"Manahimik ka, Zeke! Hindi kita kinakausap!"
"Mali naman kasi ang paliwanag mo, KC. Paano niya maiintindihan 'yung sinabi mo?"
Hinilot ko ang kanang sentido ko. Hindi ba sila pwedeng manahimik muna kahit sandali lamang?
"Thesis ang pinag-uusapan natin dito! Hindi kung ano lang na bagay." sigaw ni KC.
Sigawan na naman sila. Bakit ba ganito ngayon ang mga lalaki? Laging nakasigaw. Kailangan kong habaan ang pasensya ko, baka kung anong magawa ko rito sa mga ito.
Hindi ko matapos tapos itong binabasa kong mga papeles dahil sa kaingayan ng dalawang ito. Isang pagkakamali yata ang umuwi ako ngayon dito sa mansion.
Hindi ko na talaga kaya.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tahimik na lumapit sa dalawa. Tuloy lang sila sa pagpapalitan ng salita hanggang sa...
"Nami!" sabay nilang sabi habang hinihimas ang kanilang mga ulo dahil sa lakas ng pagkakabatok ko sa kanilang dalawa.
"Ang tahimik niyong dalawa, sobra. Nakakatulong talaga kayo sa ginagawa ko." walang gana kong sabi sa kanila sabay balik sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Ikaw kasi, ang lakas ng boses mo."
"Ako pa ngayon, Zy?" narinig ko muli ang mga boses nila.
Tiningnan ko sila.
"Tatahimik ulit kayo?" tanong ko.
"Akyat na ako sa kwarto ko." sabi ni Zeke.
"Punta ako ng kusina, kuha kita ng pagkain." sabi naman ni KC.
Mabuti naman at tumahik na silang dalawa. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Habang tumatagal, parang mas nagiging komplikado ang ginagawa ko.
Tiningnan ko ang oras, may kailangan pa pala akong ayusin sa university. Malapit na pala ang graduation ball. Natural, ako na naman ang mag-aasikaso ng kailangang gamitin.
May isang oras pa ako bago bumalik sa university. Inayos ko muna lahat ng papeles at inilagay lahat sa folder.
Ilang minuto lang ang dumating si KC na may dalang pagkain.
"Kumain ka muna, kanina ka pa nagbabasa dyan. Baka nagugutom ka na." sabi niya saka umupo sa katapat kong upuan.
Ininom ko juice na dinala ni KC. Nangunot ang noo ko ng matikaman ko ito.
"Walang lasa." sabi ko na pinagtaka naman niya.
"Pinagsasabi mo?" tanong naman niya.
"Itong juice, walang lasa. Tikman mo." sabi ko at inabot sa kanya ang baso.
"Ang tamis nga, paano mawawalan ng lasa? May sakit ka ba?" tanong niya at bigla siyang lumapit sa akin para tingnan kung mainit ba ako.
Hindi ko alam, pero nitong mga nakaraang araw nawawalan ako ng panglasa. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Hindi ka naman mainit, normal ang temperature mo. Weird." sabi nito at bumalik sa pwesto niya.
Napatigil ako sa ginagawa ko. Kung huwag na lang kaya akong pumasok ngayon? Pero kailangan ako doon. Gusto ko talagang magpahinga.
"May ubas ba sa ref?" tanong ko kay KC.
"Meron, kunin ko ba?"
"Yes, please. Thank you."
Wala ngayon ang parents ko, hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. Pero malaki ang pasasalamat ko hindi natuloy ang plano nila noon sa akin.
Pero isa iyon sa kinakatakot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/67485175-288-k880460.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...