Kinabukasan. Araw ng Lunes. Pumasok si Sky sa una niyang klase sa araw na iyon.
Ito na ang pinakamasayang araw sa kanyang buhay dahil buhay ang kanyang ama na inakala niya na patay. Pinangako niya sa kanyang sarili na babawi siya sa ama sa mga taon ng pagkakawalay niya. Wala na siyang pakialam sa ginawa nina Stephen at ang kaibigan niya na si Sara nung Sabado.
Nang pagpasok niya sa silid ay nandoon na si Sara at nakaupo na. Kaagad naman nagtungo doon si Sky sa tabi ng kaibigan at umupo din.
"Hello friend" bati ni Sky sa kanya "Kamusta ka na? How's your Sunday?"
"Hmmm. Okay lang naman, friend. Masaya"
"Talaga? Ako din eh. Sobrang saya"
"Bakit naman? Ano ba ang nagpapasaya sa'yo ngayon?"
"Secret!!" ngiti ni Sky
"Ganon?? Ayaw mong sabihin sa akin?"
"Ikaw muna ang tatanungin ko, friend" balik ni Sky sa kaibigan "Ikaw ba? Ano ang nagpapasaya sa'yo?"
"Hmmm. Wala naman."
"Wehh?? Ayaw mo ding sabihin eh" dugtong ni Sky "Sige. Huhulaan ko na lang"
"Sige friend"
"Tungkol ba 'to sa paghalik mo nung Sabado kay Stephen?"
"Ha...??" nagulat si Sara sa tinanong sa kanya ni Sky "Anong halik, friend?"
"Huwag ka nang magkaila, Sara. Kitang-kita ko nung Sabado ang paghalik mo sa kanya" sabat ni Sky sa kaibigan
"Hindi ko yon sinasadya, friend. Sorry talaga"
"Hindi sinsadya??" ulit ni Sky "Nung maging kaibigan kita, yun ang hindi sinasadya. Sara naman, kitang-kita ko na hinalikan mo siya. Pwede ba? Magsabi ka ng totoo. May gusto ka ba kay Stephen?"
"Friend..."
"Ano...?? Sagutin mo ang tanong ko." napayuko na lamang si Sara at tumingin sa sahig. "Ano na? Pipi lang?"
Walang magawa si Sara sa kaibigan kundi aaminin niya na lang ang totoong nararamdaman niya sa binata "Sorry friend. Hindi ko sinabi sa'yo na may gusto ako sa kanya. Sorry. Mahal ko si Stephen. Mahal ko siya"
"Sana sinabi mo sa akin noon pa at hindi tinago para hindi ako nagmukhang tanga"
"Sorry talaga, friend. Hindi ko sinasadya na magkagusto ako sa kanya" pagmamakaawa niya sa kaibigan "Sana mapatawad mo ako"
"Okay lang sa akin yun, Sara"
"Talaga? Salamat talaga, friend. Bestfriend nga kita" sabay yakap ni Sara sa kanya
"Huwag mo akong hawakan. Hindi kita kaibigan. Wala akong kaibigan na inggitera at mang-aagaw" kuha ni Sky sa mga kamay ng kaibigan sa kanyang katawan "Kaya pala wala kaming pagkakataon na magkita ni Stephen kasi hinaharangan mo. Kasi nga, na-iinggit ka"
"Aray. Ang sakit naman"
"Bakit? Tamaan ka sa sinabi ko?? Oo!! Ayaw na kitang maging kaibigan!!" sabay tayo ni Sky sa kanyang upuan at lumabas ng silid-aralan.
Napatingin na lamang si Sara sa lumalabas na kaibigan. Parang nagi-guilty siya sa kanyang ginawa.
***
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...