Chapter Five - Separated

751 64 4
                                    

"GUYS. Gumising na kayo at narito na tayo." Masayang wika ni Charlie.

Nang magising na ang lahat ay saktong nakatigil na rin ang bus. Unang bumaba si Thea pati na rin ang mga kaibigan nito na sina Charlie at Chloe. Unti-unti na ring nagsunuran ang iba sa kanila at nang makababa na ang lahat ay dahan-dahan nang umalis ang driver ng bus patungo sa isang malapit na puno.

"Twitty... Ang ganda nung scenery. Sayang at bawal ang gadgets." Walang emosyon na sabi ni Tamara habang nililibot niya ang kanyang paningin sa paligid.

"Tara na at nang ma-enjoy pa natin 'to nang todo. Siguro ay isang oras pa bago tayo makarating sa campsite. Kaya simulan na natin ang mahaba-habang paglalakad." Wika ni Thea.

***---***

Pawis na pawis na nagmamaneho ng motorsiklo si Mang Jun. Balisa ito at tila wala sa sarili. Nakokonsensya siya sa nagawa niya, ngunit dahil kailangan ito ng kanyang pamilya ay dapat siyang kumapit sa patalim.

Alam niya ang plano ni Thea, ngunit nagbulag-bulagan siya rito. Dahil ayaw niyang mamatay ang kanyang asawang nasa ospital pa hanggang ngayon.

Inisip niya na lamang na makabubuti ang ginawa niyang ito sa kanyang pamilya. At nang maalala niya ito ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa upang tawagan ang kanyang asawa. Habang nakatingin sa kanyang bulsa ay hindi na niya napansin ang papalapit nang truck sa kanyang direksyon at sa lakas ng pagsalpok nito ay tumilapon siya sa bangin at doon na binawian ng buhay.

***---***

"At upang maging mas exciting pa ang ating camp, nag-ready ako ng listahan ng lahat ng mga estudyante sa section natin at isa-isa ko itong bubunutin hanggang sa makabuo tayo ng limang grupo." Galak na galak na wika ni Thea. Nakaupo sila nang paikot sa mga nakahigang katawan ng puno. Sa gitna nila ay nakahanda na ang mga magkakasamang sanga ng puno.

Naglakad papunta sa gitna sina Thea, Charlie at Chloe habang hawak ang isang fish bowl na may mga iba't-ibang kulay na papel na nakatupi sa loob. Dito marahil nakasulat ang mga pangalan nila.

Ipinasok ni Thea ang kanyang isa kamay sa loob at saka ito hinalu-halo. Maya-maya pa'y iniangat na niya ang kanyang kamay habang hawak ang papel mula sa loob nito. Marahan niya itong binuklat at saka binanggit ang nakasulat dito.

"Trent David Quintos..." Mahinhin niyang wika habang hinahanap ang kinauupuan nito. Nginitian siya nito at saka muling nagsalita.

"You belong to the first group." Masaya niyang wika. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakumpleto na ang lahat ng mga grupo.

Groupings:

Group 1
Trent
Sabrina
Laidge
Ashley
Chloe
Quico
Ian
Zoey
Edith
Shiela

Group 2
Emmanuel
Garrie
Blaine
Celine
Anya
Lawrence
Cloud
Red
Lavander

Group 3
Sky
Thea
Blue
Hero
Kirsley
Luke
Elinah
Andrea
Charlie

Group 4
Ryeline
Kit
Kiko
Mia
Alexandre
Eunice
Nikko
Yuan
Pink

Group 5
Maycee
Violet
Nina
Teri
Jerron
Trevor
Carson
Tamara
Jenna

"Since magla-lunch na rin naman, tayong lahat kakain dito as a group. Wala munang kinalaman 'yung groupings. And after one hour, magsisimula na tayo sa mga challenges! Magiging masaya 'to!" Wikang muli ni Thea.

Inihanda na nila ang pagkain nila at nagsimula nang magsaya. Nabusog ang lahat at saka nagkaroon muna ng mga tawanan at kuwentuhan.

"So, Celine, ibig sabihin, marami ka pang talento na itinatago?" Namamanghang wika ni Garrie. Napangiti nang malaki si Celine saka sumagot.

