"Happy forty first monthsary, ai."
Ngayon ko lang talaga napatunayan na malilimutin na ako. February 21 nga pala ngayon.
Nagiging malilimutin na yata ako?
"Happy monthsary, ai. Wala na naman akong regalo sa'yo." sagot ko sa kanya habang nakatungo dahil nakatingin sa akin ang lahat.
Kahit kailan talaga, ang hilig niya akong ilagay sa ganitong sitwasyon kung saan nakukuha ko ang atensyon ng lahat.
Sa gitna ng napakaingay na lugar, nandito kaming dalawa. Nag-uusap na para bang kaming dalawa lang ang nandito sa lugar na ito.
Hindi alintana ang ingay ng mga tao sa paligid namin. Mga taong masaya dahil sa kinalabasan ng laro kanina. Mga taong tahimik kong pinagmamasdan.
Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko ng tumingin ako sa mga taong nakatingin sa akin.
Una ay si Jeriel, na seryosong nakatingin sa akin.
Pangalawa ay si Kent, na nakangiti na nakatingin sa amin ngunit may lungkot ang mga mata.
At ang huli, ang babaeng nasa tabi ni Kent. Hindi ko mabasa ang ekpresyon ng mukha niya pero ramdam ko na wala siyang masamang gagawin sa akin.
"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita hinihintay, hindi mo tuloy napanood ng buo 'yung laro namin." hindi ko alam kung nag-aalala siya o nagtatampo sa tono ng pananalita niya.
3 years...
Sa tatlong taon naming magkasama, hindi ko pa rin makuha ang ibig sabihin ng tono ng boses niya.
Ibang klaseng lalaki, at syempre parang laging may dalaw pa rin siya minsan.
Maraming nangyari sa loob ng tatlong taon, ngunit ang pinagtataka ko ay walang ginagawang hakbang si Lolo patungkol sa kasal na gusto niya.
Tinanong ko naman ang mga pinsan ko tungkol dito, kahit sila wala ring alam.
"May binalikan lang akong files sa bahay para sa Grad Ball, at saka nagpaghinga ng kaunti para hindi ako mukhang stress pagbalik dito." nakangiti kong sabi sa kanya habang papalabas kami ng gymnasium.
"Saan mo gustong pumunta?" Nakatigil na siya ngayon sa harap ko kaya napatigil din ako.
Gusto kong magpahinga, pero mayroon din akong gustong kainin.
"Gusto ko ng ube cheese pandesal." sagot ko na kinagulat niya.
"Saan naman ako makakahanap nun? Meron pa ba ng ganung tinapay sa oras na ito?" sabi niya habang hinihimas ang likod ng kanyang ulo.
"Gusto ko kumain ng pandesal. Kung ayaw mo, choco butternut na lang." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Fine, maghahanap tayo ng pandesal na gusto mo. Pero kapag wala tayong nakita, choco butternut na lang ang bibilhin natin. Deal?" tumango ako sa sinabi niya.
Agad kaming pumunta ng parking lot pero napatigil ako sa pagsakay ng kotse ng dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko.
Mabilis kong inayos ang sarili ko ng makita kong lumabas ulit si Jenth ng sasakyan niya.
"May masakit ba sa'yo, Nami?" nag-aalala niyang tanong.
Tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya ng nakangiti.
"I'm fine, Jenth. Napuwing lang ako. Tara na." sabi ko at sumakay na sa kotse niya.
Habang naghahanap kami ng pandesal na gusto ko, nakikinig lang ako sa mga kwento niya tungkol sa laro nila kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/67485175-288-k880460.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...