Kinabukasan. Kaarawan na ni Joyce. Maagang umalis si Sky sa mansyon ni Madam Jean at para mamelengke ng kanilang lulutuin para sa paghahanda sa kaarawan ng kanyang Nanay-La.
Pagkatapos ng kanyang pagmamelengke ay kaagad siyang dumerecho sa bahay nina Nathan.
Sa kanyang pagpasok ay nandoon si Cindy sa sala at nanonood na naman ng palabas sa telebisyon, si Nathan naman ay pumasok na sa trabaho at si Stephen ay naghahanda para pumasok sa klase.
"Good morning, Nanay-La" sabay yakap niya sa lola "Happy Birthday po"
"Salamat apo" sagot naman ni Joyce "Ang aga mo ata pumunta dito, wala ka bang pasok?"
"Meron naman po, Nanay-La. Pero mamaya pa, mga ala-una ng hapon" paliwanag ni Sky "Oo nga po pala, pupunta din dito si Sara. Kasama ko siya mamata dito. Yung bestfriend ko. Tutulungan niya daw ako na magluto para sa kaarawan mo po"
"Sky naman. Nag-abala ka pa. Baka busy naman ang kaibigan mong yan" sambit ni Joyce sa kanya "Ano ba ang lulutuin mo? Parang marmi 'to ah. San ka kumuha ng pera?"
"Sa ipon ko po, Nanay-La. Mula sa allowance ko" sagot ni Sky "Tapos nagbigay din si Tito Alvin ng pera para pangdagdag"
"Wow. Talaga apo? Galing sa ipon mo ito?" ulit ni Joyce "Ang sweet mo talagang bata"
"Siyempre po Nanay-La. Mahal na mahal po kita eh" sabay yakap niya kay Joyce
"Ako din apo. Mahal na mahal din kita" ganting yakap niya sa apo "Pero apo, sigurado ka ba na pupunta dito ang kaibigan mo mamaya?? Ano nga ba ulit ang pangalan niya?"
"Sara po" ulit ni Sky "Opo Nanay-La. Isasama ko siya dito mamaya"
"Baka nakakaistorbo lang tayo sa kanya apo. Huwag na nga lang kaya. Nakakahiya naman"
"Hindi po, Nanay-La. Napag-usapan na namin po yan" paniniguro niya sa kanyang lola "At tsaka po, gusting-gusto ka niya na pong makita"
"Oh Sige. Kung yan ang gusto mo, apo. Hindi na kita pagbabawalan"
"Salamat po, Nanay-La. Para naman po sa'yo ito eh"
Tumayo si Cindy sa sofa at pinuntahan na naman ang mag-lola "Wow. Ang laking handaan naman yan" pang-iinsulto niya "May fiesta ba?"
"Hindi anak" sagot ni Joyce "Kaarawan ko kasi ngayon. Tapos nagulat lang ako na marami ang pinaninda ng apo ko. Magluluto daw siya"
"Mabuti naman kung ganun" dugtong niya sa paliwanag ni Joyce "Kung makapag-handa kayo dito, parang kayo ang may-ari ng bahay ah. Mabuti yan. Ipagpatuloy ninyo lang yan"
"Ahmmm. Tita. Nagpaalam na po ako sa asawa ninyo. Huwag ka pong mag-alala"
"I don't care. Hindi naman bahay ninyo ito" sabat ni Cindy "Pero hahayaan ko muna kayo na gamitin ang bahay namin. Baka isipin ninyo na wala akong konsiderasyon sa matanda" sabay tingin kay Joyce "Aalis na lang ako para masolo ninyo ang bahay. Pero ngayong araw lang 'to"
"Salamat po, Tita" ngiti ni Sky
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo akong tatawagin na TITA"
"Sorry po"
"Sige na. Magluto ka na diyan" utos niya kay Sky "Ayusin mo ang pagluluto at baka masunog ang bahay namin"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Fiksi RemajaAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...