Pumasok si Sky sa silid ng kanyang pinsan na si Mike. Nag-aalala ito sa pag-uusapan ng kanyang Tita-Mommy at Tito-Daddy sa hapagkainan dahil parang seryoso talaga ito.
"Oh cuz. Ano ang ginagawa mo dito sa room ko?"
Dumerecho si Sky sa kama ng pinsan at umupo ito sa kanyang tabi "Nag-aalala kasi ako eh"
"Saan? Sa kanilang dalawa?" at tumango naman si Sky bilang sagot sa tanong ng pinsan "Naku. Parang hindi ka na nasanay sa kanilang dalawa. Ganun naman sila palagi diba"
"Oo. Pero parang iba na kasi ngayon eh"
"Bakit iba? Ano ang ibig mong sabihin?"
"Parang parati na sila nag-aaway eh. Yung grabe na away"
"Haay cuz. O.A lang yan" sagot ni Mike "Hayaan mo na kaya sila. Relaks"
"Sige" sabay buntong-hininga niya.
"Oo nga pala, kamusta na pala ang nanliligaw sa'yo?"
"Ha?? Sino?"
"Nagmamangmaangan ka pa diyan eh" ngiti ng pinsan "Aminin mo na nga kaya na nanliligaw sa'yo ang Mark na yon"
"Hindi siya kaya nanliligaw sa akin. At isa pa, may girlfriend na yon" sagot ni Sky "E kanino mo naman nalanman ang kasinunggalingan na yan?"
"Si Mark mismo"
"Ano?? Magkakilala kayo?"
"Oo naman. Naging kaklase ko siya nung nasa grade-school ako" paliwanag ni Mike "Nag-chat sa akin nung isang gabi, tapos nagtanong siya kung ka-anu-ano kita"
"E anong sabi mo?"
"Pinsan kita, siyempre. Tapos ang sabi niya ay nililigawan ka niya" sambit ni Mike "So, totoo ba?"
"Na ano?? Hindi nga. Hindi siya nanliligaw, okay?" sagot ulit niya sa pinsan "May girlfriend na siya kaya"
"Talaga??"
"Oo kaya. At isa pa, hindi ko siya type noh"
"Weh??"
"Oo nga" sabay tayo ni Sky sa kama "Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga. Matulog na ako"
"Hahaha. Pikon" tawa niya sa pinsan "Sige na. Goodnight"
Kaagad lumabas ang dalaga sa silid ng pinsan at nagtungo na sa kanyang silid upang matulog na.
Kinabukasan. Alas-sais pa lang ng umaga ay nagising na si Sky. Maaga kasi ang unang period niya sa araw na iyon.
Nang pagpasok niya sa silid-aralan ay binati siya kaagad ng kanyang kaibigan na si Sara ng isang mainit na yakap.
"Good morning, friend" sambit ni Sara "Kamusta ka na?"
"Ito. Okay lang naman" sagot niya "Kung makapagkamusta ka naman. Parang hindi tayo nagkita kahapon"
"Sorry, friend. Na-miss lang kita eh"
"Sus. Miss talaga ha"
"Ganon talaga yun" ngiti ni Sara
"Oo nga pala, nakita mo ba kahapon si Stephen?" tanong niya sa kaibigan "Hindi ko siya nakita eh"
Biglang naalala niya na kinausap nga siya kahapon ni Stephen. Humihingi ng pabor sa kanya na magplano ng kanilang date kay Sky. "Ha?? Si Stephen?" ulit niya
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Genç KurguAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...