Boys:
Cloud Timmy Fernandez
-Mapa-hiphop, folk o interpretative dance man ay hinding-hindi niya uurungan. Halos lahat ng klase ng sayaw ay kaya niyang bigyan ng sarili niyang interpretasyon. Madalas ay siya ang nangunguna tuwing may dance presentation ang kanilang klase. Kaya siya tinawag na "The Dancing Machine" ng kanilang section. Siya rin ang bestfriend ni Elinah at ang tagapagtanggol nito sa tuwing naaapi. Matalino rin ito at mahilig makipagkuwentuhan sa mga kaklase niya kahit na hindi niya masyadong ka-close. Ano nga ba ang dahilan kung bakit niya kino-close ang lahat ng kanyang mga kaklase? Mapatawad pa kaya siya ng mga ito kapag nalaman nila ang sikreto niya?Kiko Salviejo
-"The Class Nobody" kung tawagin ng lahat. 'Di ito palasalita kaya naman hindi siya napapansin ng karamihan. Pero siya ang naging dahilan upang sumikat ang kanilang section dahil sa pagsali niya sa isang game show sa telebisyon kung saan siya ang nanalo. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga kaklase niya kapag nalaman nila ang ginawa niya manalo lamang sa larong kanyang sinalihan?Girls:
Sabrina Puerto
-Isa sa mga pinaka-unique na estudyante ng kanilang section. Kilala siya bilang "The Class Weirdo" ng kanyang mga kaklase. Wala itong kaibigan at madalas ay mag-isa lamang ito habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Ito na rin ang araw-araw niyang routine kaya wala na ring pake sa kanya ang mga kaklase niya. Paano kapag nalaman ng mga kaklase niya ang dahilan kung bakit niya palaging kinakalikot ang kanyang cellphone?Mia Saune Romero
-"The Man Hater" ng klase. Siguro dahil NBSB ito at hindi pa nakakapasok sa isang relasyon. At isa rin marahil na dahilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Mabait naman ito kaya lang ay sinusumpong madalas ng kanyang 'hugot syndrome', ika nga ng kanyang mga kaklase. Pero ano ba talaga ang tunay na dahilan ng kanyang matinding galit sa kalalakihan?Loisa Jenna Micarubos
-Ang number one K.J. ng classroom. Sa tuwing magsasaya o magpa-party man ang klase dahil hindi um-attend ang isa nilang subject teacher, parating siya ang tagapagpanatili ng katahimikan at kaayusan ng klase. Kaya naman binansagan siyang "The Rule Maker". Madalas ay kasama niya si Jerron sa pagpapatahimik sa klase sa loob man o labas ng paaralan. Siya rin ng Top 10 ng kanilang classroom. Ngunit paano kung dahil sa isang tao, ay magulo nang bigla ang buhay na ginagalawan niya? Paano niya kaya ito iha-handle?
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...