Tahimik kong dinadama ang malamig na simoy ng hangin habang nakaupo ako ngayon sa veranda. Hindi pa gising ang mga kasama ko, bumalik na naman ako sa dati kong nakaugalian. Ang magising ng maaga na hindi pa sumisilay ang araw.
Nakaupo ako habang nakatalukbong ng malaki na blanket sa katawan na tanging mukha ko lang ang nakikita. Mula rito sa pwesto ko ay nakikita ko na ang mga tauhan ng rest house na naghahanda na para sa pagsasaka na gagawin nila.
Sinabihan ko na rin si Mang Val na maghanda ng almusal para sa lahat ng tauhan bago sila magsimula sa mga trabaho nila.
Hindi maalis sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ng mga pinsan ko, lalo na ang tungkol sa nawawalang prinsipe ng mga Ryu.
"Something is not right here."
Hindi nakuha ni Zeke ang pangalan ng prinsipe na nawawala at hindi rin namin alam ang tungkol dito. May tinatago baa ng Lolo ko? Alam niya kaya ang tungkol dito? Hindi naman siya tatawag kay Michelle kung wala siyang gagawin.
I met the Ryu's way back before I left Japan. At the party where they introduced me as the successor of the Asakura clan. Matagal na rin pala simula ng makita ko ang mga Ryu. Those brats, panigurado akong sila ang may dahilan kung bakit nawala ang kwintas na bigay sa akin ng Lola ko, The Late Empress.
A butterfly pendant necklace. Ito ang dahilan kung bakit butterfly seal ang nakalagay sa lahat ng invitation na ibinibigay ko sa lahat ng miyembro ng Asakura Group of Companies. Kung nandito lang siya, hindi mangyayari ang mga bagay na ganito.
"The lost prince."
Napahawak ako sa sentido ko dahil sa bagay na nalaman ko. Pati ang bagay na ito, pinoproblema ko pa. Hindi kaya, ito ang dahilan ng pagtawag ni Lolo kay Michelle? Imposible, dahil hindi magbibigay ng kahit na anong impormasyon patungkol sa mga ganitong bagay.
"Gising ka na agad?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"
Lumapit sa akin si Aether at inilapag niya ang dala niyang tray sa lamesa na nasa harapan ko. Nagdala pala siya ng umagahan para sa akin. Sinangag, sinigang, sunny sideup egg, bacon, toasted breads, butter, and fruits.
"Wala naman akong sinabi sa Papa mo na padalhan ako ng pagkain dito sa kwarto. Para sa mga tauhan ang pinahanda ko."
Patuloy lang siya sa pag-aayos ng mga pagkain na dala niya sa lamesa. Nakikita ko na rin ang pagsikat ng araw at pagliwanag ng paligid. Napangiti ako sa nakikita ko, napakaganda ng tanawin. Nawawala ang mga iniisip kong problema dahil sa nakikita ko ngayon. Napansin ko na hindi pa tapos si Aether sa pag-aayos dahil hindi lang pang-isang tao ang inihanda niya.
"Nakita kong gising na ang mga bisita mo, kaya sabi ni Papa, dagdagan ko na raw ang dadalhin ko rito sa kwarto mo para naman daw makasabay mo sila."
"W-what?"
"May nakalimutan pa akong dalhin dito, kukunin ko lang saka papapuntahin ko na sila rito. Eat well, Miss Nat."
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang umalis sa harapan ko. Maaga na nga akong nagising para hindi muna sila makausap dahil gusto ko muna ng peace of mind tapos dito niya pa papauntahin ang mga iyon para kumain ng umagahan kasama ko?
Napapikit na lang ako dahil sa ginawa ni Aether.
"Damn you, Aether!" bulong ko.
Ilang minuto lang ang lumipas, nakarinig na ako ng ingay na papalapit sa kwarto ko at kung hindi ako nagkakamali, parating na ang mga bisita ko.

BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomansaAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...