Chapter 13

14 3 0
                                        

Tanging tunog lang ng mga kurbyertos ang maririnig ngayon habang kumakain kami. Hindi ko alam kung bakit pero nalulunod ako sa mga iniisip ko ngayon. Hindi ko lang siguro napapansin na nag-uusap sila dahil sa dami kong iniisip.

I came back to my senses when someone holds my hand.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" tipid akong ngumiti kay Jenth.

"Ayos na ako, huwag kang mag-alala."

Napansin kong nakatingin sa akin ang mga pinsan ko. Iniisip nila na baka galit ako sa kanila dahil sa biglang pagtaas ng boses ko kanina. Ayaw ko lang naman na mag-away silang dalawa ng dahil lang sa pagkain na kakainin ko.

Kung umasta kasi silang dalawa ay parang bata na nag-aaway para lang sa isang candy. Oo, alam kong nag-aalala lang sila sa kalagayan ko pero sana naman huwag na silang umabot sa puntong tumataas na ang tono ng boses nila dahil lang sa gusto nila.

"Pwede niyo ba akong puntahan mamaya sa kwarto ko?" nakangiting tanong ko sa mga pinsan ko.

Nagulat sila sa sinabi ko pero tiningnan ko lang sila. Siguro naman maiintindihan nila ang ibig kong sabihin. Kailangan ko rin ng tulong nila, kung hindi ako nagkakamali sa kutob ko, kailangan ko talaga ang mga pinsan ko ngayon. Tungkol ito sa plano ng Lolo namin para sa akin.

Pinagpatuloy na namin ang tahimik na pagkain ng hapunan pero hindi natiis ng mga pinsan ko na hindi magsalita at magkwento habang nakain. Napansin ko naman na nabigla si Christile sa pagkukwento ng mga pinsan ko. Alam ko naman na gumagawa lang sila ng paraan para maging komportable sa amin si Christile.

Nang matapos ang hapunan ay umakyat ang mga pinsan ko sa mga kwarto nila para mag-ayos, si Christile naman ay tumulong sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Lumabas naman ako at pumunta sa garden at hindi ko nakalimutang magdala ng sombrero.

"Nasabihan ko na sila Stenard na dito muna ako magpapalipas ng gabi."

Naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sa akin kahit na nasa likod ko siya, ipinatong niya ang kanyang mukha sa balikat ko at katulad ko ay nakatingin din siya sa mga halaman na nasa tapat namin. Kahit na madilim ang kalangitan ay hindi naman nawalan ng liwanag ang hardin dahil sa mga poste na nagbibigay liwanag sa buong hardin.

"Wow, I guess Stenard is throwing tantrums right now," natawa na lang siya dahil sa sinabi ko.

"He always wants to see you. He's acting like a fanboy."

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa mga sinasabi ni Jenthrix tungkol kay Stenard. Well, hindi ko naman siya masisisi kung ganoon lagi ang reaksyon niya sa tuwing nakikita ako. Minsan naiisip ko nga na baka may gusto rin sa akin si Stenard pero itinatago niya lang kay Jenth o masyado lang ako nag-iisip ng kung ano-ano kaya ganito ang naiisip ko patungkol kay Stenard. Sabagay, napapansin ko rin ang bagay na iyon kapag nakikita ako ni Stenard.

"Kahapon lang tayo naghiwalay pero pakiramdam ko ang tagal nating hindi nagkita."

Napangiti ako sa narinig ko. Nagugulat pa rin ako sa mga kinikilos niya kahit na tatlong taon na kaming magkasama.

"Clingy."

Wala akong maisip na sasabihin kaya iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.

Makalipas lang ng ilang minuto, naisipan ko na umupo sa bench na malapit sa puno at sinundan lang ako ni Jenth. Nnag makaupo na kami ay nagkwento lang siya ng mga nangyari sa mga photoshoot nila.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakukwento siya. Ang saya niyang tingnan habang kinukwento niya ang mga bagay na iyon sa akin pero may kakaiba sa mga mata niya. Hindi lang ito ang unang beses na napansin ko ang pagbabago sa mga mata niya.

A Princess ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon