Chapter Twenty-Two - See You In Hell, Bro

456 19 0
                                    

"HAYOP ka! Siguraduhin mo lang na mapapatay mo kami, dahil kung hindi, maghukay ka na dahil ako mismo ang papatay sa 'yo!" Galit na galit si Jerron at balak niya pang sugurin ang binata ngunit hindi naman niya magawa.

"Hmmm. Kung ganoon lang din naman..." Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Yuan at agad niyang pinaputok ang baril sa ulo ni Jerron. At dahil nga magkakarugtong ang mga tali nila ay napasandal sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng binata. Nagtalsikan din sa mga damit nila ang dugo nito, dahilan upang magpanik silang lahat.

"Jerrooon!" Agad na napaiyak si Jenna nang makita niya ang kinahinatnan ng lalaking naging bahagi na ng buhay niya.

Nagtititili siya ngunit wala na silang magawa pa. Bukod sa nakatali silang lahat ay may hawak ding baril si Yuan kaya't paniguradong wala silang laban dito.

"Ano bang ginawa namin sa 'yo, Yuan?! Naging mabuti naman kaming mga classmates sa iyo, ha!" Natatakot man ay pinilit pa rin ni Maycee na mailabas ang kanyang saloobin.

"Simple lang, ayoko ring mamatay. Kaya ko ginagawa 'to. Kung may pagkabobo man kayo, hindi ko na kasalanan 'yon. Ayoko nang mag-explain pa. Papatayin ko pa ang iba pa nating classmates." Sagot ni Yuan habang pinagmamasdan ang baril na hawak niya. Tila ineeksamin niya ang bawat disenyong nakaukit dito.

"By the way, gusto ko nga palang may isang mabaliw dito. Kaya..." Hindi na niya tinapos pa ang kanyang sinasabi at sunud-sunod na niyang pinaputok ang baril. Una niyang pinatamaan ang dibdib ni Trevor, sumunod ang ulo ni Jenna, at pinakahuli naman si Carson.

"Demonyo kaaa! Mamamatay ka ring hayop ka! Mapupunta ka sa impyerno!" Di na napigilan pa ni Maycee ang sikip sa kanyang dibdib, tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan sa pagtulo.

"See you next time, Maycee!" Nakangiting sabi ng binata at kumaway-kaway pa sa dalaga. Agad itong lumapit sa pinto at binuksan iyon.

Palabas na sana siya ng kamalig nang muling magsalita si Maycee. Napatigil siya at tila napako sa kanyang kinatatayuan.

"Pagsisisihan mo ang lahat ng ito..." Pagkatapos magsalita ng dalaga ay napangiti na lamang siya at agad na ring nilisan ang kamalig.

***---***

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang lumabas sa kanilang pinagtataguan sina Teri at Violet. Ngayon ay nasilayan na nila ang eksenang naganap habang nagtatago sila sa likod ng mga kamalig na iyon.

"B-bakit hindi niyo kami tinulungan?" Nauutal na wika ni Maycee na tila wala sa sarili. Nakatingin ito sa malayo habang tinutulungan siya ng mga kaklase na matanggal ang mga tali niya sa kamay at paa.

"Wala kaming magawa, Maycee. Sorry...." Nakayukong sagot ni Violet.

"Madali sa inyong sabihin iyan kasi hindi niyo nasaksihan ang mga nangyari..." Walang emosyong sabi ni Maycee. Tuluyan na siyang nakawala sa mga lubid at inalalayan na siyang makatayo nina Teri at Violet.

"Magpunas ka muna." Sambit ni Teri saka iniabot sa dalaga ang isang panyo. Nagkatinginan sila ni Maycee. Napansin niya na tila nag-aapoy na sa galit ang mga mata ng dalaga.

Kinuha na sa kanya ni Maycee ang panyo at agad niya iyong ipinunas sa kanyang mukha. Unti-unti nang nabura ang mga mantsa ng dugo sa kanyang mukha, ngunit hindi na niya binura ang lahat ng iyon.

