The Heiress - Chapter 28 (Ang Paglilitis)

210 12 1
                                    


Pagkaalis ng pagkaalis ni Mike ay dumerecho si Sky sa sofa para doon magpahinga. Habang nakaupo ito ay napatulo muli ang mga luha niya dahil naalala niya ang ginawa sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya talaga akalain na magagawa iyon ng ama, ang pagsampa niya ng kaso sa kanyang Tita-Mommy at ang pagsigaw nito sa kanya.

Hindi namalayan ni Sky na bumaba si Madam Jean at nakatitig lamang sa kanya.

"Sky. Anak?" sabay lapit niya dito "Okay ka lang ba?"

"Opo, Tita-Mommy. Okay lang po ako"

Umupo si Madam Jean sa tabi ng dalaga at hinimas ang kanyang likuran "E bakit ka umiiyak kung okay ka lang?? Tungkol ba ito sa pagpunta mo sa Tito Nathan mo?" hindi sumagot si Sky at napatulo na lamang ang kanyang luha "Oh... Bakit Sky?? Inaway ka ba ni Tito mo?? Sabi ko sa'yo eh. Huwag ka na lang sana pumunta doon sa kanila"

"Hindi po, Tita-Mommy. Okay lang sa akin iyon"

"So pinakiusapan mo na?"

"Hindi pa po eh" sagot nito "Kasi nagulat ako sa nakita ko kanina"

"Bakit? Ano ang nakita mo?"

"Nakita ko si Papa. At narinig ko na siya pala ang nasa likod ng pagsampa ng kaso sa'yo Tita-Mommy"

Napangiti na lamang si Madam Jean dahil sa narinig niya. Nakumpirma na nga na buhay ang kanyang kapatid at nagpapanggap lamang siya bilang José Hidalgo. "So buhay pala ang Papa mo, Sky?"

"Opo. Bakit po Tita-Mommy? Hindi pa ba kayo nagkikita?"

"Hindi. Hindi pa" sagot nito "Naging busy lang kasi ako kaya hindi kami binigyan ng pagkakataon para mag-usap"

"Ahh. Okay po"

"So ano pa ang pinag-usapan nila?"

"Hindi ko po narinig lahat eh. Pero handa na daw sila para bukas" kuwento ni Sky kay Madam Jean "Tita-Mommy? Okay ka lang po ba? Hirap na hirap ka na eh"

"Okay lang naman ako, anak. Kaya ko naman ito"

"Pero patung-patung na ang mga problema mo Tita-Mommy" dugtong ni Sky na parang nag-aalala talaga ito sa kanya "Si Papa kasi eh. Dinagdagan niya pa. Inaway ko nga po siya"

"Bakit mo naman inaway ang Papa mo? Uy Sky. Masama yan ha. Ama mo pa rin iyan"

"E kakainis kasi Tita-Mommy eh. Pinagtanggol lang kita kay Papa"

"Bakit? Ano ba ang sinabi ng Papa mo sa akin?"

"Sabi niya po kasi na deserve mo daw ito dahil ikaw daw ang may kasalanan lahat" kuwento ni Sky kay Madam Jean at nakita ng dalaga ang mukha niya na parang naiinis "Tita-Mommy, sorry ha? Sorry kung nag-aaway kayo ni Papa"

"Sky naman. Huwag kang humingi ng tawad, Hindi naman ako galit sa Papa mo eh. Meron lang kaming hindi napagsunduan noon. Kaya yun, nagagalit siya sa akin hanggang ngayon"

"Basta po. Sorry talaga"

"Okay lang anak" sabay yakap niya kay Sky "Oo nga pala, malapit na ang debut mo. Gusto mo ba na maghanda tayo?"

"Naku po, Huwag na Tita-Mommy. Magastos lang yan eh"

"Ano ka ba. Deserve mong mag-celebrate ng engrandeng 18th birthday mo, Sky. Sige na. Maghahanda tayo"

"Sige po. Kung iyan ang gusto mo Tita-Mommy. Salamat na lang po"

"You're welcome, anak" at tumingin si Madam Jean sa may pintuan. Nakatayo na doon ang dalawang pulis na magsusundo sa kanya pabalik ng presinto "Sky. Alis na ako"

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon