Nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko kung kaninong boses ang narinig namin. Kahit ang mga pinsan ko ay nagulat at napatingin sa nagmamay-ari ng boses.
"Kanina pa kita hinihintay, ipapakita ko sana sa'yo 'yung report ng farm." Si Aether na nagmamadaling lumapit sa harapan namin ni Jenth habang may hawak na folder.
Tiningnan ko ang lalaking nasa tabi ko na masamang nakatingin kay Aether na ngayon ay nasa harapan naming. Ang mga pinsan ko na nagtataka kung sino ang lalaking ito at si Tito Luis na hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin dahil ang tatlong lalaki na kasama namin ay masama ang binibigay na tingin kay Aether.
"Wait, who are you? Why are you talking to her like that?" seryosong tanong ni Jenth.
Lumingon ako sa mga pinsan ko at sinenyasan ko silang lumapit sa amin dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda sa pagitan ni Jenth at Aether.
"Bakit hindi niyo kami sinama? Kainan pala pinuntahan niyo?" pagsasalita ni Zeke para mawala ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Kumain na kayo, gusto kong kasama---"
"I'm asking you. Who are you?" naputol ang sasabihin ko kay Zeke ng magsalita muli si Jenth.
"Aether, Aether Velasco. Ang nag-aasikaso ng farm ni Miyuki." kalmadong sagot niya kay Jenthrix.
"He is the son of the person who I trust the most here. Right, Aether?"
"She's right. Wait. Ikaw ang panganay na anak ng mga Tyson, tama ba?" may pagkamanghang tanong ni Aether kay Jenth.
Nangunot ang noo ni Jenth dahil sa narinig niya. Nakalimutan niya yatang anak siya ng isa sa pinakamayamang tao dito sa Pilipinas.
"Possesive."
"May sinasabi ka?" tanong ko kay Aether. Parang narinig kong may sinabi siya.
Nagkibit balikat lang siya. Iniabot niya sa akin ang folder na hawak niya.
"Let me see." mabilis na inagaw sa akin ni KC ang hawak ko na folder.
"Ikaw 'yung sumalubong sa amin nung dumating kami dito nung isang araw, 'di ba?" tanong naman ni Zeke kay Aether.
Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para yayain si Jenthrix na pumasok na sa loob ng resthouse. Mukhang nagseselos pa ang isang ito kay Aether.
Iniwan ko si Jenthrix sa may salas ata agad akong umakyat papunta sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Panigurado namang tatanungin ako ni Jenthrix kung paano ko nakilala si Aether. Nang matapos na akong makapagpalit ng damit ay agad din akong bumaba sa salas.
Naabutan kong nagbabasa ng libro si Jenthrix. Hindi agad ako lumapit sa kanya. Naging hobby ko na yata ang panoorin siya mula sa malayo ng hindi niya alam.
Ilang beses ko ba kailangan gawin ito?
"Kanina ka pa ba dyan?" nakatingin na siya ngayon sa pwesto ko.
"Hindi naman, kakababa ko lang galing sa kwarto." at naglakad na ulit ako papalapit sa kanya.
"Gusto mo bang maglibot sa farm?" tanong ko sa kanya.
"Sinong kasama natin?
"Mga pinsan ko. Sabi ko kasi sa kanila na lilibutin namin ang buong farm at sasama ka kasi bisita kita." Nakangiti kong sagot sa kanya.
He just kisses on my cheek as a response.
Pagkalabas namin, agad kong hinanap ang dalawa kong pinsan para samahan kami ni Jenth maglibot dito sa farm. Pumayag na sila kanina, hindi nila ako pwedeng takasan lalo na ngayon na kasama nila ako rito.
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...