Hindi agad ako nagmulat ng mata ng makarinig ako ng boses. Pinakinggan ko ang mga pinag-uusapan ng dalawang tao na nandito sa lugar kung nasaan ako. Alam kong nandito ako ngayon sa kwarto ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang alam ko lang, nanghihina ako. Ayaw kong tumayo at gusto ko lang matulog.
"Pwede bang ipaliwanag mong maigi sa akin ang kalagayan ng pamangki ko? Is she okay?" narinig kong tanong ni Tito Luis sa kausap niya.
Teka, tama ba ang pagkakarinig ko?
Narinig ko ang pagkawala ng malalim na paghinga ng kausap niya.
"Yeah, but we need to be extra careful. You know what I mean."
Bumangon ako sa pagkakahiga ko na umagaw sa atensyon ng dalawang tao na nandito ngayon sa loob ng kwarto ko.
"Huwag ka munang tumayo, Nami." sabi ni Tito Luis habang papalapit siya sa pwesto ko.
Napatingin ako sa taong kausap ni Tito.
"Christile?"
"Pasensya na kung sumunod ako rito. May kailangan kasi akong sabihin sa'yo ng personal."
Napatingin ako kay Tito ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko ng mahigpit.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Hindi akonakapagsalita dahil sa biglang pagtatanong niya sa akin. Ayaw ko lang na mayiba pang makakaalam ng tungkol sa kalagayan ko. Hindi dahil saw ala akongtiwala kay Tito, ayaw ko lang na madamay siya oras na malaman ni Lolo angtungkol sa kalagayan ko.
Tumingin ako kay Christile, pero iniwas niya lang ang mata niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na nasabi niya sa Tito ko ang tungkol sa kalagayan ko. Akala ko ba ligtas ang sikreto ko sa kanya? Bakit nakuha niya pa ring sabihin sa iba ang tungkol dito?
Lumingon ako sa paligid ng buong kwarto ko. Kaming tatlo lang ang nandito, ibig sabihin ay naghihintay sa labas ang mga pinsan ko. Kailangan may maisip na akong dahilan na sasabihin sa kanila.
"Nami." napatingin ako kay Tito dahil sa muli niya pagtawag sa akin.
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang dapat kong sabihin. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng kamay ko.
"Si Jenth?" ito ang unang lumabas sa bibig ko ng maalala ko na nandito rin pala siya.
"Kasama niya ang mga pinsan mo. Nasa labas silang lahat."
"I'm sorry. Kailangan niyang malaman." narinig kong sabi ni Christile sa tabi ko.
Napakunot ang noo ko ng maalala ko na may importante siyang sasabihin sa akin kaya siya sumunod dito.
"Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?"
Tumuwid siya ng tayo dahil sa tanong ko.
"Dumaan ako sa doctor mo kahapon para magtanong tungkol sa kalagayan mo. May test siyang ginawa nung huli niyong pagkikita at hindi maganda ang resulta."
"What do yo mean?"
Tumingin siya kay Tito na parang humihingi ng tulong kung paano niya sasabihin sa akin ang nalaman niya. Sa huli, huminga siya ng bago nagsalita.
"May sign na anemic ka, kaya delikado sa kalagayan mo ang mapagod. Lalo na ngayon.
Napahiga muli ako dahil sa narinig ko. Mukhang hindi ko na magagawa pa ang mga bagay na nakasanayan kong gawin dahil sa kondiyon ko. Kung kalian pa naman nakakaramdam ako ng kalayaan simula ng lumayo ako sa kanila.

BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...