"Kung magkakagusto ka man sa iba habang tayo pa. Hindi kita papapiliin, piliin mo siya."

Hindi niya ginalaw ang pagkain niya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang inaalam niya kung para saan ba ang mga sinasabi ko sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain.

"May dapat ka bang sabihin sa akin, Jenth? May dapat ba akong malaman?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagtatanong sa kanya ngayon kahit na sinabi ko sa sarili ko na hihintayin ko na siya mismo ang magsasabi sa akin ng dapat niyang sabihin.

Hindi niya pwedeng malaman na narinig ko sila ni Jeriel noon. Para ko na ring ginamit ang kakayahan ko bilang Prinsesa sa ginagawa ko ngayon.

"Ai, chill. Natakot ba kita ulit?" tumawa ako para hindi niya mahalata na seryoso ako sa tanong ko sa kanya.

"Pasensya na, nahahawa na yata ako sa mga pinapanood kong mga drama online.

Pansin ang kaba sa paghinga niya. Tingin ko mahahati ang isip ko sa desisyon na dapat kong gawin. Sa nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan sa mga kilos niya.

Kung sa iba, siguro umiyak na sila sa ganitong sitwasyon. Kaso, hindi ako ganoong klase ng tao. Imbis na matunaw ang yelong bumabalot sa puso ko, parang bumabalik ito sa dati dahil sa mga nalalaman at napapansin ko.

Ilang minuto kaming tahimik ni Jenth. Hindi ko rin naman siya kinulit ulit. Bakit nga ba kailangan magsinungalin ng mga tao sa taong mahal nila?

White lies?

Mapanakit na kasinungalingan para protektahan ang damdamin ng mahal nila. Hindi naman ganoon ang nangyari sa akin. Katotohanan ang sinabi nila, na sana naging kasinungalingan na lang.

Hindi nakatiis si Jenth at nagkwento siya ng mga bagay na ginawa niya ngayong araw. Nang matapos na kami, sinabihan niya ako na hintayin ko siya sa living room at siya na raw ang bahala sa kusina.

Habang hinihintay ko si Jenth na matapos sa kusina ay nagbasa muna ako ng libro. Hindi pa man ako natatapos sa isang kabanata ng binabasa ko ay tumunog ang phone ko. Wala naman akong inaasahan na tawag kahit kanino.

Jeriel calling...

Ngayon lang ako tinawagan ni Jeriel. Lagi lang naman siyang nagtetext sa akin kapag hinahanap nila si Jenth. Hindi na naman siguro nagpaalam sa dalawa ang lalaking ito.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon