Chapter Twenty-Five - Connect The Dots

405 13 0
                                    

"AKO po!" Walang pag-aalinlangang sigaw ni Charlie habang itinataas ang kanyang kanang kamay.

"Charlie, sigurado ka ba?" Wika ni Hero. Saglit na napatahimik ang lahat. Pati ang dalawang lalaki ay nakinig lamang sa diskusyon nila.

"Oo, kapag nakarating na kami roon, magpapadala kami ng mga pulis para balikan kayo rito. Magiging okay din ang lahat, huwag ka nang mag-alala." Pangungumbinsi ng dalaga.

"Sige, sasama na rin ako..." Saad ni Hero na hindi na rin tinutulan pa ng iba. Agad din silang sumakay sa likod na bahagi ng sasakyan. Sumunod ang dalawang lalaki na nagpaalam pa sa kanila bago tuluyang sumakay sa kotse.

"Kiko, Kirs, Luke... Please, protektahan niyo silang lahat..." Nagbigay pa ng huling habilin si Hero bago pa man tuluyang umandar ang sasakyan.

"Pangako, poprotektahan namin silang lahat sa abot ng aming makakaya." Sagot ni Kirsley na sinanang-ayunan naman ng dalawa pang binata.

"Hangga't maaari, sana wala nang mangyari hindi maganda." Pahabol pa ni Hero. Hindi na sumagot pa ang mga naiwang estudyante at nagpaalam na ang mga ito sa kanila.

Maya-maya pa ay pinaandar na ng lalaki ang sasakyan at pinatakbo ito nang may kabilisan.

"Mabuti na lang at matatapos na rin ang lahat ng ito." Nakahinga na nang maluwang si Mia. Umakbay pa siya sa katabi niyang si Teri at bahagyang napangiti.

"Oo nga pala, Rye. Sino nga pala ang killer? Hindi ba't sabi mo kanina, alam mo na kung sino siya?" Tanong ni Blue.

"Ayoko nang magsalita muna. Mamaya na lang, kapag nailigtas na tayong lahat." Matipid niyang sagot habang nakaguhit ang isang malawak na ngiti sa kanyang labi.

Pasimple siyang tumingin kay Kiko na nakatitig din naman sa kanya. Napakunot ang noo nito pero ilang saglit pa ay umiwas lang din ng tingin.

***---***

"Sina Elinah, nakabalik na sila!" Masayang sigaw ni Kit habang itinuturo ang mga paparating nilang kaklase. Dala-dala ng mga ito ang mga pagkaing nahanap nila.

Hindi mawari ang kasiyahan sa mga mukha nila. Tila nakalimutan na nilang lahat ang mga nangyari nang masilayan nila ang mga prutas na bitbit ng mga ito.

"Ayaw ko sa saging pero ngayon, magpapaka-unggoy muna ako! Hehehe!" Biro ni Garrie habang pinagkikiskis ang dalawa niyang palad na animo'y takam na takam sa pagkain.

"Guys, we did our best, pero 'yan lang ang kinaya ng powers namin e." Nahihiyang bungad ni Lawrence.

Nanghihina silang napasandal sa mga puno. Nagtipun-tipon silang labing-isa sa ilalim ng matataas na puno upang maprotektahan sila sa sinag ng araw. Ang iba'y nakatayo lamang at ang iba nama'y nakaupo na sa lupa.

"Tipirin natin 'tong pagkain na meron tayo. Mukhang matatagalan bago tayo muling makakakain. Siguro mag-saging na muna tayo. Tigdadalawang saging tayo dahil sakto naman sa atin 'to. 'Yung mangga, mamayang gabi na lang." Suhestiyon ni Ian. Hindi na umangal pa ang mga kasama niya at ipinamahagi na ni Kit ang mga saging.

"Keribels na 'to, kaysa wala!" Ubod ng lakas na sigaw ni Garrie bago niya kagatin ang saging na hawak niya.

