Hinintay ni Sky hanggang sa pumasok si Mike ng bahay bago siya lumabas sa malaking halaman. Nagmamadali siyang umakyat sa kanyang silid at niligpit ang kanyang mga gamit. Gusto niya nang umalis doon sa mansyon ni Madam Jean, ang taong akala niya ay mahal siya pero niloloko pala siya.
Nang pagkatapos niyang niligpit ang gamit at nilagay sa bag, dali-dali siyang lumabas ng kwarto at lumabas ng mansyon. Wala namang nakakita sa kanya dahil pagod ang lahat ng dahil sa party.
Papalapit na siya ng gate at tangkang buksan ito, pero may humawak sa kanyang balikat mula sa likod. Napatili ito ng malakas at kaagad tinakpan ng tao ang kanyang bibig dahil sa kanyang tili.
Pilit niyang inaalis ang kamay ng tao sa bibig niya pero binuksan ng tao ang gate at lumabas sila. Nang pagkalabas nilang dalawa ay doon na nakita ni Sky ang tao sa kanyang likuran kanina.
"Mike...?" sabay kabog ng kanyang dibdib "Please. Huwag mo akong isumbong kay Tita-Mommy na umalis ako ngayon"
"Alam ko, cuz. Umalis ka na ngayon habang tulog pa si Mommy"
"Ano?? Hindi mo ako pipigilan?"
"Hindi. Dahil alam ko na alam mo na ang totoong nangyari sa ama mo at kay Tito Nathan"
"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ko alam yun"
"Hindi mo alam?? E bakit nagmamadali kang umalis?"
"Narinig ko kasi kanina na may kausap si Tita-Mommy na niloloko niya lang ako at ginagamit sa mga plano niya para kay Papa"
"Talaga?? Hindi ko rin alam yon ah"
"Oo cuz" sagot ni Sky "Ano naman ang ibig mong sabihin na totoong nangyari kay Papa?"
Hinawakan ni Mike ang kamay ng pinsan at sinabi niya na nga ang kanyang nalaman "Si Mommy nga ang nag-utos sa pagkidnap sa Papa mo. Totoo ang mga paratang ng Papa mo sa kanya"
"Ano??"
"Oo. Inamin kanina ni Mommy sa akin ang lahat" habang tinititigan niya sa mata ang kanyang pinsan "Kaya umalis ka na dito. Isumbong mo sa Papa mo ang lahat ng nalamang mo dito"
"Totoo pala lahat?? Akala ko ay gumagawa lamang ng kuwento si Papa" sabay tulo ng mga luha ng dalaga "Inaway ko pa ang sarili kong ama dahil sa kagagawan niya"
"Oo Sky. Totoo ang lahat. Kaya umalis ka na"
"Sige. Aalis na ako, Mike"
"Mag-iingat ka cuz"
"Ikaw din"
Tumakbo ng mabilis si Sky palayo ng mansyon ni Madam Jean. Hindi niya pala akalain na totoo pala ang bintang ng kanyang ama sa kanya pero hindi siya naniwala dahil ang buong akala niya ang nagsasabi ng totoo ang kanyang Tita-Mommy.
Samantala. Hinintay ni Mike na mawala sa kanyang paningin ang pinsan at pumasok kaagad ng mansyon.
Nang pagbukas niya ng malaking pintuan ay nandoon ang kanyang ina na nakatayo at nakatingin sa kanya.
"San ka galing?"
"Ahmmm" sabay lunok ng kanyang laway "Sa labas po, Mom. Nagpapahangin lang"
"Akala ko ba ay matutulog ka na"
"Ha? Hindi pa po. Ngayon pa lang ako matutulog. Hinintay ko pa kasi umalis ang huling grupo ng bisita eh"
![](https://img.wattpad.com/cover/56468620-288-k146047.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Novela JuvenilAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...