"Tara na." Bulong ni Maycee na nauna nang naglakad. Nagkatinginan sina Violet at Teri at hindi na rin sila nakapagsalita pa. Mukhang sila ang sinisisi nito sa pagwala ng mga kagrupo nila.

***---***

"Mukhang sumasang-ayon na ang lahat sa plano ko..." Bulong ng isang lalaking nakatago sa likod ng mga halaman. Pinagmamasdan niya ang paglabas ng tatlo niyang kaklase mula sa kamalig.

"Sina Jenna at Jerron ay lihim na magkarelasyon. Itinago nila iyon sa lahat dahil alam nilang hindi sila papayagan ng mga magulang ni Jenna. Tsk! Ang arte-arte niyo. Halata naman ang paglalandian at ang mga titigan ninyo. Tanga na lang ang hindi nakapansin noon." Nakasimangot na sambit nito habang ineekisan ang mga mukha ng dalawa.

"Carson Lamitee Lacson. Itinago mo sa lahat na ang dahilan ng pagkamatay ng iyong mga magulang ay ang pagtakbo mo. Isang gabi, nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan, kaya lumayas ka. Pero sinundan ka nila ngunit sa kasamaang palad, nabangga ng isang kotse ang nanay mo, na nasaksikan din naman ng tatay mo, dahilan upang atakihin siya sa puso. Walang ibang nakaaalam ng istoryang iyon kundi kayong tatlo lamang. Ngayong alam ko na, apat na tayo. Haha!" Agad din niyang minarkahan ng ekis ang litrato ng binata at inilipat iyon sa sumunod na pahina.

"Ikaw naman, Trevor. Dahil hindi ka nakukuntento sa allowance mo ay binebenta mo ang mga litrato mo nang walang saplot sa isang website. Binabayaran ka ng mga taong binebentahan mo ng malaking pera para lamang sa mga iyon. Wow, Trevor. Send nudes? Hahaha!" Ubod ng lakas siyang napatawa dahil sa nabasa niyang iyon. Agad niyang inekisan ang mukha ng binata at ngumiti.

"Kaunti na lang ang natitira sa mga kaklase ko. Saglit na panahon na lang at matatapos na ang paghihiganti ko sa kanilang lahat..." Bulong niya sa kanyang sarili.

"Twenty-two down, twenty-three more to go..." Wika niya saka muling pinagmasdan ang tatlong kaklaseng babae na tuluyan nang nakalayo sa kamalig.

"Saan kaya papunta itong mga buwisit na 'to?" Hindi na niya iyon pinansin pa at agad na siyang tumalikod para lisanin ang puwestong iyon, pero napaatras siya nang bumungad sa kanya si Yuan.

"Siraulo ka talaga, ano? Ginugulat mo ba ako?" Galit na sigaw niya sa binata.

"H-hindi, boss. Gusto ko lang ibalita sa inyo na napatay ko na sina Trevor, Carson, Jenna, at Jerron." Wika ni Yuan na tila kinakabahan pa rin sa tuwing kaharap niya ang binatang nagligtas sa kanya.

"Alam ko. Ngayon, ang gusto ko namang gawin mo ay—" Hindi na niya tinapos ang kanyang sasabihin at mula sa kanyang likuran ay inilabas niya ang isang gunting. Agad niya iyong itinarak sa leeg ng binata bago pa man ito tuluyang makaiwas.

Pumulandit ang masaganang dugo mula sa leeg ni Yuan. Napaluhod siya hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Hanggang sa huling hininga nito ay nakatingin pa rin ito sa mga mata ng inakala niyang tagapagligtas niya.

"Oops! Sorry, Yuan. Hindi ko sinasadya. Hahaha!" Wika niya habang pinagmamasdang unti-unting pumikit ang mga mata ng binata.

"Tapos na ang misyon mo sa camping na ito. May you rest in peace. See you in hell, bro!"

Death Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon