Chapter Twenty - One Step Closer

446 18 0
                                    

"AYAW gumana ng brake!" Nagpanting ang tainga ng lahat ng nakasakay sa bus nang marinig nila ang bulalas na iyon ni Red.

"That's not funny, Mr. Hullswag..." Wika ni Shiela, ngunit nang tingnan niya ang binata ay napansin niya kaagad ang pamumutla ng mukha nito. Nakuha rin ng atensyon niya ang bangin na nasa harapan na nila. Wala nang iba pang nagawa ang lahat kundi ang kumapit sa mga maaari pa nilang mahawakan at magdasal.

"Aaahhh!" Tuluyan nang sinakop ng katatakutan ang buong paligid. Nangibabaw ang sigawan ng pitong estudyanteng nakasakay sa bus. Marahas na binangga ng bus ang guard rail na tila niluma na ng panahon at madali lamang na nayupi nang madaanan ng sasakyan.

Ilang beses ding nagpagulong-gulong ang bus pababa ng bangin at tumigil na lamang ito nang bumangga ito sa isang malaking puno. Nagkabasag-basag ang lahat ng mga salamin ng sasakyan. Nagkadurug-durog din ang iba't ibang bahagi ng bus. Tila isang malaking aksidente ang naganap. Ngunit kung iisiping mabuti, aksidente nga ba talaga ang nangyari?

***---***

Naglalakad na sina Garrie, Blaine at Lawrence nang makasalubong nila sina Ian, Lavander at Ashley. Halata sa mukha ng tatlong binata ang pag-aalala. M
arahil ay narinig din nila ang paghingi ng tulong ng kasama kaya naman napunta rin sila rito.

"Oh?! Narinig niyo rin ba 'yung sigaw ni Zoey?! Nahanap niyo ba siya?!" Tanong ni Blaine na hinihingal pa. Hindi agad nakasagot ang tatlo kaya naman nagtanong na rin si Garrie.

"Uy! Sumagot naman kayo, huwag niyo kaming pag-alalahin! Bakit nga pala tayo pa lang ang nakarating dito? Sina Laidge? Nasa'n na sila? Iniwan na ba nila tayo?" Sunud-sunod na tanong ni Garrie. Halos magmukha na silang katawa-tawa dahil sa hindi pagsagot sa kanila ng kanilang mga kagrupo.

"U-umalis na sila... Iniwan na nila tayo. Ayaw sanang sumama ni Zoey, pero, pinuwersa siya nina Red..." Mahinang sagot ni Lavander.

"Shit! Tama ang hinala ko, may pinaplano nga ang mga demonyong 'yon!" Gigil na sigaw ni Lawrence. Naglakad siya nang kaunti at nang makakita ng maliit na bato sa lupa ay agad niya itong sinipa papalayo.

"'Yon na lang ang pag-asa natin para makaalis sa lugar na 'to, pero naging makasarili na naman sila! Mamatay na sana sila! Buwisit!" Sigaw muli ni Lawrence.

"Tama na 'yan, pre! Makakaalis din tayo sa lugar na 'to." Sinubukang lapitan ni Garrie si Lawrence upang pakalmahin ito ngunit nagmatigas ang binata.

"Hindi, pre! Sa haba ng kalsada 'to, sa tingin mo, malalakad natin 'to? Mas pipiliin ko pang mamatay na naghihintay dito kaysa tahakin 'tong kalsada 'to! Sigurado namang mamamatay din tayong lahat e!" Sigaw ni Lawrence na nilamon na ng kanyang galit.

"'Wag ka ngang magsabi ng ganyan! Habang magkakasama tay—" Hindi na natapos pa ni Ashley ang kanyang sinasabi dahil sa isang ingay na bumulabog sa parteng iyon ng kagubatan.

"Aaahhh!" May ilan pang mga ibon na nagliparan papalayo nang umalingawngaw sa buong kagubatan ang sigaw na iyon.

"Shit, sino na naman 'yon?!" Magkahalong pagkairita at takot ang nararamdaman ngayon ni Lawrence. Hindi na siya sinagot pa ng mga kasama at awtomatiko na silang napatakbo papunta sa direksyon na pinagmulan ng ingay.

***---***

"Hello? May tao ba rito?" Malakas na sigaw ni Carson. Nasa likuran niya ang iba pa niyang kasama na naghihintay din ng sagot mula sa kung sinumang nasa loob ng kamalig.

Nagsisimula nang sumikat ang araw ngunit ni isa sa kanila ay hindi nakararamdam ng antok. Lahat ay apektado pa rin ng mga nasaksihan nilang madugong pangyayari ilang oras lamang ang nakararaan.

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon