Napapikit ako dahil sa narinig ko. Hindi niya pwedeng malaman ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya kanina.
Huminga ako ng malalim bago humarap muli sa kanya na may matamis na ngiti sa aking mga labi.
"Anong pinagsasabi mo? Gusto ko lang talagang kumain ulit. Ayaw mong nagugutom ako 'di ba?" paliwanag ko sa kanya. Sana naman hindi niya ako kulitin.
"Alam kong may nasabi ako kaya ka nagkakaganyan. Please, tell me. May nasabi ba ako sa'yo?"
Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi lahat ng nararamdaman ko ay kailangan kong sabihin sa kanya at saka, hindi naman malaking bagay 'yung gusto kong gawin niya kaya hindi ko na dapat pang sabihin sa kanya iyon.
"Wala. Alam mo, pagod ka lang kaya kung ano-ano ang naiisip mo. Ikain na lang natin iyan baka gutom ka lang." nakangiti kong sabi sa kanya.
Wala na siyang nagawa kung 'di ang sumunod sa akin. Sa kotse ko siya sumabay, nagpahatid kami kay Tito Luis sa paborito kong kainan dito sa Laguna. Alam kong ito ang unang beses ni Jenthrix sa Laguna kaya ako na ang nagpasya kung saan kami kakain.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe kami. Hindi ko na siya tinanong kung ano ang iniisip niya, ayaw ko siyang guluhin sa pag-iisip niya. Tumingin na lang ako sa bitana sa tabi ko. Nakakaramdam na naman ako ng pagkaantok.
Paniguradong ang unang pupuntahan ng Lolo ko ay ang kumpanya. Masyado siyang hands-on sa kumpanya, ayaw na ayaw niyang may problemang nagaganap dito.
Pero, wala silang pinagkaiba ni Mama. Parehas silang mahilig manurpresa kahit na father-in-law ni Mama si Lolo, halos magkapareha sila ng ugali.
My real surname is Asakura. Ginagamit ko lang ang surname ng Mama ko nung dalaga pa siya. Pumayag din naman sa ideya na iyon ang Lolo ko para raw hindi ako makaagaw ng pansin sa maraming tao.
Oras na malaman nilang isa akong Asakura, hindi ko magagawa ang mga bagay na nagagawa ko ngayon. Thankful na rin ako kahit papaano dahil nagagawa ko pa rin ang mga gusto ko pero hindi pa rin ako malaya gaya ng nais ko.
"Nag-away ba kayong dalawa?" napatingin ako kay Tito Luis ng bigla siyang magsalita.
Nagkatinginan kami ni Jenthrix. Hindi ko napansin ang reaksyon niya sa biglang pagtatanong ni Tito Luis.
"Kanina ko pa kayo napapansin na hindi nag-uusap. Nag-away ba kayo?" tanong ulit nito.
"Pagod lang po siguro dahil sa photoshoot." narinig kong sagot ni Jenthrix sa tanong ni Tito Luis.
Binalik ko lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Alam na ni Tito Luis na may iba akong iniisip kaya hindi na niya ako tinanong pa.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang nakarating sa paborito kong kainan dito sa Laguna.
Nauna akong lumabas dahil sa sobrang tuwa. Ang tagal ko ring hindi nakapunta rito.
"Hindi namang halata na tuwang tuwa ka na makapunta ulit dito, Nami?" natatawang tanong sa akin ni Tito Luis.
"I missed their food. Magugustuhan mo mga pagkain nila rito." nakangiti kong wika kay Jenthrix.
"Mukhang masarap nga ang mga pagkain dito. Mula rito sa kinatatayuan natin, amoy na amoy ko na ang pagkain sa loob." nakapikit at nakangiti si Jenthrix dahil sa amoy ng mga lutong pagkain na naamoy niya.
Napangiti ako sa nakita ko. Nakakatuwa siyang tingnan, sana ganito na lang kami palagi. Gusto ko ng ganitong buhay kasama siya. Nakakapunta kami sa mga lugar na gusto naming puntahan.
Lahat ng iyon ay malabo, alam kong may isang bagay na hindi masabi sa akin si Jenthrix. Napapansin ko iyon sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siyang nakatitig sa akin, hindi nakakaligtas sa mga mata ko ang isang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya na agad niya inaalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/67485175-288-k880460.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...