"ANYA?!" Bulalas ni Elinah nang madatnan nila ang eksenang kinalalagyan ng kaklase. Kumilos kaagad ang iba pa niyang kasama at nagtulung-tulong upang maibaba ang dalaga.
"Anong nangyari sa iyo, Anya? Sabihin mo, sinong may gawa sa 'yo nito?!" Natatarantang tanong ni Kit habang inaalalayang maibaba ang kaklase.
"W-walang may gawa sa akin nito, n-nakatapak lang talaga ako ng trap. Sorry!" Nahihiyang sambit ni Anya habang nakayuko. Marahan niyang sinuklay ang kanyang mga buhok gamit ang mga daliri niya.
"Next time, mag-iingat ka na. Teka, bakit ka nga pala mag-isa? Nasa'n na 'yung mga groupmates mo?" Wika ni Alexandre. Tumango lamang si Anya bilang tugon sa binata.
"Nandito lang sila, pupuntahan ko sana si Zoey. Kasi narinig ko siyang sumigaw, kaso..." Paliwanag niya. Agad na nataranta ang mga kasama niya nang marinig ang kanyang sinabi.
"Bakit?! Anong nangyari kay Zoey?!" Hindi na sumagot pa si Anya at agad na siyang tumakbo. Naintindihan naman ito kaagad nina Elinah, kaya't sumunod na rin sila rito.
***---***
"Lavander!" Napasigaw si Anya nang muli niyang makita ang mga kasama niya sa grupo. Siguro'y napuno na ng kaba ang kanyang buong katawan noong siya'y napalambitin sa ere dahil sa pagkakamali niya. Ang buong akala niya kasi ay iyon na ang katapusan niya, ngunit isang malaking himala nang maabutan siya roon ng ilan sa mga kaklase niya.
Napayakap siya sa kagrupo at doon na siya napaluha. Napakunot na lamang ng noo si Lavander dahil sa inasal ng dalaga.
"Akala ko mamamatay na ako, mabuti na lang at nakita nila ako..." Kuwento ni Anya habang lumuluha sa balikat ng kagrupo.
"N-nasaan na si Zoey?" Nagtatakang tanong ni Anya at tuluyan na niyang pinakawalan mula sa mahigpit na pagkakayakap si Lavander.
Nagkatinginan silang anim nang itanong iyon ng dalaga. Hindi nila alam kung paanong paraan nila sasabihin na wala na ang mga kasama nila pati na rin ang tanging sasakyan na maaaring magdala sa kanila paalis sa lugar na iyon.
"Umalis na sila. Iniwan na nila tayo." Walang emosyon sagot ni Lawrence. Hindi na umimik pa ang ilan sa kanila dahil baka muling magalit ang binata.
"Teka lang, narinig niyo ba 'yung boses ng babaeng sumigaw, kani-kanina lang?" Pag-iiba ni Ian sa paksa.
"Ay, huwag na kayong mag-alala. Ako rin ang babaeng iyon. Nakatapak kasi ako ng trap, pero mabuti na lang at dumating sila." Nahihiyang sagot ni Anya habang nakatingin sa ibaba at nasa likuran niya ang dalawang kamay.
"Pero, paano nga tayo makaaalis sa lugar na 'to kung hindi tayo nakukumpleto at hindi natin nalalaman kung sino 'yung walang hiyang killer na 'yon?" Biglang napaisip ang lahat nang itanong iyon ni Garrie.
Palihim na nagkatinginan sina Ian at Lavander dahil sila lamang ang nakaaalam ng ibig sabihin ng code. Nais sana nilang harapin ang binata ngunit hindi nila alam ang pwedeng nitong gawin sa kanila, kaya't minabuti na lamang nilang mag-imbestiga muna upang masiguro kung siya nga talaga ang killer.
"Siguro kailangan muna nating makumpleto, kasi 'di ba? Mas marami, mas malakas!" Mungkahi ni Alexandre.
"No, no, no, no... No! Ilang beses nang nangyari 'yan sa movies! At lahat sila, namatay nang sama-sama! Mas maganda kung maglalakad na tayo palayo sa lugar na 'to!" Kontra ni Elinah, ngunit pati si Lawrence ay sumali na rin sa palitan nila ng opinyon.
