"OH my gosh! 'Di ko in-expect 'to ah! Hindi ka late! Congratulations, bes! Mukhang ikaw pa yata ang unang-unang dumating sa'teng lahat ah!" Magalak na wika ni Chloe na maarteng naglalakad papunta sa kaibigan na si Thea. Nakaupo lamang ito sa bench na malapit na rin sa pinto. Nang marinig siya ng kaklase ay napatakip ito ng kamay sa bibig.
"Ow, so stupid... Bahay namin 'to, malamang hindi ako male-late!" Galit na sagot ni Thea sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Chloe nang maalala niya ito.
Maihahalintulad mo ang bahay nina Thea sa isang mansyon. Malawak ang espasyo sa labas nito at nakapalibot dito ang matataas ngunit puno ng disenyo na mga rehas. Sa harap din ng bahay ay may magagandang bulaklak at halaman ang nakatanim. Kaya't sa labas pa lang ay mahahalata mo agad na mayaman ang nakatira rito.
"Kumpleto na ba ang buong section?" Tanong ni Chloe.
"Tsk. Pumasok ka sa loob para malaman mo." Nakasimangot na sagot nito. Hindi na lumingon pa sa likod si Chloe at dire-diretso na siyang naglakad papunta sa malaking pintuan.
Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang malawak na salas. Doon nakaupo ang lahat ng kanyang mga kaklase na kakarating lang din. Nagkukuwentuhan ang mga ito at ang iba ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone. Lahat ng mga ito ay napatingin sa kanya at tila natuwa.
"Thirty-eight!" Masayang sigaw ng lahat. Binibilang pala ng mga ito ang bawat kaklase nila na papasok.
Nginitian niya na lamang ang mga ito at pasimpleng hinanap si Charlie. Nang malaman na wala ito ay agad siyang umupo sa pinakasulok ng isa sa mga sofa. Nang makaupo ay inilabas niya ang kanyang cellphone at nilaro ito.
Hindi kase siya sumasama sa iba niyang mga kaklase bukod kina Charlie at Thea. Mas pipiliin niyang magmaldita kasama ang mga ito kaysa makisama sa mga kaklase niyang kadalasan ay tinatawag nilang talunan.
***---***
"Forty-six!" Tuwang-tuwang sigaw ng lahat sa kararating lang na si Charlie. May dala-dala itong isang malaking bag na punung-puno ng pagkain. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Ilang saglit pa ay dali-daling lumapit sa kanya si Chloe.
"Mabuti na lang at may dala kang pagkain para sa lahat, kundi. Nako. Hihihi! Hi, bes!" Masayang wika ni Chloe saka niyakap ang matalik na kaibigan.
"What?! Do you think that I would spend all of my money to buy these foods just for you, guys?" Nakadikit ang kilay na wika ni Charlie. Panandaliang nanahimik ang lahat na tila nadismaya sa sinabi ng dalaga.
"Syempre naman! Wooh! Wooh!" Nagbibiro lang pala ito. Nagsasasayaw pa ito na parang isang baliw. Lahat ay nagsigawan at nagsipagtawanan.
"What are you guys waiting for? Those buses outside have been waiting there for two hours! Tara na, guys!" Punung-puno ng kagalakan na sigaw ni Quico. Nag-apir pa silang tatlo nina Cloud at Lawrence bago tuluyang magpaunahan palabas ng mansyon. Sumunod na rin sa kanila ang lahat dala-dala ang kani-kanilang mga kagamitan.
Umarkila si Thea ng isang air-conditioned na bus. Sakto lamang ito para sa buong klase. Mayroon pa ngang mga upuan na bakante dahil sa haba ng bus. Nagtabi-tabi ang mga magkakaibigan at naiwan naman ang mga loner ng klase.
Nang makapasok na ang lahat ay kinandado na ni Thea ang pintuan ng kanilang bahay at saka dumiretso sa loob ng bus. Napatahimik ang lahat at tiningnan siya ng mga ito.
"Kung akala niyong nakakalimutan ko na ang lahat, puwes, nagkakamali kayo..." Naglabas siya sa kanyang likuran ng isang kahon na kasinglaki ng kahon ng sapatos.
"Ilagay niyo rito ang lahat ng mga gadgets niyo at iiwanan natin ang lahat ng 'yan dito mismo sa bahay ko." Nakataas pa ang isa niyang kilay. May kinapa-kapa pa siya sa kanyang bulsa at nang ilabas ito ay bumungad sa lahat ang mamahalin niyang cellphone.
"Para maging fair sa lahat, isasama ko dito sa box na 'to ang cellphone ko." Pagpapaliwanag niya. Isa sa mga kaklase niya mula sa bandang likuran ang nagtaas ng kamay.
"E pa'no kung mawala 'yung phone ko diyan?" Taas noong tanong ni Edith. Nginitian naman niya ito saka nagsalita.
"E di babayaran ko. Gusto mo triplehin ko pa..." Sagot niya nang may malawak na ngiti sa mga labi. Tila napahiya ang dalaga kaya umupo na lamang ito.
"Sige na, ilagay niyo lahat ng gadgets niyo diyan. Pepektusan ko ang susuway." Maarteng wika ni Thea at saka binitiwan ang box sa unang row. Nagpasa-pasahan na lamang ang mga ito at nang makarating na dulo ay binigay na nila ito muli kay Thea.
Nang makuha niya ito ay dali-dali siyang bumaba ng bus at muling pumasok sa kanilang mansyon. Ilang segundo lang ang lumipas ay muli siyang lumabas at tuluyan na ngang kinandado ang pintuan.
"Tara na, guys!" Sigaw ni Chloe nang makitang papalapit na si Thea.
"I'm so excited!" Buong galak na wika ni Charlie.
"Let's go, kuya. Paandarin mo na 'tong low class mong bus." Utos ni Thea saka umupo sa kanyang upuan katabi sina Charlie at Chloe.
Masayang nagsigawan at nagkantahan ang lahat. Kung anu-anong paglalaro ang ginawa nila habang nasa biyahe. May mga naglalakad habang naandar nang mabilis ang bus at mayroon ding nagpapaka-emo.
Lahat ay nagpapakasaya at nilulubus-lubos na ang natitira nilang mga araw na magkakasama. Siguro nga'y nasanay na sila na sila ang magkakasama kaya't hindi na nawala ang bond kahit na magkakaiba sila ng mga ugali.
Killer's POV
Sige lang. Magpakasaya kayo hanggang kaya niyo pa. Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo at iisa-isahin ko kayong lahat. Mali kayo ng nasamahan na camp, death camp 'to, mga ugok! Ilabas niyo na ang lahat ng tuwa sa katawan niyo at nalalabi na lang ang mga oras niyo sa mundong ginagalawan niyo. Kung akala niyo hindi na kayo sakop ng paghihiganti ko, puwes nagkakamali kayo.
Mabuti na lang at mababa lang ang perang katapat ng driver na 'to. Kaunting suhol, pumapayag agad. Mga tao nga naman. Simple lang naman ang trabaho niya, e. Pagkahatid na pagkahatid niya sa amin ay aalis siya kasama ang motorsiklo roon na naghihintay sa kanya. Take note, wala 'yong preno. Syempre, malay mo, magsumbong si gag*. Hahaha!
Sino kayang uunahin ko sa mga 'to? Hmmm...
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...