"Oo naman. In fact, may talento ako na ako lang ang nakakaalam at nakakagawa..." Misteryoso niyang sabi. Nagkatinginan ang lahat dahil hindi nila nakuha ang nais iparating ng dalaga.

"O, ikaw naman, Emmanuel. Anong io-open mo? May itinatago ka ba? O kaya naman ay lihim na hindi pwedeng mabunyag? Share mo naman!" Pangungulit ni Anya.

"Syempre, meron... Lahat naman tayo, may sikreto na itinatago. Nasa atin na lang kung paano natin ito itatago para walang makaalam." Walang gana niyang sabi.

"Malamang, meron ka talagang mga sikreto. Sa katagang ibinigay pa lang sa'yo ng nakararami na "The Rule Breaker" ay halatang-halata na ang pagiging bad boy mo. So, ano nga 'yung sikreto mo na 'yon?" Pang-uusisa pa ni Red. Tiningnan siya nang matalim ng binata saka ngumiti.

"Gusto mo talagang malaman?" Nagpapabiting sabi ni Emmanuel.

"Oo!" Sabay-sabay nilang sigaw kahit na si Red lamang ang kausap nito.

"Sigurado kayooo?" Ulit pa niya na tila natatawa na.

"Buwisit ka." Tila naiinis na si Red. Nagtawanan ang lahat ng miyembro ng ikalawang grupo at saka hinayaang maubos ang isang oras nilang free time.

***---***

"Hello? Classmates! Inaanyayahan ang lahat na pumunta sa harap ng bonfire at maupo rito. Pag-uusapan po nating lahat ang tungkol sa challenges. Maraming salamat!" Mahinhing wika ni Chloe habang nakahawak sa mikropono na nakakonekta sa isang amplifier.

Agad na nagpunta ang lahat at pumalibot sa bonfire. Nakahiwalay ang bawat isa base sa kanilang grupo. Pumunta sa gitna sina Thea, Chloe at Charlie. Tahimik lamang ang lahat at nagagalak na nakinig.

"The game focuses on how each one of us will struggle and survive. Different kinds of life bags, water, snacks, medicines and tools are scattered all over the forest. Beware traps and snares, some of them will affect your scores, and some of them can harm you, literally. So better be careful and we hope that the best group wins!" Sabi ni Thea, saka naglakad papunta sa grupo niya.

"Hindi ba unfair 'yun na kayo ang nag-facilitate ng lahat, ibig sabihin e alam niyo kung saan nakatago ang lahat ng 'yon?" Tanong ni Edith.

"Gag* ka ba? E 'di nawala na 'yung thrill ng laro. Syempre nag-assign ako sa mga katulong namin at sila ang nagtago ng lahat ng 'yon. Mamatay man ako, wala akong clue sa mga pinaglalagyan ng lahat ng 'yon, at kung ayaw niyo mang maniwala, nasa sa inyo na 'yon." Naiinis na si Thea kaya inirapan niya si Edith.

"Ano pang hinihintay natin? Magsimula na tayo habang mahaba pa ang oras natin." Utos ni Ian sa kanyang grupo at inako na niya ang pagiging leader ng kanilang grupo. Sinunod siya ng mga ito at humiwalay na sa nakararami. At nang makita sila ng ibang grupo ay nagkanya-kanya na rin sila ng lakad at nagtulung-tulong sa paghahanap ng magagamit nila sa buong linggo.

Killer's POV

Kung hindi ba naman kayo mga tanga. Talagang nag-spread out pa kayo ah. Gustung-gusto niyo na napapadali ang trabaho ko. Maghanda na kayo at magsisimula na ako. Saan kaya ako magsisimula? Sa grupo ko, o sa ibang group?
Tama! Sa ibang group na lang. Para habang nag-eenjoy kami, sila, nagtatakbuhan na. Mukhang magugustuhan ko ang mga susunod na mangyayare ah. Hahahaha!

Author's Note:

So, thank you at hanggang dito ay nagbabasa ka pa rin! Okay lang ba na sobrang ikli ng chapters? Hahaha!

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon