The Heiress - Chapter 16 (The Confrontation)

223 9 7
                                    

Kinabukasan.

Maagang nagising at nagbihis si Jeff para mag-grocery sa kalapit na store. Mapapaalam sana siya kay Don Rolando pero nakita niya na tulog pa ito. Nagdesisyon na lamang siya na lumabas na lang at dumerecho sa elevator.

Nang pagkalabas niya sa elevator sa ground floor ay napahinto siya sa kanyang nakita.

"Jeff..." bati ni Cindy sa kanya pero hindi niya pinansin ito. Lumakad na lang siya na parang hindi nakita ang babae. Kinakabahan dahil paano siya natunton ni Cindy.

Pero pinigilan ni Cindy si Jeff sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay nito. "Excuse me, Miss? Kilala ba kita?" pagpapanggap ni Jeff.

"Hindi mo na ba ako nakikilala?" sagot naman niya "O baka nahihiya ka lang sa ginagawa mo sa asawa ko"

"I'm sorry. Hindi ko alam ang sinasabi mo" sabay tingin niya sa kanyang kamay na hinahawakan ni Cindy "If could you please? Bitawan mo ako?" at binitawan nga niya ang kamay nito "Salamat. I need to go"

"Tigilan mo na nga ang arte na yan"

"Excuse me...??" balik ni Jeff

"Alam ko na kilala mo ako. Kaya huwag ka nang magpanggap na hindi mo ako kilala"

"Sorry pero hindi talaga kita kilala"

"Talaga?? Gusto mo ba na magpakilala ako?"

"Sure. Kung iyan ang gusto mo"

"Ako si Cindy Rodgers. Asawa ni Nathan Rodgers"

"Ahh. Okay. Nice to meet you, Mrs. Rodgers"

Napatitig lang si Cindy sa tao sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Jeff. Kung bakit hindi siya naalala "Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

"Sorry ulit. Pero hindi talaga kita kilala"

"Ikaw si Jeff, right?"

"Jeff..?" sabay tawa niya "Sorry pero hindi ako si Jeff. I'm José Hidalgo"

"Really??"

"Yup"

Napataas siya ng kilay dahil baka nagsisinunggaling lang ito. "By the way, meron akong tanong sa'yo"

"Sure. Ano yon?"

"Kilala mo ba si Joyce Dy?"

"Joyce Dy?" ulit ni Jeff at napalunok siya ng kanyang laway "Hindi eh. Bakit naman?"

"Kasi may nakakita sa kanya na pumasok sa kwarto mo"

"Ano? Hindi ko alam yon"

"Oo. Hindi mo ba talaga siya kilala, Jeff?" at napalaki ang mata ni Jeff dahil nalaman niya na dumating dito kahapon ang kanyang ina "Si Joyce yun. O baka nakalimutan mo din ang nanay mo"

Wala nang magagawa at maisip si Jeff na palusot kundi aminin niya na lang ito. Lumapit ang ulo niya sa mukha ng babae "What do you want ba? Bakit ka nagpakita dito sa akin??"

"Gusto ko lang naman magkuwentuhan tayo, Jeff" sagot ni Cindy

"Sorry. Pero busy ako ngayon. Magogrocery pa ako"

"Kahit one hour lang?? Gusto lang kita makausap" pekeng ngiti niya kay Jeff.

"Sige. Doon tayo sa dining ng hotel"

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon