Kung hindi niya lang hawak ang kamay ko ay iisipin kong nananaginip ako dahil sa mga nangyayari ngayon.
Mahal ko siya. Walang pagdududa doon. Pero bakit ako nakakaramdam ng takot sa kung ano mang sasabihin niya sa akin ngayon?
"Pasensya na kung biglaan kitang niyaya sa lugar na ito. Sa totoo lang, matagal na kitang gustong dalhin dito." napakamot siya sa ulo niya habang nakangiti sa akin.
Pinipigilan ko ang sarili kong matawa dahil nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa akin. Huminga siya ng malalim para lamang mawala ang panginginig ng katawan niya. Dito ko hindi napigilan ang pagtawa ko.
"Nami! Huwag mo naman akong tawanan oh! Kinakabahan na nga 'yung tao, tinatawanan mo pa."
"Siguro sinasabi mo lang na hindi mo katulong ang mga pinsan pero ang totoo, sa kanila ka kumuha ng idea para dito, noh?"
"Kilala ko na ang mga pinsan mo. Wala silang matinong ideya na maibibigay sa akin." nakangiti niyang sagot sa'kin.
Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya. A black rectangular box. Sa sukat pa lang nito ay alam ko na ang laman nito. Pero mukhang nagkamali yata ako sa hula ko.
"Is that---"
"Yeah, wedding rings." putol niya sa sasabihin ko.
Walang nalabas na salita sa aking bibig. Nararamdaman ko ang panginginig ko. Hindi ko inaasahan ang bagay na ito. Ni sa imahinasyon, hindi ko naisip na mangyayari ito.
"But why?"
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mabilis na pagseryoso ng mga mata niya. Agad din naman itong napalitan ng masayang ekspresyon na kanina niya pa pinapakita sa akin.
"Alam kong wala pa sa isip mo ang pagpapakasal pero, gusto ko lang na malaman mo na seryoso ako sa'yo at ikaw lamang ang gusto kong makasama habang buhay."
How can he be so calm while saying those words to me?
Hindi ba siya natatakot sa mga pwedeng mangyari sa aming dalawa? Under ng company namin ang family nila. Paano na lang kapag may nakaalam ng tungkol sa amin, lalo na ng Lolo ko?
"Natsumi. Inaamin ko hindi maganda ang naging simula natin, pero alam kong sa hinaharap ay magiging mas masaya pa tayo kapiling ang magiging pamilya na bubuuin natin ng magkasama. Saksi ang lugar na ito sa pangako na habang buhay kitang poprotektahan sa kahit anong panganib, kahit na ang kapalit nito ay sarili kong kaligayahan at buhay. Ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko, habang buhay. You're the most beautiful gift that God has given me. I don't know why I deserve someone like you but I'm very thankful that I met you. I love you, ai."
Kinuha ang niya ang singsing at isinuot niya ito sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit pinakilala ka sa akin at kung bakit dumating ka sa buhay ko. Ang alam ko lang, hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo ng wala akong nagagawa. Kaya kong kalimutan at kalabanin ang lahat kung para ito sa ikakabuti mo at para makasama ka. My existence is nothing without you. I love you too, ai."
Niyakap ko siya ng mahigpit matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Hindi na importante sa akin kung ano ang mga narinig ko. Ang importante ay maipaglaban ko kung ano man ang meron kaming dalawa ngayon.
He cupped my face and gently kiss me.
"Kailangan kong isuot yung singsing mo sa iyo." natawa siya dahil napansin niyang nasa box pa rin yung singsing na dapat ay suot na niya.
Iniabot niya sa akin ang singsing at agad ko itong sinuot sa kanya.
"Kahit anong mangyari, 'di ko hahayaan na mapahamak ka ng dahil sa akin. Remember that, okay?"
BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...
