Chapter Three - Death Has Come

864 58 6
                                    

"ANG susunod na pitong araw ninyo ang magiging pinakamasasayang araw ng mga buhay niyo!" Masayang wika ni Thea pagkapasok niya sa kanilang classroom. Agad na nagsigawan ang mga magkakaklase nang marinig ito. Kakapasok pa lamang ni Thea at ito na agad ang ibinungad niya sa kanyang mga kaklase.

Naihanda na kase niya ang lahat ng mga gagamitin at dadalhin nila para sa pinakahihintay nilang camping. Ito na rin kumbaga ang magsisilbing huling party nila bago pa sila tuluyang magkahiwa-hiwalay.

"Shems, I'm so excited!" Natutuwang sabi ni Pink habang kausap ang kanyang kakambal na si Blue.

"Ako rin, Ate Pink! Buti na lang at pinayagan tayo! Ang saya-saya ko!" Mahinang tugon ni Blue.

"Alam mo ba kung ano pang mas masaya dito?" Tanong nito sa kanya.

"Ano?"

"Lahat ng mga kaklase natin, sasama. Kaya siguradong unforgettable 'to!" Masaya niyang sagot. Nagyakap silang dalawa at pagkatapos ay nagdikitan ang kanilang mga mukha. Sila ang pinakaperpektong magkapatid na makikita mo. Hindi sila nag-aaway at iniintindi nila ang kamalian ng isa't-isa.

Sa isang sulok naman ng classroom ay nag-uusap naman ang mga magkakaibigan na sina Lawrence, Quico at Cloud.

"Pare, isn't it weird? I feel like this already happened before. But what I remember is, hindi natuloy 'yung dati." Sabi ni Lawrence habang pinaiikot ang isang libro gamit ang kanyang mga daliri. Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan saka nagtawanan.

"Oo nga, pare. This already happened before, last year 'yun 'di ba? Pero hindi natuloy dahil puno ng talkshit ang section natin." Sabi ni Quico sabay apir kay Cloud.

"Ang tanong, aattend ba talaga kayo? Kase ako, sure ako. Huling mga araw na natin 'tong magkakasama, kaya dapat, i-enjoy na natin." Paliwanag ni Cloud.

"Syempre naman, aprub na aprub na 'to ng ermats ko!" Ani Lawrence.

"Kahit 'di naman ako magpaalam kina mommy, allowed naman ako. Basta wala akong gagawin na masama." Sabi ni Quico.

"Wow! Ikaw? Walang gagawing masama?" Biro ni Cloud. Sinuntok siya nang mahina ni Quico sa kanyang braso saka muling nagtawanan.

Maarteng naglakad papunta sa harapan ang grupo nina Thea. Nakataas ang mga kilay ng mga ito at mukhang mayroon silang sasabihin. Lumapit si Thea papunta sa chalk box at kumuha ng maliit na piraso nito.

"Today is Friday and next week ay wala na tayong pasok, kaya ang plano naming magagandang babae dito sa harap ay ang magkaroon tayo ng isang week-long camp. Huwag kayo mag-alala, ako na mismo ang nagpaalam sa mga choosy at maaarteng ninyong magulang na payagan kayo sa camp na 'to. Wala na kayong dahilan pa para hindi sumama. Kaya bukas, eksaktong seven ng umaga ay magkikita-kita tayo sa harap ng bahay namin. Diyan sa may Rochinston Village, siguro naman alam niyo 'yon? Nag-aabang 'don ang isang malaking air-conditioned na bus na ang mga magulang ko na rin mismo ang nagbayad. Walang mahuhuli. Ayoko sa makupad! Subukan niyong magpahuli at malalaman niyo ang gantimpala na nag-aabang sa inyo. And one last thing, ang mahuhuli naming magdala ng gadgets ay may special surprise. Ayoko ng bobo, ha. Gubat ang pagka-camping-an natin at hindi city kaya useless 'yan. Hmp!" Pagkasabi niya nito ay lumapit na sa kanya ang dalawa pang kaibigan.

"May mga tanong pa ba kayo?" Maarteng sabi ni Charlie.

"Wala na!"

"Gets na namin!"

"Klaro na po!"

Muli silang nagtinginan at saka ngumiti. Pagkatapos nito ay lumabas na silang tatlo at iniwan na ang buong klase na nagkukuwentuhan.

***---***

Aligaga si Ian sa paglalagay ng mga gamit niya sa locker nang bigla na lamang siyang gulatin ng dalagang si Lavander. Nakangiti ito habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang likuran.

"Oh, hello, Lavander! Anong meron? Hehe!" Tila nahihiya pa siyang kausapin ang dalaga at hindi makatingin sa mga mata nito.

"I just have something to give you." Mahina ang boses ni Lavander ngunit mararamdaman mo ang pagiging sincere nito kapag siya ay nakikipag-usap.

"Ha? Ano 'yun?" Napakunot na lamang ang kanyang noo at napakamot siya sa kanyang batok dahil wala siyang ideya sa sinasabi ng dalaga.

Ngumiti na lamang ito sa kanya saka inilahad mula sa kanyang likuran ang isang kuwintas. Kulay itim ang tali nito at may pendant na tila isang mamahaling bato.

"This was given to me by Ninong Clark, and ang bilin niya, ibigay ko raw 'to sa lalaking handa akong protektahan at iligtas. And for me, ikaw 'yun, Ian." Paliwanag niya.

Wala nang iba pang nagawa si Ian kundi ang kunin ito mula sa dalaga. Nginitian niya ito saka muling tumalikod upang isara ang kanyang locker.

"Wait, gusto kong isuot mo na siya ngayon. Ako na ang magsusuot sa 'yo." Wika ni Lavander saka binawi mula sa binata ang kuwintas at isinuot sa ulo ng binata nang marahan.

"Ayan, perfect! Lalo kang nagmukhang hot!" Sambit ni Lavander habang pumapalakpak pa. Nahiya naman si Ian kaya't umiwas na lamang siya ng tingin sa dalaga.

"Salamat, Lavander. Pero mauuna na ako, ha? May tatapusin pa kasi akong lecture e." Paalam niya.

"You're welcome! See you na lang ulit sa classroom!" Wika ni Lavander habang kumakaway sa binatang nagsimula nang maglakad papalayo sa kanya.

***---***

"Bilisan niyo at para makauwi na tayo." Sigaw ni Zoey sa mga kaibigan. Sila kase ang naatasan ng kanilang guro upang maglinis ng classroom.

"Wait lang baka pagalitan tayo kapag nakita nila na magulo 'tong classroom. Aayusin ko lang 'tong mga upuan." Sabi naman ni Andrea. Habang nag-aayos ay isang maliit na piraso ng papel ang dinampot niya at nang akmang itatapon na niya ito ay nasagi ng kanyang paningin ang mga salitang nakasulat dito.

"Mortuus est." Napakunot na lamang siya ng noo at saka ito tuluyang binitawan papunta sa basurahan.

"Tara na mga bes, umuwi na tayo." Maarteng sabi ni Elinah habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Oo na, 'eto na nga 'di ba?" Naiiritang wika naman ni Andrea.

Pagka-lock ng pintuan ay isang lalaking nakatayo sa dulo ng hallway pala ang naghihintay. Hindi maaninag ang mukha nito dahil nakapatay na ang lahat ng ilaw. Dire-diretsong naglakad paalis ang tatlong dalaga nang hindi napapansin ang lalaki sa kanilang likuran.

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon