Tiningnan ko lang siya ng masama. Kakahiling ko pa lang na sana hindi muna siya magpakita dito sa unit tapos ngayon nasa harapan na namin siya at hinihingal pa. Naghagdan lang ba siya paakyat?
Nagtatanong ang mga tingin sa akin ni Jenth dahil sa biglang pagsulpot ng babaeng ito.
"Bakit hindi mo muna ako tinawagan, Christile?"
"I called you last night. Have you forgotten?"
Napapikit ako dahil sa narinig ko. Bakit nakalimutan ko ang bagay na iyon?
Mukhang nakuha naman niya ang mga tingin ko sa kanya.
"Nevermind. Kita na lang tayo sa University."
"I'm sorry, Your Highness." She murmured while making her way back to the door.
Aba't... talaga namang nang-aasar ang babaeng ito. Oo, tumawag siya kagabi pero hindi niya sinabi na pupunta siya ngayon! Dinaig niya si Jaymie sa ginagawa niya. Hindi porket may spare key siya ng unit ko, papasok na lang siya bigla-bigla.
"Ang weird ng kaibigan mo. Hindi man lang nag-stay para kumain." sabi ni Jenth habang may laman ang kanyang bibig.
I nervously laugh at him. That was a close one. Mabuti na lang at umalis na kaagad si Christile bago pa maalala ulit ni Jenth ang nangyari sa akin sa rest house. Baka sa sobrang kaba ay masabi ni Christile ang hindi dapat sabihin kay Jenth.
"Nakalimutan ko, mauuna akong pumunta ng school. Si Stenerd kasi, kung makapaghanap sa akin, daig pa mommy ko."
"Si Stenard? Hindi ka pa nasanay? Halos sumabog na phone ko sa katatawag niya para lang tanuning ako kung nasaan ka."
Parehas kaming natawa. Si Stenard ang klase ng kaibigan na akala mo ay kasintahan mo sa sobrang pag-aalala. Dinaig pa ang nanay ng kaibigan niya sa pag-aalala. Sinabi ko kay Jenth na baka na-trauma si Stenard nang ma-kidnap kami noong first year.
Naalala ko, nung nagising ako noon ay boses ni Stenard ang una kong narinig. Hindi pala agad sila umalis ni Jeriel nung gabing iyon. Si Jenth kasi ay sinundo ng mga tauhan ng Papa niya. Alam kasi ni Mr. Tyson na makakarating agad sa akin ang balita kaya agad niyang sinundo ang anak niya para hindi malaman ng mga kalaban namin.
Nang makausap ko si Mr. Tyson noon tungkol sa kidnapping, hindi siya makatingin ng maayos sa mga mata ko. Napatunayan na naman namin na si Mr. Benedicto ang may pakana ng nangyari. Ngunit hindi nakaligtas ang kakaibang kaba na nakita ko sa mata ni Mr. Tyson. Ang nakita kong kaba kay Mr. Tyson ay katulad sa mga pinsan ko. Siguro ay ayaw niya lang malaman ni Mrs. Tyson ang tungkol sa bagay na iyon.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam si Jenth na babalik sa unit niya para makapag-ayos na siya. Nang masiguro kong nakaalis na talaga siya, mabilis kong tinungo ang kwarto ko para matawagan si Zeke.
Mabilis namang sinagot ni Zeke ang tawag ko.
"Any updates?"
(Mukhang tama nga ang desisyon mong kunin lahat ng electronic devices ng mga tauhan natin, Hime)
"May listahan ka na?"
(Tatapusin na lang 'yung sa mga computers and few mobile phones. Ibibigay ko kaagad sa'yo ang listahan kapag tapos na.)
"Sabihin mo kay KC, siya na ang bahala sa mga nasa listahan. Dalhin sa dungeon at hintayin ako."
Sinabihan ko na rin si Zeke na huwag hahayaan na may makalabas na balita patungkol sa ginawa ko sa kumpanya. Alam kong alam nila na nakarating na sa Lolo namin ang bagay na ito. Ano kaya ang reaksyon niya sa ginawa ko?
Hihintayin na lang daw nila ako sa University at doon na lang daw kami mag-usap tatlo.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko para makapunta agad sa University. Hindi ko napansin ang kotse ni Jenth at Stenard. Tanging kay Jeriel lamang ang nakita ko sa parking lot.

BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...