Mula rito sa kinauupuan ko ay amoy ang mga bagong lutong pagkain. Rinig ang ingay ng mga estudyante para makabili ng pagkain.
Samantalang ako, tahimik na nakatingin sa pagkain na nasa harap ko. Hindi ko alam kung gutom ba ako? Masama ang pakiramdam? O wala lang talagang ganang kumain.
Wala si Jaymie, may kailangan siyang tapusin na project na hindi niya naipasa dahil nagkaroon siya ng sakit.
Si Zeke at KC, may idadaan sa office ni Michelle pagkatapos ay pupunta na sila rito.
Si Jenthrix, may emergency meeting sa agency nila.
In short... mag-isa ako ngayon dito sa canteen.
"Bakit ang tagal ng dalawang iyon? Baka kung saan na naman pumunta iyong mga iyon. Hays." Nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Well, well. Mag-isa yata ngayon ang may-ari ng University?" sa tono pa lang ng pananalita, kilala ko na agad ko sino.
"Naubusan ka na naman ba ng magugulo kaya ako ngayon ang ginugulo mo?" tamad kong tanong sa kanya.
"Anong gayuma ba ang binigay mo kay Jenthrix at nahulog ang loob niya sa iyo? Hindi ka naman maganda para magustuhan niya. You're not on our level of beauty."
"Ooh, really? As far as I remembered, I'm an in demand model for magazines. Every issues in different kind of magazines, and also, beauty ambassadress. So, tell me. Which level does my beauty belong?" mataray na tanong ko kay Missy.
"You bitch!"
"Careful, I know your family's dirty little secret." Napatigil siya sa pagsugod sa akin dahil sa sinabi ko.
Tiningnan niya lang ako ng masama bago sila umalis ng mga kasama niya.
Kailangan munang takutin bago pa ako tantanan. Palagi na lang niya ako sinasabihan na gumamit daw ako ng gayuma kaya raw nahulog ang loob sa akin ni Jenthrix. Nilandi ko raw si Jenthrix.
Flirt my ass.
Siya nga itong mukhang hindi gagawa ng matino sa aming dalawa, sa akin pa isisisi ang ugaling mayroon siya.
At bakit ba ang tagal nilang dalawa?
Masaksaktan sila sa akin pagdating nila rito.
Bigla akong napahawak sa ulo ko, nakaupo lang naman ako pero bakit bigla akong nahilo?
"Here, take these. It will ease the pain of your head." napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko.
Nakita ko ang isang babae na nakatayo habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. May isang gamot na nakalagay sa kamay niya at iniaabot niya ito sa akin.
"Thank you." sabi ko at kinuha ang gamot sa kamay niya.
Agad ko itong ininom at saka lumingon ulit sa kanya. Kilala ko siya, siya 'yung babaeng kasama ni Kent na nakatingin sa amin.
Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa tapat ko. Tahimik lang siya habang inaayos ang pagkain na binili niya. Sa totoo lang, marami ang binili niya para sa sarili niya.
"Hindi ka pa kumakain, 'di ba?" sabi niya habang inaayos ang pagkain na binili niya.
"Bumili ako ng ekstrang pagkain para sa'yo. Kumain ka na." sabi niya pa.
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa pag-aayos ng pagkain niya, at tumingin siya sa akin.
"Christile Xasira Scott, a pre-med student. I assume you didn't do a background check about me, that's why you are asking me who I am."
Paano niya nalaman na gawain ko ang bagay na iyon?

BINABASA MO ANG
A Princess Choice
RomanceAsakura Series 2 Everyone sees me as a tough, cold and empowered but little did they know that I'm stuck between my royal duties and fighting for the person I love. Natsumi is the owner of Tri-Zumi University and the missing secret princess of the A...