Chapter Thirty-Three - Triple Kill

428 11 0
                                    

"BAKIT mo nagawa 'to, Kiko? Hindi ba't ikaw dapat ang pumoprotekta sa kanila? Nakalimutan mo na ba 'yon?" Kung anu-ano nang mga boses ang tila kumakausap kay Kiko na hindi naman niya makita. May mga tila usok na nagliliparan sa kanyang paligid na siya lamang ang nakapapansin. Sa sobrang takot niya ay sinubukan na niyang kumawala mula sa pagkakatali sa kanya ng mga kaklase niya.

Gusto na niyang makatakas sa mga iyon. Ngunit tila nakadikit na sa kanya ang mga ito dahil kahit saang puwesto siya tumingin ay naroon ang mga iyon.

"Wala akong ginawang masama! Ginawa ko lang kung ano ang tama!" Bulalas niya sa hangin na sinundan niya ng pagpupumiglas.

Agad na napalingon sa kanya sina Violet, Kirsley, at Teri. Nagtataka sila kung bakit tila may kausap ang binata kahit pa man walang taong malapit sa kanya.

"Nawala na siguro siya sa katinuan pagkatapos niyang gawin iyon kay Ryeline..." Wika ni Violet, ngunit mabilis din namang sumalungat sa kanya si Teri.

"Hindi siya nababaliw. Sa palagay ko ay nagbabaliw-baliwan lang siya dahil alam niyang pakakawalan natin siya at maaawa tayo sa kanya. Pero nagkamali siya ng akala..." Sagot ni Teri.

"So anong dapat nating gawin sa kanya?" Tanong ni Kirsley.

"Wala. Wala tayong gagawin sa kanya dahil hihintayin nating ang mga pulis na at ang hukuman ang magdesisyon para sa kanya." Sagot ni Teri.

***---***

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakabalik na sina Anya, Ian, Kit, at Lavander sa lugar kung saan nila nakitang natumba ang katawan ni Blaine na puno na ng lason. Pero sa pagdating nila roon, sa halip na makampante ay isang palaisipan ang bumagabag sa kanila.

"N-nasaan na si Blaine?" Tila kinilabutan ang lahat nang magsalita na si Lavander.

"Masyado tayong nakampante na wala na siya. Pero posible kayang..." Hindi matapos ni Ian ang kanyang sinasabi dahil ayaw niya munang pangunahan ang lahat.

Nabasag ang katahimikan sa paligid nang biglang sumulpot si Blaine mula sa likod ng isang puno. Dala-dala niya ang isang baril na agad niyang itinutok sa ulo ni Kit. Tila napako ang binata sa kanyang kinatatayuan kaya't hindi na niya nagawa pang makatakbo. Agad na kinalabit ni Blaine ang gatilyo ng baril, at sa isang kurap lamang ng mata ay wala nang buhay na bumagsak sa damuhan si Kit.

"Kittt!" Bulalas ni Lavander nang masulyapan niya ang katawan ng binata.

"Fuck! Tara naaa!" Sigaw ni Ian saka hinila ang braso ng dalaga. Agad niyang dinala si Lavander sa nagtataasang mga damo upang doon na rin makapagtago.

Nakatakbo na ang dalawa ngunit nanatili lamang si Anya sa kanyang kinatatayuan habang may marka ng pagkamangha sa kanyang mukha. Hindi sana siya babalik sa kanyang sarili kung hindi pa itinutok ng binata ang baril sa kanyang ulo.

"Blaine, ako ang nagdala sa kanila rito. N-nalaman ko kasi sa kanila na ikaw ang pumapatay, kaya balak ko sanang gantihan sila at patayin din. Pero mabuti na lang at buhay ka. Mahal pa rin kita, Blaine! Handa akong gawin ang lahat para sa 'yo!" Wika ni Anya habang nagbabalak na lapitan ang binata.

"Huwag kang lalapit... M-mahal mo ako? At gagawin mo ang lahat ng gusto ko?" Sambit ni Blaine at lalo pa niyang itinutok sa dalaga ang baril.

"Oo, ganoon na nga!" Wika ni Anya.

"Kung ganoon, sige nga. Patunayan mo 'yang sinasabi mo. Patayin mo ang sarili mo!" Wika ni Blaine na sinundan din naman ng malakas na tawa. Hindi na nakapagsalita pa si Anya at tila napahiya lamang siya sa harap nito.

