Kinabukasan. Sa paaralan.
Nakita ni Stephen si Sky na nakaupo sa isang bench na tila naghihintay ng kasunod niyang klase. Pinuntahan niya agad ito dahil gusto niya itong kausapin sa nangyari kagabi.
"Hello, Sky" bati niya sa dalaga.
Napatingin naman sa kanya ito at ngumiti "Stephen, andito ka pala. Wala ka pa bang klase?"
"Hmmm. Wala pa eh. Mamaya pa" sagot nito habang nakatingin sa dalaga "Ikaw? Ano oras ba ang pasok mo?"
"Mamaya din. Mga 11 pa" habang tinititigan niya ang kanyang telepono
"May hinihintay ka ba?" tanong ni Stephen "Parang hindi ka kasi mapakali sa pagkatitig sa cellphone mo eh"
"Ha?? Oo. Hinihintay ko si Sara. Yung kaibigan ko na kasama ko kagabi"
"Ahh. Oo. Naaalala ko siya" sambit niya "Ahhm. Sky??"
"Yes Steph?"
"Pagpasensiyahan mo sana ako sa ginawa ko kagabi"
"Ha? Ang alin?"
"Yung pagsigaw ko kay Daddy" pagpaalala niya kay Sky "Sorry talaga"
"Yun ba? Wala yun" sambit nito " E Bakit nagsosorry ka sa akin? Wala naman ka naman kasalanan sa akin. Doon ka sa Daddy mo humingi ng tawad"
"Naku. Huwag na. Baka ano na naman ang masabi ko sa kanya eh" pagmamatigas ni Stephen "Galit na galit kasi ako sa kanya. Noon pa"
"Bakit? Saan?"
"Kasi niloloko niya si Mommy. May iba siyang mahal" sagot niya at biglang naalala niya muli ang pangyayaring iyon "Nasaktan ako noon tuwing nakikita ko si Mommy na umiiyak dahil pinagmumukha ng lalaking yon na hindi niya mahal ang ina ko" sabay sa pagtulo ng kanyang mga luha "Mabuti nga namatay na yon eh. Nabawas-bawasan ang sakit na dinadama ni Mommy" at tumingin siya kay Sky "At iyon nga ang rason kung bakit ako humihingi ako ng tawad sa'yo. Galit ako sa Papa mo dahil siya ang rason kung bakit muntik nang masira ang pamilya namin"
"Naiintindihan kita, Stephen. Hindi naman kita masisisi sa nararamdaman mo sa Papa ko. Siguro kung ako ang nasa lugar mo ngayon, ganun din ang mararamdaman ko" sambit ni Sky na parang naaawa sa kanyang kausap "Pero tapos na yon, nangyari na ang nangyari. Patay na si Papa at masaya na kayo ulit bilang pamilya" at huminga ng malalim si Sky sa kanyang sinabi "Alam mo, magpasalamat ka pa nga na kumpleto pa ang pamilya mo, may tatay at nanay ka. Buhay at nasa piling mo ngayon. Ako?? Wala nang ama"
"Pero may lola ka pa diba? Mga Tito at Tita mo, at nanay na andiyan pa sa'yo at buhay"
"Pero iba pa rin ang merong kumpletong pamilya" ulit ni Sky "Iba ang pakiramdam ang buong pamilya. Oo, andito pa nga sina lola pero hindi ko naman sila kasama sa loob ng bahay. Nakatira ako kay Tita-Mommy, na pakiramdan ko na hindi naman nagmamahal ng totoo sa akin" kuwento ni Sky "Kaya huwag kang magreklamo at huwag kang magalit sa ama mo kasi masuwerte ka pa rin kahit papaano"
"Ikaw?? Hindi ka ba galit sa Daddy ko?" balik niyang tanong kay Sky "Kasi narinig daw kayo ni Mommy na nag-uusap ng lola mo na galit ka daw kay Daddy. Sinisisi mo daw siya sa pagkamatay ng Papa mo. Totoo ba yun?"
"Oo. Inaamin ko. Galit ako sa kanya. Galit na galit din. Pero wala naman tayong magagawa dahil tapos na yon. Wala naman tayo mapapala kung magtanim tayo ng galit sa kapwa natin diba? Tayo pa rin ang maaapektuhan sa galit natin. Kaya pilit ko nang kinakalimutan ang pangyayaring iyon pero kahit minsan naiinis ako"
![](https://img.wattpad.com/cover/56468620-288-k146047.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...