"Mas lalo tayong mamamatay kung papagurin natin ang mga sarili natin sa paglalakad! At isa pa, wala tayo sa movies! Gamitin na lang natin ang mga natitira nating oras para magpahinga habang ang iba naman ay naghihintay para sa pagdating ng iba pa nating kaklase!" Napili na lamang manahimik ng iba dahil masyado nang mainit ang palitan nila ng mga pakiwari.
"Mas pabor ako sa sinabi ni Lawrence. Mas maganda kung magpapalitan tayo, may magbabantay at mayroon namang magpapahinga. Pagkatapos ng ilang oras, 'yung mga nagbantay naman ang magpapahinga at ang mga nagpahinga naman ang magbabantay. Sa ganoong paraan, mase-save natin ang energy natin at mababantayan pa natin ang isa't isa. Kung may gusto pa kayong idagdag, feel free to share your thoughts. Tirik na tirik na ang araw at pare-pareho na tayong gutom at mainit ang mga ulo." Napatahimik silang lahat nang magsalita na si Ian. Nagkatinginan silang tatlo at saka nag-sorry sa isa't isa.
Agad na nilang nilisan ang kalsada at muling bumalik sa kagubatan upang sumilong at doon na rin makapagpahinga. Habang naglalakad ay nagsalita naman si Eunice.
"Aalis lang kami ni Elinah para maghanap ng makakain natin. For sure, marami pa ring nakakalat dito sa gubat." Pabulong niyang sabi.
"Sasamahan na namin kayo." Sabi nina Blaine at Lawrence. Pagkatapos nilang magsalita ay humiwalay na rin sila kaagad sa grupo upang maghanap ng makakain.
***---***
"Kung hindi ba naman talaga mga tanga. Humiwalay pa talaga! Thank you sa inyong apat at pinadali niyo ang trabaho ko." Bulong ng isang binata habang pinagmamasdang humiwalay sa kanila ang apat pa nilang kasama upang maghanap ng makakain.
"Huwag kayong mag-alala, nagugutom na ako. Pahahanapin ko muna kayo ng pagkain, at sa pagbalik niyo, ipagpapatuloy ko na muli ang nasimulan ko. Hehehe." Nasa likurang bahagi siya ng grupo habang sila'y naglalakad kaya naman walang masyadong nakapansin sa mga sinasabi niya.
***---***
"Thank God!" Nakahinga na nang maluwang sina Violet nang makita nila ang grupo nina Charlie.
"Mabuti na lang at nakita natin ang isa't isa. Mas maganda kung magsasama-sama na lang tayo." Sabi ni Blue na hindi na humiwalay sa tabi ng kakambal niyang si Pink.
"Dapat lang, dahil alam niyo bang kaming tatlo na lang ang natitira sa group namin? Lahat sila, pinatay na ni Yuan!" Nagngingitngit na sambit ni Teri. Bahagya namang napatingin sa kanya si Maycee na tila wala pa ring emosyon ang mukha.
"Siya pala ang may pakana ng lahat ng ito?! Humanda sa akin 'yung lalaking 'yon kapag nakita ko siya!" Sigaw ni Kirsley habang nakakuyom ang kanyang kamao.
"Pero hindi lang 'yon, hindi siya nag-iisa. May sinusunod siyang isa sa atin. At hindi pa namin nalalaman kung sino 'yun." Dagdag pa ni Violet.
"So, ibig sabihin, 'yung killer ay isa sa atin at pinagmamasdan lang ang bawat kinikilos natin?" Wika ni Charlie habang ang kanyang dalawang kamay ay nakalapat sa kanyang dibdib.
"Oo, paniguradong palihim na siyang tumatawa habang pinagmamasdan tayo." Dagdag ni Ryeline, pagkatapos ay isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama niya. Isang bagay lamang kumuha ng atensyon niya, at iyon ay ang pag-iwas ng tingin ni Kiko.
"Alam ko na kung sino ang killer..." Buong tapang na bumulong si Ryeline na narinig din naman ng lahat.
BINABASA MO ANG
Death Camp (COMPLETED)
Gizem / GerilimSomething from your nightmare will come to visit your reality... The hideous killings... The freakish shows... The unimaginable events... Forty-six students from different places... Will unite... To complete the class that has always been different...