Hinabol nga ni Madam Jean ang asawa niya sa labas ng kanilang mansyon. Alam niya kasi na nagalit si Richard sa kanyang ginawa.
"Richard. Utang na loob. Kausapin mo naman ako"
"Bakit pa, Jean??" sambit ni Richard "Ano na naman ba ang katangahan na ginawa mo?? Binayaran mo sila para manahimik??"
"Oo. Ginawa ko lang naman yun para manahimik nga sila at para wala na silang may sasabihin kapag andito na ang taga Hidalgo sa Pilipinas" rason ni Madam Jean "at bukas na yon. Ayaw ko naman na masira ang pangalan natin sa mata nila nang dahil sa maling balita na yan"
"Pero pinalala mo pa, Jean" pagdidiin niya "Hindi ka ba nag-iisip?"
"Sorry na nga, okay?? Alam ko na kasalanan ko"
"Mabuti naman na alam mo" sabat ni Richard "So anong plano mo?"
"Hindi ko pa alam"
"Ano?? Hindi mo pa alam??" ulit ng asawa niya "E paano na yan? Bukas na sila darating"
"Ewan ko. Basta hindi nila dapat malaman at marinig ang balita laban sa akin"
"E paano nga? Lantad na lantad na sa istasyon na yan ang bad image mo"
"Pero hindi sa ating istasyon" dugtong ni Madam Jean "May laban pa din tayo dahil tutulungan pa din tayo ng Walid Broadcasting Network na pagandahin at pabangohin muli ang pangalan ko"
"Hmmm.. Tama ka Jean. Mabuti ay may kumpanya din tayo sa media para pambato sa naninira sa atin" pagsang-ayon ni Richard sa mungkahi ng asawa "Ang talino mo talaga"
"Salamat. Mahal kong asawa" sagot niya sa asawa "Alam ko na sinisiraan lang tayo ng kalaban natin sa ibang network. They're not playing fair. Kung gusto nila ng away. Ibibigay ko yon sa kanila"
"Very good, Jean. Sana nga ay magawan mo ito ng paraan"
"Huwag kang mag-alala mahal kong asawa. Sigurado na talaga ako dito"
"Siguraduhin mo lang" sabat ni Richard "At kung may maririnig naman ako sa mga Hidalgo at hindi sila pumayag, alam mo na ang kasunod, okay?"
Tumango na lamang si Madam Jean sa pagbabanta ng kanyang asawa. Kaagad pumasok si Richard ng mansyon samantala ang isa naman ay nakatayo pa rin at nasindak sa sinabi ng asawa.
***
Nagtungo si Cindy sa kwarto ng kanyang anak para magtanong tungkol sa kanyang ama.
"Anak. May sinabi ba ang Daddy mo kung saan pupunta pagkatapos ng trabaho niya?"
"Hindi ko po alam Mommy eh. At tsaka, hindi naman ako interesado kung saan siya pumupunta" sagot ng anak "Bakit mo po naitanong?"
"Kasi ilang araw na kasi na gabi umuuwi ang Daddy mo eh. Tapos kagabi, hindi pa siya nakauwi ng bahay" paliwanag ni Cindy "Andito na siya kanina pero umalis din papunta ulit sa kanyang trabaho"
"Baka busy po talaga"
"Hindi din anak eh" pagkontra ni Cindy sa sinabi ng anak "Kasi kapag marami siyang gagawin sa trabaho ay nagpapaalam siya sa akin" sabay hinga ng malalim "Nag-aalala na talaga ako sa Daddy mo, anak"
"Baka may ginagawa na hindi dapat natin malaman"
"Ano ang ibig mong sabihin?"

BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
أدب المراهقينAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...