Habang patuloy sa pagkain ang iba, lumipat naman ng upuan si Lavander sa tabi ni Ian upang kausapin ito nang palihim.

"Sa tingin mo, siya kaya talaga ang killer?" Pasimpleng bulong ni Lavander habang nakatakip ang kanyang bibig. Tiningnan siya ng binata nang dahan-dahan.

"Oo, hangga't walang ibang umaastang parang killer, pangalan niya pa rin ang number one sa list ko." Bulong ni Ian.

"Pero paano naman 'yung pagkawala ni Cloud? Paano kung siya pala talaga ang killer at ginawa niya lang 'yung code para malito niya tayo?" Pagkontra ni Lavander na nagdulot ng pag-iisip muli ni Ian.

"Siguro nga si Cloud ang killer, pero pwede rin namang hindi. Marami na sa atin ang pinatay ng killer, pwedeng itinago niya si Cloud para sa kanya mapunta ang lahat ng sisi at hindi natin mamalayan na gumagawa na siya ng paraan para mapatay niya tayo isa-isa..." Pangangatwiran ni Ian na kunwari'y umubo-ubo pa.

"Sige na, babalik na ulit ako. Baka may makahalata pa sa atin." Tuluyan nang nagpaalam si Lavander at bumalik na siyang muli sa kanyang kinauupuan.

Sa tapat naman ni Ian, nakaupo sina Elinah at Eunice. Nag-uusap din ang mga ito habang kumakain.

"Elinah, naaalala mo ba noong nakita natin 'yung papel na may tanong kung saan ang sagot ay eighty-seven?" Diretsong sabi ni Eunice sa dalaga habang nakatitig sa mga mata nito.

"Oo, bakit? Nandito sa akin 'yung papel na 'yun." Sagot ni Elinah.

"Noong binasag ni Lawrence 'yung salamin kanina, kinuha ko 'yung lock. Gusto ko kasing alamin kung ano ang password nito. Kaya kanina ko pa siya hinuhulaan. Pero nagulat ako dahil ang dalawang numerong makapagbubukas sa lock na iyon ay eight at seven... Eighty-seven."

"What the heck? Ibig sabihin, may mga connections ang mga bagay-bagay na nakukuha natin dito sa gubat na 'to? Ang creepy ng killer na 'yun, ha!" Sagot ni Elinah habang patuloy na kumakain.

"Masuwerte rin tayo dahil nabasag natin 'yung salamin na 'yon. Nangangamba ako dahil baka may mga patibong pa tayong ma-encounter sa gubat na 'to at dumating sa point na hindi na tayo makatulong sa pagligtas." Lalong naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Napangiti na lamang si Elinah, pagkatapos ay lumapit pa siya sa dalaga at tinapik-tapik ang balikat nito.

"Ano ka ba, huwag mo ngang isipin 'yan! Wala nang susunod pa! Makakaalis tayong lahat dito nang buhay at makukulong ang taong may gawa ng lahat ng ito. Iyon ang ending, tapos!" Positibong sabi ni Elinah. Huminga nang malalim si Eunice bago tuluyang naglaho ang lungkot at pangamba sa kanyang mukha at napalitan ng isang malawak na ngiti.

"Magpakasaya kayo ngayon! Mamaya, kapag busog na ako, ipagpapatuloy ko lahat! Humanda kayo dahil wala akong ititira sa inyong mga hayop kayo!" Tila mayroong taong nagsasalita sa isipan ng binatang nakaupo at nakasandal sa isang puno habang kumakain. Nakatago ang poot sa mga ngiting mapanlinlang na nakaguhit sa kanyang mga labi. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaklase niyang nagsasaya habang kumakain. Maya-maya ay napag-isipan niyang tumayo na at magpaalam munang saglit.

"Wait lang, guys ha! Naiihi na kasi ako e." Paalam niya bago siya tuluyang humiwalay sa grupo nila.

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon