IMINULAT kaagad ni Cloud ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang magkadikit ang mga kamay at paa niya. Alam niyang nakatali siya dahil naramdaman niya na rin ito dati.
Muling nagbalik sa kanyang isipan ang mga ala-ala mula sa kanyang nakaraan na pilit na niyang kinalimutan. Mga ala-ala na binaon na niya sa limot.
***---***
"M-mommy... D-daddy... T-tama na po... Magpapakabait na po ako..." Siyam na taon lamang noon si Cloud nang itali siya ng kanyang ama at ikinulong sa loob ng isang madilim na cabinet. Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mata at walang tigil sa pagsigaw ngunit hindi ito pinansin ng kanyang ama't ina.
"Dapat lang 'yan sa'yo! Matigas ang ulo mong bata ka!" Ubod ng lakas na sigaw ng kanyang ama. Hindi magawang mabuksan ni Cloud ang pintuan ng cabinet dahil ni-lock ito mula sa labas ng kanyang ama. Nasa likuran naman ng kanyang ama ang ina niyang nanonood lamang habang tahimik na umiiyak.
"Hindi ka lalabas diyan sa cabinet na 'yan hangga't hindi ka tumitigil sa kakaiyak mo!" Dagdag pa ng kanyang ama habang nakaupo sa kaliwang bahagi ng kama.
"W-wala naman po akong ginagawang masama, e..." Pinilit na sanayin ni Cloud ang kanyang mata sa dilim. Dati pa lamang ay takot na takot na siya sa mga lugar na madidilim o kaya naman ay masikip, kaya ganoon na lamang ang pag-iyak niya nang gawin ito sa kanya ng mga magulang.
"Sa tingin mo, hindi masama ang pagiging lampa?! Sinuntok ka ng kaklase mo sa mukha, pero nanatili ka lang na nakatungo?! Hindi ka nga isang Fernandez..." Wika ng ama niya na hindi mapakali sa sobrang galit. Isa sa mga pinakaayaw ng kanyang ama ang mga taong mahina, mga hindi marunong lumaban. At sa kasamaang palad, isa siya sa mga taong iyon. Mas pipiliin niyang manahimik kaysa lalo pang palakihin ang gulo.
"Mommy, t-tulungan mo po ako..." Muli na naman nilang narinig ang nakakarinding iyak ng batang si Cloud. Dali-daling tumayo ang ama ni Cloud at kinuha ang susi ng cabinet para buksan ito. Bumungad sa kanya ang anak na may naghahalong pawis, luha at dugo sa katawan. Marahas niya itong hinila palabas.
"Ikaw bata ka! Napakahina mo! Walang puwang sa mundo ang mga taong kagaya mo! Tingnan mo ako mula ulo hanggang paa. Gusto ko, kapag lumaki ka, maging katulad mo ako! Mayaman, makapangyarihan at kayang magpapatay sa isang pitik lang ng kamay! Ito na ang huling beses na makikita kitang umiiyak, Cloud! Tandaan mo 'yan!" Marahas niyang hinawakan ang dalawang braso nito at inihagis papunta sa kama, dahilan para mapahiga ito.
Padabog na naglakad palabas ng kuwarto ang kanyang ama at naiwan naman ang ina niyang patuloy pa rin sa pag-iyak. Nang makita niyang nakaalis na ang asawa ay mabilis niyang tinanggal ang mga tali sa kamay at paa ng anak. Niyakap niya ito nang pagkahigpit-higpit at ganoon din naman ang ginawa nito sa kanya.
"Anak, sundin mo na lang ang sinasabi ng daddy mo para hindi ka na niya saktan pa..."
"Mommy, ayaw ko pong maging katulad niya. Ayaw ko pong pumatay ng tao..." Sagot niya sa kanyang ina.
"Basta, anak, sumunod ka na lang..." Pagkatapos nito ay hinalikan niya ito sa noo.
***---***
"Tulungan niyo akooo!" Ubod ng lakas na sigaw niya ngunit walang sumagot. Iginala niya ang kanyang mata sa paligid at napagtanto niyang nasa loob siya ng isang kamalig. Nakapalibot sa kanya ang iba't-ibang klase ng hayop.
Punung-puno ng dayami ang kanyang harapan. Pero lingid sa kaalaman niya ay may nakatago palang camera rito. Naka-record ang lahat magmula nang magising siya.
Sa harapan niya ay mayroon namang isang sibat na direktang nakatutok sa kanyang noo. Sa ilalim naman nito ay mayroong maliit na screen. Nagsimula siyang pagpawisan nang maisip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit iyon nasa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Gizem / GerilimSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...