"Wala kang kuwenta! Minahal kita at ginawa ko ang lahat para sa 'yo, pero binalewala mo lang ang lahat ng 'yon! Mamatay ka naaa!" Nagsimula nang tumakbo si Anya papalapit sa binata ngunit naging alisto si Blaine. Kinalabit niya ang gatilyo ng baril bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanya at agad itong dumiretso sa isang mata ng dalaga.

"Walang forever, tanga!" At sinundan na rin ito ng malakas niyang pagtawa. Tila wala lamang nangyari at dire-diretso siyang naglakad papunta sa daang tinahak nina Lavander at Ian.

"Galingan niyo na sa pagtatago, dahil kapag nakita ko kayo... Boom! Pasasabugin ko ang mga ulo ninyo! Wahahaha!" Wika niya at saka muling kinalabik ang gatilyo ng baril na nakatutok sa itaas.

***---***

"Anya? Anya? Sorry kung may nasabi man ang isa sa amin. Huwag namang ganito, oh!" Wika ni Ashley.

"Ano ba kasing sinabi niyo roon kay Koreana Sanchez? Gaga talaga kayo. Kapag may nangyari sa kanya, konsensiya ninyo na 'yun." Sambit naman ni Elinah.

"Hey, hey, hey! Wow, ha! Hindi ba't kayo ang hindi kumakausap sa kanya? Siguro na-out of place 'yun kaya umalis!" Depensa naman ni Lawrence.

"Tama, tama!" Dagdag pa ni Alexandre.

"Alam niyo, hanapin na lang natin siya. Madilim na, siguradong takot na takot na 'yun!" Wika ni Ashley.

"Palipasin na lang muna kaya natin ang gabi? Mahihirapan tayong maghanap kung ganito kadilim ang paligid!" Suwestiyon ni Alexandre.

"Tama si Alex, huwag nating hanapin ang ayaw magpahanap. Kasi masasaktan lang tayo. Ay, este mahihirapan." Pagsang-ayon ni Elinah.

***---***

"Maycee!" Sigaw ni Pink nang masilayan niya ang kalunus-lunos na hitsura ng dalaga. Napatakip siya ng kanyang bibig at agad na tumulo ang luha sa dalawa niyang mata.

"T-tulungan mo ako..." Wika ni Maycee. Nakatusok ang dalawang mahahabang bakal sa kanyang mga mata kaya naman tila umiiyak ito ng dugo. Nakaluhod ito sa lupa at may hinahanap.

"A-anong nangyari sa 'yo?" Hindi pa rin magawang tingnan ni Pink ang dalaga ngunit nilalapitan na niya ito.

"May natapakan akong tali... Pink, tulungan mo ako..." Hindi man niya ito nakikita ngunit alam niyang umiiyak ito sa sobrang takot.

"A-anong g-gagawin ko?" Sambit niya, habang umiiwas pa rin ng tingin sa dalaga. Kahit kasi gabi na ay kitang-kita pa rin ang kahindik-hindik na nangyari sa mga mata ng dalaga dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan.

"Hanapin mo 'yung k-kutsilyo at iabot mo iyon sa 'kin!" Sabi ni Maycee habang kinakapa-kapa ang mga damong nasa harapan niya.

Hindi na kailangan pang maghanap ni Pink dahil ang kutsilyong tinutukoy ng kaklase niya ay nasa harapan lamang niya. Agad niya itong dinampot at dahan-dahan niyang inilapag sa harap ni Maycee.

"I-iyan na 'yung kutsilyo. Ano bang gagawin mo?" Tanong ni Pink.

"Tatapusin ko na ang sarili kong buhay!" Sigaw ni Maycee saka isinaksak sa kanyang dibdib ang nakuhang patalim. Siguro'y inisip nito na wala nang silbi pa na mabuhay siya kung hindi na rin naman niya makikita ang mundo.

"Huwaaag!" Pipigilan pa sana ni Pink ang dalaga ngunit huli na ang lahat. Unti-unting bumagsak sa lupa ang dalaga at doon na rin siya binawian ng buhay.

Author's Note:

Ayan na. Tapos na ang Chapter Thirty-Three! Anong masasabi ninyo ngayong patay na sina Kit, Anya, at Maycee sa loob lamang ng isang chapter? Hahaha! Labinlimang estudyante na lamang ang natitira. May matira pa kaya sa kanila? Hmmm. Sana matapos ko 'to bago matapos ang school year para sa bakasyon, may bago na akong story. Hahaha!

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon